Chapter 2

1289 Words
Kakagising ko lang at hindi pa rin ako maka move on sa nangyare kagabi nakakahiya talaga kay Skyler ano na lang iisipin n'ya? Inaakit ko s'ya?! Hindi naman siguro ganon mag isip si skyler baka concern lang talaga s'ya sa'kin. Ay ewan basta ibabalik ko na lang 'to jacket sa kan'ya bukas. Nag text kasi ang manager namin na wala daw muna shoot ngayon. Tapos wala rin pala pasok ngayon kasi may event sa school pag ganito na may event school hindi talaga ako napasok wala naman kasi ako  gagawin dun. Atsaka time ko na rin 'yon para magawa mga requirements ko sa school. Pababa na ako sa salas ng makaamoy ako ng masarap na pagkain natatakam ako lalo sakto na gutom na gutom ako. kagabi pa ako walang kain pero nung makasama ko si skyler parang busog na busog na ako landi mo talaga jianna. Dumeretsyo ako sa kitchen at may dalawang tao ako  nakikitang nakatalikod si Janienna yung isa pero familiar sa'kin yung kasama n'ya. "Girl!! Gising ka na pala teka ire-ready ko muna yung breakfast natin." bati sa'kin ni Janienna teka sino muna yung lalaking nandito sa condo ko? Hindi kaya nag uwi ng lalaki 'to bestfriend ko?! "Jianna! Goodmorning it's been awhile simula nung huli kitang nakita gumaganda ata ang isa ko pa prinsesa." Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ang alam ko nasa states 'to si kuya carlo? Kapatid ni Janienna si kuya carlo since bata pa lang kami si kuya carlo na yung protector namin. Lumipat s'ya sa states kasi nag focus s'ya sa company nila doon and wala na ako ibang balita sa kan'ya kasi hindi naman kami madalas makapag usap unlike before na lagi kami magkakasama. " Kuyaaaa Carrrrlooooo! Namiss kita ng sobra! bakit hindi ka naman nagsabi na uuwi ka pala and pupunta ka dito ng ganitong kaaga kakahiya naman ikaw pa naabala namin." Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin si kuya carlo ng mahigpit kasi sobrang miss ko talaga s'ya bukod kay kuya gab si kuya carlo yung naging kuya-kuyahan ko simula bata pa lang ako kaya close na close ako sa kan'ya lalo na kay janienna na kasabayan ko lang lumaki. May kapatid rin ako si Kuya Gab parehas sila ni kuya Carlo na nasa states pero mas naunang umalis si kuya Carlo kesa sa kuya ko. "Surprise ko kasi 'yon hahaha btw lets eat may important news rin ako sa inyong dalawa that's why I'm here." "Alam mo girl planado 'to lahat ni kuya kasi nung magising ako nandito na s'ya sa loob ng condo natin may sariling access si kuya." sabat naman ni Janienna habang nakaupo kami dito sa hapagkainan. "Kuya Carlo ano yung sasabihin mo na important news? Kinakabahan ako sayo kuya is it Bad News or Good News?" Tanong ko naman kasi pag ganito na pasuspense si kuya kinakabahan ako eh. "Oo nga kuya! Sabihin mo na! is there any problem with our company? Nalugi na ba tayo? Bankrupt na ba tayo?! What kuya?!!!" Pagmamaktol ni janienna paano sila mababankrupt eh sumusunod yung company nila sa Asia na pinaka mayaman at pinaka kilala. " What the f**k! No its not that. We don't have any problem with our company. Don't be paranoid princess. The Bad news is that I'm getting married and since you girls are part of my life sinabi ko ito sa inyo." "Ahhh wala naman pala ika- WHUUTTTT?!!!!!!!" Sabay namin sagot ni Janienna ikakasal na si kuya carlo?! "Bad news nga! kuya pero teka paano nangyare na ikakasal ka na eh wala ka naman girlfriend napaka workaholic mo kaya na tao." "Oo nga kuya. I can't believe this! After so many years we've been together lumaki na kami at lahat hindi man lang namin nalaman may girlfriend ka pala." "Can you girls calm down first? I don't have any girlfriend ok! you two know how workaholic I am. One of my investors has a problem in his company and lumala yon na bankrupt sila but dad help him bilang utang na loob kinausap n'ya si dad kung maaring pakasalanan ko yung anak n'ya na babae which is sinang-ayunan ni dad." "Dapat tinanggihan mo si dad kuya! Alam mo naman na we're not favored in that fvcking Arrange Marriage na yan!" Inis na sagot ni Janienna kay kuya carlo ramdam ko yung inis n'ya kasi sa mga magulang na namin nanggaling na hindi sila pabor sa Arrange Marriage kasi naniniwala sila na mas magandang ikasal sa tao na gusto mo at mahal na mahal mo. "Oo nga kuya! Baka pwede mo pa na kausapin si tito na wag nang ituloy yung kasal!" sagot ko naman kay kuya carlo nawalan ata ako ng gana kumain hays what a nice news for breakfast. Hindi pa rin mag sink in sa utak ko na ikakasal na si kuya carlo sana magbago pa isip ni tito clark na iurong na yung kasal na 'yon I know and I believe that kuya Carlo will not be happy for the rest of his marriage. Tapos na kami kumain and hanggang ngayon iniisip pa rin namin yung desisyon ni tito clark yung kuya ko kaya ganon din? Sana naman hindi kasi ang alam ko may napupusuan na iba yung kuya ko. "Don't worry ladies ok? Kuya will do anything just to stop the wedding kung kailangan ko mang buntis ng iba gagawin ko para lang wag matuloy ang kasalan na 'to." Sagot samin ni kuya. Bwiset talaga 'to si kuya eh! Mang bubuntis pa ng iba. "KUYAAAA!!!!!" Sigaw namin mag bestfriend iba talaga takbo ng utak nito si kuya carlo eh. "Just Kidding! Basta I will handle this hihingi ako ng tulong kay Gab." Tama! Si kuya Gab ang makakatulong kay kuya carlo sa sitwasyon na ito ni kuya carlo ngayon. Mas makakatulong si kuya gab kasi maraming connections si kuya gab pag dating sa mga business na 'yan. Ang hirap talaga pag may business kayo tapos yung mga anak na lalaki ng magulang mo mana yung pagiging business minded. Natapos na kami kumain ng almusal namin and ngayon yung magkapatid nasa salas habang ako nandito sa kwarto ko kamustahin ko kaya kuya ko sa states tagal ko na rin s'ya hindi nakakausap sobra na busy n'ya rin kasi doon or puntahan ko na lang s'ya sa states tutal magbabakasyon na naman ako eh. *Beeep beeep* Skyler De Villa Hi Jianna. Are you free today? Kung oo can we meet at Vien's Cafe? 1 pm exact don't worry sa tapat lang 'yon ng Condo building natin. My treat. Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko dito sa kama ko tama ba 'to nababasa ko?! Chinat n'ya ako and mag kikita kami? Niyaya n'ya ba ako mag date kami? Shocksss!! Dapat maging maganda ako mamaya sana matagal ko s'ya makasama and this is my chance para mas makilala pa s'ya ng husto. Naligo na agad ako ng maaga and simple attire lang susuotin ko since sa coffee shop lang naman kami magkikita ibabalik ko na rin yung jacket na pinahiram n'ya sakin kagabi. Jianna Castro Hi Skyler! Yes I'm free kita na lang tayo don and dalhin ko na rin yung jacket na pinahiram mo sa'kin last night. Skyler De Villa Ok. See you later. Hindi ko na s'ya nireplyan baka kung ano pa masabi ko Yaaaaahh! It's already 11:00 am may 2 hours pa ako para mag prepare kailangan ko maging maganda sa harap n'ya para yayain n'ya ako ulit sa sunod. Tumigil ka nga self ang landi landi mo! Baka naman about work lang yung pag uusapan o baka naman kukunin n'ya lang yung jacket sa'kin napaka assumera mo talaga self. Ire-ready ko na lang sarili ko sa mangyayare mamaya pero sana maging ok ang kalabasan makabawi man lang sa kahihiyan ko last night. And this time I will make sure na hindi na ako mapapahiya sa harap n'ya. Sana mapigilan ko pa sarili ko na kiligin sa harap n'ya baka kasi mahalata n'ya at baka ma-awkward s'ya sa'kin sana naman hindi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD