Chapter 3

1100 Words
Ready na ako para imeet si Skyler sa coffee shop na pinag usapan namin hindi ako mapakali kasi halo-halo na yung nararamdaman ko. Kinikilig ako kasi magkikita na kami pero at the same time nahihiya ako dahil sa tuwing nakikita ko s'ya o naalala ko s'ya naalala ko rin yung nangyari last night. Wala na si kuya carlo dito umalis na kasi may kailangan pa daw s'ya gawin about sa company nila and yung bestfriend ko na si Janienna umalis rin ime-meet daw n'ya yung may ari ng coffee shop malapit sa school namin pag hindi ako nagkakamali Charles yung name nung may ari ng coffee shop sa may school namin. Tumingin muna ako ulit sa whole size mirror ko para tingnan ang itsura ko. Ok naman na siguro 'to na suot ko. High waist pants at Vneck shirt na 'di naman gaano hapit tapos yung sandals ko na flat kakahiya naman kung mag tsinelas lang ako nag lagay na rin ako ng light make up para presintable sa harap n'ya. Dinala ko lang yung wallet and phone ko pati na rin yung susi ng condo ko at yung jacket ni skyler nilabhan ko na rin 'to nakakahiya kasi kung ibabalik ko ng 'di ko man lang nalabhan since wala naman tao dito ok na rin na ilock ang pinto para safe na rin. Sumakay na ako sa elevator para mas mabilis ako makarating sa cafe. Nakakahiya kung pag hihintayin ko pa si skyler s'ya na nga yung nag aya ako pa 'to paimportante. Nandito na ako sa tapat ng coffee shop hindi naman ganon kalayuan sa condo sa tapat lang mismo. Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa loob binati ako ng mga crew dito kilala na rin ako dito kasi lagi rin ako na tambay dito kapag free time ko o pag bored ako sa unit ko. "Jianna!" tawag sa'kin ni skyler nakakahiya baka kanina pa s'ya dito ngitian ko na lang s'ya atsaka dumeretsyo sa table. "Hi skyler. Kanina ka pa ba? Sorry ah natagalan ako eto nga pala yung jacket mo." Eto na naman yung puso ko nagwawala na naman nakita lang si skyler kinakabahan rin ako pakiramdam ko anytime matutunaw ako sa mga titig n'ya sa'kin self kalma ok! Si skyler lang yan na mahal na mahal mo. "Ah.. Jianna inorder na pala kita ng Caramel Macchiato at ng Cheesecake nalaman ko kasi na favorite mo 'yon eh." "Huh? A-ah salamat skyler." "Actually Favorite ko rin 'yon kaya tuwing pupunta ako sa kahit saang coffee shop yan lagi order ko." "Ah ganon ba? Salamat pala skyler nilibre mo ako next time ako naman ang mag tre-treat." "Sure! I'm In basta we're not both busy." Dug dug dug dug dug..... Hindi ko na alam ang dapat ko maramdaman paano n'ya nalaman na favorite ko ang cheesecake at caramel macchiato? Hindi naman ako nag dadala nito sa studio pag may shoot. Tapos same pa kami ng favorite destiny na ba gumagawa ng way para magkatuluyan kami?! Sign na ba 'to na gusto n'ya rin ako? Pero hindi dapat ako mag assume kasi ako lang tong masasaktan sa huli. Tama na 'to pader na binuild ko sa puso ko, tama na yung hindi n'ya malaman na may gusto ako sa kan'ya kasi ayoko mag assume. Dumating na yung order n'ya at parehas nga kami ng order sobrang sarap naman kasi talaga nito cheesecake at ng caramel macchiato nila best seller ito dito sa Vien's Cafe kaya laging sold out ang cheesecake dito. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung dahilan nang pag yaya n'ya sa'kin makipag kita and pansin ko rin sa tabi n'ya na may bag s'ya nadala yun yung camera bag n'ya. Yayain n'ya ako mag mag shoot kaming dalawa? Hobby ko rin kasi ang pag pi-pictures kaya ang dami ko na photograph sa bahay. "Jianna can you join me later? After we finish our food? Pero kung 'di ka pwede ok lang." "Uh.. Sige samahan kita mamaya wala rin naman ako gagawin sa unit ko eh umalis yung bestfriend ko." "Yes! Thank you jianna don't worry 'di tayo magpapagabi." Nginitian ko na lang s'ya atsaka kinain yung huling subo ng cheesecake ko hindi ko na mapakalma ang sarili ko kung saan man kami pupunta ni skyler mae-enjoy ko 'yon bukod sa kaming dalawa lang makakapasyal na rin ako.  Ang tagal ko rin kasi hindi nakakapasyal simula nung matapos ang bakasyon ko wala na ako quality time para sa sarili ko tama lang pala na sumama ako kay skyler para kahit papaano maliwaliw ko ang sarili ko. Natapos na kami parehas sa pagkain namin at nag desisyon na kami umalis tatanungin ko ba s'ya kung saan kami pupunta o hahayaan ko na lang s'ya magsabi?! Bakit ba ako napra-praning ng ganito? Jianna kalma ok. "Sa Park lang tayo pupunta malapit lang 'yon dito sa unit natin ang ganda kasi ng mga view doon eh." "Aaahh parang nakikita ko nga 'yon pero skyler bakit tayo pupunta doon and pansin ko dala mo ang camera mo." "Ah yes dala ko nga the reason why i bring it is because I want to shoot there with you." "Huh? Shoot with me? Ba-bakit?" Skyler bigay na bigay na yung puso ko sayo wag naman ganito kasi baka sa kakaganyan mo mahulog na ako at masira yung pader na binuo ko para maprotektahan ko ang sarili ko lalo na ang puso ko. "Were here." sabi n'ya at pinatay na ang engine n'ya. Napatingin ako sa bintana hindi ko akalain na ganito kaganda ang park na 'to pag gabi sobrang nakakagaan ang view parang lahat ng problema mo mawawala from the lights hanggang sa mga naka tanim na bulaklak hindi ko maiwasan hindi mapangiti sa ganda ng tanawin dito. *Click* "Perfect." Napatingin ako agad kay skyler nang marinig ko ang click ng camera n'ya at dun lang ako natauhan. Pinicturan n'ya ba ako? O may nakita s'ya na magandang angle mula dito sa lugar namin? Sabagay maraming magagandang angle dito sa pwesto namin malapit sa may playground. Naglakad na kami papunta sa park hindi ko mapigilan hindi mapangiti sa ganda ng nakikita ko ang sarap pagmasdan ang paligid dito. Napaka relaxing ngayon lang ako nakapunta dito pero parang ayaw ko na umalis. Pinagmasdan ko si skyler na busy sa pag kuha ng mga litrato ang galing n'ya as a photographer makikita mo talaga na masaya s'ya sa ginagawa n'ya ito yung dahilan bakit nahulog ako sa kan'ya bukod sa alam ko na mabuti s'ya tao napaka sipag pa n'ya tao. Akala ng lahat napaka sungit at seryosong tao ni skyler kahit totoo naman 'yon and hindi ko akalain na ganito s'ya kagaan kasama hindi ako nakaramdam ng ilang o ng kahit ano habang kasama s'ya basta ang alam ko lang masaya ako na kasama ko s'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD