After 2 years Dalawang taon na ang nakalipas simula nang ikasal kami ni Skyler sariwa pa rin sa isipan ko kung paano kami nagpalitan ng I do's, vows, kung paano kami nangako sa isa't-isa na magsasama kami sa hirap at guinhawa na kahit anong mangyari hindi na kami magkakahiwalay ngayon. "Claude come here! You need to finish your food!" sigaw ng anak ko si Sky. Hindi ko akalain na sobrang responsableng kuya ni Sky sa kapatid niyang si Claude Angela na ngayon ay 1 year old na habang si Sky naman ay 6 years old na. Hindi mawala ang paningin ko sa kanilang dalawa habang pinakain ni Sky si Claude na ngayon ay umalis na sa tabi ni Sky at nagtatakbo na sa daddy niya. Si Skyler mas naging hands on sa business niyang modelling studio habang ako naman hands on at fulltime housewife dito sa bahay
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


