Andito na kami sa kwarto namin kaya nilapag agad namin ang mga bata sa kama para mas komportable ang pag tulog nila. Kitang kita sa mga itsura nila ang pagod dahil sa pag lalaro at hindi ko maiwasan mapangiti habang tinitigan sila habang si Janienna inaayos mga gamit ng mga bata. Hindi ko akalain na darating sa punto na parehas na kami may anak ni Janienna at naging close pa yung mga anak namin parang dati lang pangarap lang namin yung ganitong pangyayari pero ngayon nangyari na. Dahil sa mga anak namin ang laki ng pag babago namin mas naging responsable pa kami lalo na sa mga bata. "Ang bilis ng panahon parang dati lang takot na takot tayo hawakan ang mga bata kasi sobrang lambot pa nila hahaha." sambit ko kay Janienna habang tinititigan ang mga bata saka ako tumingin kay Janienna. "Ka

