"Mommy wake up! Wake up! Wake up!" pang gigising sa akin ng anak ko habang nag tatalon sa kama namin. Pinilit ko imulat ang mata ko kahit pakiramdam ko ayaw ko pa bumangon at mag mulat ng mga mata kundi lang maingay itong anak ko hindi ako babangon pero dahil sa kakatalon niya sa kama namin unti-unti na ako nagigising. "Bakit anak? Please give mommy a more minute to sleep." pag lalambing ko kay Sky sana umubra. "No! Mommy please wake up na daddy is cooking and I want to eat with you and daddy." sagot sa akin ng anak ko habang yakap-yakap na ako. Yinakap ko ng mahigpit ang anak ko saka siya hinalikan sa noo at sa pisngi niya ang sarap sa pakiramdam na nayayakap at nahahalikan ko pa ang anak ko despite of what happened to him because of his dengue. Sa lahat ng pinagdaanan namin mag In

