Ilang araw na ang nakalipas mula nang malagay sa alanganin ang buhay ni Sky at ngayon ay andito kami sa Park kung saan namamasyal kami at naglalaro sila Skyler at Sky. Simula nang malaman at makilala ni Sky ang totoo niyang daddy walang araw ang lumipas na hindi sila nagkaka bonding. Dumating rin sa punto na sa unit ko na natutulog si Skyler kasi ayaw siya paalisin ng anak namin kitang kita ko naman sa kaniya ang lubos niyang pag bawi sa amin mag ina at ngayon ay nililigawan na ako ulit ni Skyler. Nag aalangan ako sagutin siya ulit aaminin ko mahal ko pa rin si Skyler pero hindi sapat yon para bumigay ulit sa kaniya yung focus ko ngayon ay mapasaya ang anak ko kasama ang daddy niya. Nagamit ni Skyler ang pagiging photographer niya nang matanggap ko ang mga photographs na pinadala niya

