ANG PAG TATAPOS ( THE END)

942 Words
natin . Jason , ipasok mo na muna ang papa mo sa kuwarto niya. Ano ho'ng ginagawa n'yo rito sa Mindanao ... S - Sir ? " tanong niya kay Jeremy nang sila na lang dalawa ang naiwan sa sala . Ang totoo ay hindi pa rin siya nakaka - recover sa shock dahil sa biglang pagsulpot nito . Hindi pa rin siya makapaniwalang nasa harap niya ito ngayon . Gustung - gusto na nga niya itong yakapin , nahihiya lang siya . " Sinusundan ka , " sagot nito sa nagniningning na mga mata . " Na - realize ko kasing kailangan pa pala kita . I want you back in my life , Ella. Wow ! Ang haba ng hair mo , Marianella ! " Kailangan mo uli ng yaya ? " sabi niya , pilit itinatago ang excitement na nararamdaman . Nope . Hindi na yaya ang kailangan ko . Girlfriend na . Puwede ka ba ? " " Ano ba ang magiging trabaho n'on ? " tanong niya na pilit ikinukubli ang kilig na nararamdaman . " I need you to take charge of not just my stuff but also my heart . I need you not just to take care of me but also my future kids . I need you to spend the rest of eternity with me , Ella. Nanliligaw ka ba o nagpo - propose na ng kasal ? " sisinghut - singhot na tanong niya rito . Naiiyak na siya dahil sa hindi maipaliwanag na emosyong pumupuno sa dibdib niya. " Nagpo - propose ng kasal , since tapos naman na akong mamanhikan , " he answered , flashing a smile she would love to see for the rest of her life . " Ano ? Bakit , ano'ng pinagsasabi mo sa pamilya ko ? " " I asked your father for your hand in marriage . I told them I wanted to marry you , " nakangising sagot nito . " Ha ? Ginawa mo`yon ? " hindi makapaniwalang tanong niya rito. Kaya pala ganoon na lang ang ekspresyon sa mga mukha ng kanyang mga magulang at mga kapatid . " Yup . And guess what ? Your family gave me their blessing ! " " Siguro'y idinaan mo na naman sa pera . Magkano ang isinuhol mo sa kanila , ha ? Yong totoo . " Natawa ito nang malakas . " Not a single cent . Idinaan ko lang sa paguwapuhan. Feeling naman nito ! " sabi niya ngunit ang totoo ay kinikilig siya . " Come here ! " anito at saka siya hinila payakap dito. I missed you , Ella . " Niyakap siya nito nang mahigpit . " Sus ! Para kahapon lang tayo huling nagkita , " aniya pagkatapos isubsob ang kanyang mukha sa malapad na dibdib nito. I still missed you . Bakit ikaw , hindi mo ba ako na - miss ? " Inilagay nito ang hintuturo nito sa ilalim ng baba niya at itinaas ang kanyang mukha . Tiningnan siya nito sa mga mata . Na - miss din naman , " pag - amin niya . " Alam mo , nakakainis ka ! May plano ka naman palang sundan ako rito , pinahirapan mo pa ako ! Alam mo bang ilang gabi ko ring iniyakan ang ideyang hindi na kita muling makikita ? " tuluy - tuloy na sabi niya habang naiiyak na siya . Muling natawa ito nang malakas . " Really ? Mukhang na - amuse ito sa nalaman . " Gusto ko lang kasing mag - exert ng effort . I want you to see that I'm sincere this time with you . I want to prove to you that I'm willing to do everything to make up for all the bad things I did and said to you . I'm so sorry for hurting you , Ella . I really am . " " " Tinampal niya ito nang mahina sa mukha . " Huwag mo nga akong paiyakin . " " Nah , that's the last thing I wanted to do , " anito bago siya siniil ng halik sa mga labi . The moment his lips crushed hers , she forgot every reason to cry , except too much joy . There was a promise of eternal bliss within his kisses . Pagkatapos ng madamdaming halik na kanilang pinagsaluhan ay kapwa habol nila ang kanilang hininga . Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya . All she knew was that she was happy beyond words . Nothing could be more perfect . " I love you , Ella . Thank you for showing me what love means , " anito kapagkuwan habang nananatiling nakatingin sa mga mata niya . " Wala na bang mas ko - corny diyan , Mr. Rodriguez ? " She fought the urge to shed tears of joy Masuyong pinindot nito ang ilong niya . " Stop teasing me , Miss Tabigui ! First time kong magpaka mushy , for your information . Oo na , oo na ! " natatawang sabi niya habang pilit iniiwas ang mukha mula rito upang mabitawan nito ang tungki ng kanyang ilong . " Hey ! I said I love you . Wala man lang bang reply ? " nanunuksong sabi nito . " Sus ! Kailangan ko pa bang sabihin ` yon , eh , obvious na obvious namang patay na patay ako sa yong damuho ka ? " Humalakhak ito , kapagkuwan ay , " Yeah , I know , " anito bago muling inangkin ang kanyang mga labi . ... WAKAS ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD