her . Na - realize ko lang yan nang maisip kong maaari siyang napatay ni Dorothy . It scared the hell out of me , " pag - amin niya . " Then why did you let her leave ? " " Because I couldn't just ask her to stay . Sa dami ng mga masasakit na salitang sinabi ko sa kanya , hindi madali para sa kanya na paniwalaang mahal ko nga siya . I want to do more than that . I want to prove to her that my intentions are pure this time around. So , ano'ng balak mo ? Maghintay na lang ng milagro ? That's crazy , man . " " Yeah , I know . Kaya nga hinding - hindi ko gagawin ang bagay ` yan . Nagpunta lang naman ako rito upang masiguro kong okay ka na . I'm leaving for Mindanao tomorrow . Susundan ko si Ella sa kanila.
Ah ... So , you let her leave so you can follow her ? Nice plan , man . Really brilliant , " natatawang wika nito . " Bakit , ikaw , may naisip kang mas magandang plano ? " Umiling ito . " Iyon naman pala , eh . So , just shut up and let me handle things my way , " aniya . " Yeah , right ! NA - MISS po namin kayo , Miss Ella ! " " Na - miss ko rin kayo . Lahat kayo , miss na miss ko , " sabi ni Ella sa mga dating estudyante niya . Naisip kasi niyang bisitahin ang eskuwelahan kung saan siya nagtuturo dati.
Totoo ang lahat ng sinabi niya , miss na miss niya ang pagtuturo . Nasa pagtuturo at sa mga batang ito ang puso niya . Nag - vibrate ang cell phone niya . Kinuha niya iyon mula sa bulsa ng suot niyang pantalon . May text message siya galing kay Vanna . My nghhanap sau , llaki , gwapo . Uwi k n . Now n , anang text nito . Napakunot - noo siya . Sino naman kaya ang lalaking iyon na naghahanap sa kanya , eh , kauuwi lang naman niya sa kanila ? Wala pa namang nakakaalam na nasa Mindanao na uli siya . " Sige , kids ! Magpapaalam na muna si Miss Ella sa inyo , ha ? Babalik na lang ako some other time , okay ? " sabi niya sa mga bata . May pagtutol sa mga mukha ng mga dating estudyante niya . Binigyan na lamang niya ang mga ito ng tig - iisang lollipop - na kinuha niya mula sa handbag niya - bilang pakonsuwelo sa mga ito. Thanks , Tess , ha ? Alis na ako .
Pinapauwi na kasi ako sa bahay , " aniya sa dating kasamahan . " Magturo ka na lang kasi uli rito ? Naka - indefinite leave pa kasi si Ines . Mukhang wala na iyong balak bumalik sa pagtuturo . Mukhang tuluyan na iyong sasama sa boyfriend na Kano . Kulang na kulang na talaga kami sa teachers , " anito . " Sige , sige . Pag - iisipan ko . O , paano , tuloy na ako ? Siya , sige . Ingat . " Habang pauwi siya sa bahay nila ay hindi maalis alis sa isip niya ang diumano'y guwapong lalaking naghahanap sa kanya . Bumilis ang pintig ng puso niya nang maisip si Jeremy . Presumptuous ka naman ? Bakit , si Jeremy lang ba ang guwapo sa buong mundo ? Feeling mo naman , susundan ka n'on dito sa Mindanao ?
DALI , Ate ! " Agad sinalubong si Ella ng kapatid niyang si Vanna hindi pa man siya nakakarating sa bahay nila . Halos hilahin siya nito papasok sa bahay nila . Mukhang excited na excited itong makita niya ang kung sinong bisita niya sa loob . " Teka lang . Dahan - dahan naman at baka bumuka paghila nito sa kanya . pa itong sugat ko . " Ngalingaling madapa siya sa Literal na bumaliktad ang mundo niya pagkakita sa lalaking naghihintay sa kanya. S - Sir Jeremy ? " hindi makapaniwalang sambit niya pagkatapos matiyak na hindi siya dinadaya lang ng kanyang paningin . " Ano ho'ng ginagawa n'yo rito ?
I was just getting to know your family , " sabi nito habang nakapaskil sa mga labia ang matamis na ngiti . Noon lang din niya napansin na kompleto ang buong pamilya niya - mula sa tatlong nakababatang kapatid niya , sa mama niya , hanggang sa papa niyang nakaupo sa wheelchair . Hindi niya alam kung ano ang mga pinagsasabi nito sa kanyang pamilya at tila may excitement sa mga mata ng mga ito . " Ahem ! " aniya habang nakatingin sa buong pamilya niya . " Wala ba kayong gagawin ? " " Wala naman , Ate . " Si Jaydee ang sumagot , ang bunsong kapatid niya na third year high school . Mukhang may balak pa itong makinig sa magiging pag - uusap nila ni Jeremy . Sa katunayan ay mukhang wala ni isa sa mga ito ang gustong umalis upang bigyan sila ng privacy ni Jeremy.
May gagawin ka pa , Jaydee , nakalimutan mo lang . ` Ma , mag - uusap lang po kami ni ... ni S - Sir Jeremy , " aniya sa kanyang ina habang palihim na pinandidilatan ito . " A - ah , gano'n ba ? " anang mama niya na tila labag din sa loob nito ang umalis . " Jaydee , Vanna , tulungan n'yo muna akong maghanda ng pananghalian