makita kung sino sa dalawa ang tinamaan ng huling putok . Hanggang sa tuluyan nang nagdilim ang kanyang paligid. ELLA , nandiyan na ` yong poging mama sa labas , hinihintay ka.
Sige po , Aling Nancy . Pakisabi po , susunod na ako , " sagot ni Ella sa landlady niya mula sa labas ng inuupahan niyang kuwarto . Pano ba ' yan , bye - bye time na . Hindi niya napigilan ang sariling malungkot . Iyon marahil ang dahilan kung bakit tila ayaw pa niyang lumabas ng kanyang silid - ayaw pa niyang makaharap si Jeremy . Baka hindi niya mapigilan ang kanyang emosyon at tuluyan siyang maiyak.
Nakakahiya . Pauwi na siya sa Mindanao . Doon na muna siya magpapagaling . Ihihinto muna niya ang pag - a - apply ng trabaho sa ibang bansa dahil sa tinamo niyang sugat sa kanyang tiyan . Hindi naman ganoon kalala ang natamo niyang sugat . Suwerte pa rin siya dahil walang internal organs na tinamaan ng bala . Pero kailangan pa rin niyang magpahinga nang ilang buwan . Alam na rin ng pamilya niya ang nangyari sa kanya . Naintindihan naman siya ng mga ito . Ang mga ito pa nga ang nagpilit na umuwi na siya sa Mindanao para doon magpagaling.
Sinubukan din niyang isauli kay Jeremy ang kalahating milyon na ibinigay nito sa kanya ngunit ayaw naman nitong tanggapin iyon . Para daw sa kanya iyon , panggastos daw niya habang wala pa siyang nahahanap na ibang trabaho at habang nagpapagaling pa siya . Sa katunayan ay sinagot pa nito ang plane ticket niya pauwi sa Mindanao . Nagboluntaryo din itong ipag - drive siya patungo sa airport. Dapat ay matuwa siya sa itinatakbo ng mga pangyayari . Ngunit hindi niya magawang patayin ang lungkot na pumupuno sa dibdib niya . Nalulungkot siyang isipin na iyon na marahil ang huling pagkakataong makikita niya ito . Sa puso niya ay umaasa siyang hihilingin nitong huwag na lang siyang umalis . Pero hindi nito ginawa . Kaya bitter - bitter - an ang drama mo ngayon , gano'n ? Hay , naku , Marianella Tabigui , tumayo ka na diyan at male - late ka na sa flight mo ! Wala namang mabuting idudulot yang pagdadrama mo ! Mabigat ang loob na tumayo na siya at lumabas ng silid bitbit ang kanyang mga gamit . Isang malapad na ngiti ang isinalubong ni Jeremy sa kanya pagkakita nito sa kanya . " Akala ko , hindi ka na lalabas . So , shall we go ? Male - late ka na sa flight mo. At mukhang hindi pa makapaghintay na palayasin ako ! " O - okay , " matipid na sabi niya para hindi naman masyadong halata ang pag - aalboroto ng kanyang damdamin.
Let me bring your things , " sabi nito , sabay kuha mula sa kanya ang dala - dala niyang mga bag . " Are you feeling all right ? " tanong nito nang palabas na sila ng boardinghouse niya papunta sa naghihintay na kotse nito . All right ? Paano ako magiging all right sa lagay na ito ? Kanina pa nga niya gustong humagulhol dahil sa bigat na dinadala niya sa kanyang dibdib . " Hindi . " Napalingon ito sa kanya . " Ha ? Kumikirot ba yang sugat mo ? Sigurado ko bang kaya mo nang bumiyaheng mag - isa ?
O - 00 naman . K - kaya ko . " Itong sugat ko sa tiyan , okay lang . Pero itong puso ko , hindi okay . Wasak na wasak na nga , eh . Nang nasa kotse na sila ay panay pa rin ang daldal nito . Mukhang hindi man lang ito apektado sa nakatakdang paghihiwalay nila . Mukhang masaya pa nga ito.
Daldal ito nang daldal habang siya ay tahimik . Wala itong kamalay - malay na ipina panalangin niyang hindi sila makarating sa airport . Ipinagdarasal niyang bumagyo bigla , o kaya ay may ma - hijack na eroplano ng airline para magkansela bigla ng flights . Kung anu - anong rason na lang ang naiisip niya huwag lang matuloy ang pag - uwi niya sa Mindanao . Nahihibang na nga yata siya . Hay , Jeremiah Joaquin Rodriguez . Anong gayuma ang ipinakain mo sa akin at ganito na lang ako kahibang sa ' yo ? Mas matindi pa yata ang tama ko sa ' yo kaysa sa Dorothy na ' yon . "
HOW ARE you , man ? " bati ni Jeremy sa nakahigang si Rex . Nasa ospital pa ito at hindi pa gaanong magaling . Sa kanilang tatlo nina Ella at Dorothy ay ito ang nagtamo ng pinakamalubhang pinsala . Sa katunayan ay nanganib ang buhay nito . Isang linggo itong walang malay . " Here , getting sick of this damn hospital bed . Can't wait to get my ass out of here . So sick of the antiseptic smell of this place . " Lumapit siya rito at umupo sa katabing silya ng kama nito . " Haven't found a nurse for yourself yet ? " Mahinang tawa lang ang itinugon nito bago muling nagsalita . " So , how's Dorothy ? " " Okay naman siya . Nakausap ko si Tita Amparo kahapon , she said Dorothy's getting bitter . Sa katunayan ay na - discharge na siya noong isang araw pa . Next week ang flight nila papunta US . Doon daw ito magpapatingin sa isang psychiatrist.
Si Dorothy kasi ang aksidenteng tinamaan ng ng bala noong aksidenteng pumutok ang baril habang nag - aagawan sila niyon . Mabuti na lamang at hindi malala ang naging tama nito . Dahil sa nangyari ay napagpasyahan ng pamilya nitong dalhin ito sa States upang doon na nga ipagamot ang sakit nito sa utak . Masyado na kasing malala ang nangyari upang ipagsawalang - bahala pa uli ng mga ito ang sakit ng dalaga .
What about Ella , how is she ? " tanong ni Rex sa kanya . " She's fine . Gumagaling na rin ang sugat niya . Sa katunayan ay inihatid ko siya kanina sa airport bago ako nagpunta rito . She should be in Mindanao by now . Doon daw siya magpapagaling , " sabi niya . " You let her leave ? " nanlalaki ang mga matang tanong nito . " Yes . Why ? " " But I thought you loved her . " " Wala akong maalalang may sinabi akong gano'n . " " Hindi mo naman kailangang sabihin iyon sa akin . I know you , pare . At`yong reaksiyon mo noong malaman mong nasa panganib si Ella ay sapat na para malaman kong tinamaan na nga ng lintik na pana ni Kupido`yang mailap mong puso . " Natawa siya . " You're right , man . I really love