EPISODE TREE

2390 Words
SO , HOW'S your new yaya ? " " Personal assistant , " pagtatama ni Jeremy sa panukoy ni Rex kay Ella . Inisang - tungga niya ang natitirang alak sa kanyang baso , saka nagkibit balikat . Well , how would he know , eh , wala pa namang isang linggo ang babae sa kanya at madalang pa silang magkita ? " Okay naman siya , " sabi na lang niya kapagkuwan . Nasa paboritong bar nila sila nang mga sandaling iyon . Pag - aari iyon ng isa sa mga kaibigan nila . Kung ang pagbabasehan ay ang linis ng kanyang bahay ngayon and the fact that he now didn't have to rummage through his wardrobe in search of a pair of socks , Ella was doing just fine . And she was a good cook . Hindi man ito kasinggaling ni Yaya Tacia pero okay na . Magmula nang magtrabaho ang babae bilang personal assistant niya ay kumakain na uli siya ng disenteng almusal , isang bagay na hindi na siya nagkaroon mula nang pumanaw ang butihing yaya niya . " Huwag mong papatusin yon , ha ? Mukha pa naman yong inosente , kawawa naman , " anito . " Gago ! " " Uh - huh , your stalker's here , pare Hindi na niya kailangang lumingon upang malamang si Dorothy ang tinutukoy nito . Wala na talaga itong ginawa kundi sundan siya . She was really getting onto his nerves . " Hi , Jerry ! " bati ni Dorothy sa kanya . She was the only person who called him " Jerry . " He hated that name " Hi , " matabang na ganting - bati niya rito . " Punta lang ako sa CR . pare , " paalam ni Rex sa kanya . Pinandilatan niya ito ngunit ngumiti lang ito . Tila sinasadya nitong bigyan sila ni Dorothy ng pagkakataon na makapag - usap . Lagot ito sa kanya mamaya . " I'm so glad I found you here . I've been trying to call you . Did you change your number malambing na tanong ni Dorothy sa kanya . Daig pa nito ang girlfriend niya kung makaabrisete sa kanya . " Yeah . Na - SIM blocked kasi ' yong dating number ko , " pag - a - alibi niya . Ang totoo ay sinadya niyang palitan ang numero ng kanyang cell phone . Sawang sawa na kasi siya sa walang tigil na pagtawag nito . " What's your new number then ? " Inilabas nito ang cell phone nito mula sa handbag nito . " Sorry pero hindi ko kabisado . I left my phone at home , " muling pag - a - alibi niya . " Okay , " anito sa dismayadong tono . " Hihingin ko na lang kay Rex ang numero mo . " He told himself to stop Rex from giving Dorothy his new cell phone number . " May party sa bahay tomorrow , " anito habang nilalaru - laro ang isang tainga niya gamit ang isang daliri nito . " It's my parents anniversary . Puwede ka bang pumunta ka ? Pasimpleng lumayo siya rito nang bahagya . " I'm sorry , Dorothy , but I have a prior engagement . She pouted her lips . " Bakit gano'n ? Are you trying to avoid me ? " " Thank God , nakahalata rin . " C'mon , Jerry . You can't do this to me . Ano ba'ng nagawa ko para iwasan mo ako nang ganito ? Ano pa ba'ng kailangan kong gawin para ma - appreciate mo ang lahat ng mga ginagawa ko para sa yo ? " Napangiwi siya . Para kasing asawa niya ito kung makapanumbat . This is it , man . You have to end this insanity now , payo ng isang bahagi ng isip niya . Huminga siya nang malalim bago ito hinarap . He held both her shoulders and looked her in the eye as she spoke . " Dorothy , it's not you okay ? It's just that ... He scanned his mind for the right words to say , iyong magpapalayo na talaga rito nang tuluyan . It's just that may girlfriend na ako . I guess it's not right for me to be seen with another woman when I'm already committed to someone . Hindi magandang tingnan . I hope you understand . Gumuhit ang sakit sa mukha nito . He didn't enjoy making anyone sad , especially a woman . But he had to do that , kaysa naman hintayin pa niyang umabot sa puntong mapuno na talaga siya rito dahil sa mga pinaggagagawa nito . " Don't worry , makakahanap ka rin ng lalaking talagang para sa ` yo . You're beautiful and sexy , I'm sure maraming lalaking maghahabol sa ' yo . We're just not meant for each other , Dorothy . That's it . Bigla ay napalitan ng galit ang kanina ay sakit na bumalatay sa mukha nito . " You can't do this to me ! " she yelled . Kahit malakas ang tugtuging pumapailanlang sa buong bar ay hindi pa rin maiwasang makaagaw sila ng atensiyor " I'm the only woman meant for you ! Just me , Jerry ! Hindi mo puwedeng gawin sa akin ito ! Hindi mo ako puwedeng ipagpalit sa kahit sinong babae ! You're mine ! Do you hear me ? You're mine ! Just mine ! " Pagkasabi nito niyon ay itinapon nito ang lahat ng mahawakan nito habang patuloy pa rin ito sa pag uskandalo . Sinubukan niyang pigilan ito ngunit tila wala itong naririnig . Patuloy ito sa pagwawala . " This is crazy ! " sabi niya bago patagong nakisiksik na sa kulumpon ng mga customer para lumabas na ng bar . " What's happening ? " tanong ni Rex nang masalubong niya ito . " That b***h is crazy ! I'm getting outta here , man , aniya at tuluyan nang nilisan ang bar. WHERE did you put my favorite necktie ? " Muntik nang dumulas mula sa mga kamay ni Ella ang hinuhugasan niyang pinggan dahil sa biglang pagsulpot ni Jeremy sa kanyang likuran . She turned around and was immediately confronted by the rough expression on his face . Bad mood na naman ang damuhong ito ! Well , kailan ba ito naging good mood ? Mukhang magta - top na nga ito sa Guinness Book of World Records sa kasungitan . Sayang , guwapo pa naman ito . Hindi lang guwapo . Nuknukan pa ` kamo ng lakas ang s*x appeal . Did you hear me ? " " Ay , opo , Sir ! Narinig ko po kayo Aling necktie po ba ang tinutukoy n'yo , Sir ? " tanong niya habang ipinupunas ang basang kamay sa suot niyang apron . " Yong favorite ko . " Yong blue ! " asik nito bago tuluyang tumalikod upang bumalik sa kuwarto nito . " Eh , marami po kayong blue necktie , Sir , " aniya habang sumusunod dito . Napangiwi siya nang makita kung gaano kagulo ang kuwarto nito . Nagkalat ang mga damit nito sa sahig . Ang hudyo at hindi man lang naisip kung ilang oras kong inayos ang mga damit niya . Ang sarap talagang sapakin ! Yaya Tacia used to put all my favorite neckties on top of my bed ! " muling asik nito . Pasensiya na't hindi ako ang Yaya Tacia mo ! ngalingaling sabihin niya rito . " Eh , hindi ko naman po kasi alam , Sir , kung alin doon ang mga favorite n'yo . Magkakamukha po kasi ang mga iyon , " pangangatwiran niya habang pilit itinatago ang pagngingitngit ng kalooban . Kung hindi ka lang talaga malaking magpa suweldo , matagal na kitang nilayasan , damuho ka ! nagngingitngit na naisaloob niya . Pakiramdam niya ay kalbaryo ang mahigit dalawang linggong pananatili niya sa bahay nito , Paano , saksakan ito ng sungit . Wala na yata itong alam gawin kundi singhalan siya . Allergic yata ito sa magaganda ! " Well , it's your job . Trabaho mong alamin kung alin sa mga necktie ko ang paborito ko . Now , start looking for it . And don't stop ' til you find it ! Pagkatapos ay ayusin mo ang mga ` yan . Ang gulo ! " anito bago siya tuluyang tinalikuran . Inayos ko na kaya ang mga ito ! Ikaw ang gumulo ! Nagngingitngit ang kalooban niya habang hinahalungkat ang mga gamit nito para hanapin ang pesteng necktie na tinutukoy nito . " Hay , Yaya Tacia . Hindi ko alam kung paano mo natagalan ang damuhong ito . Sumalangit nawa ang kaluluwa n'yo , " sabi niya bago itinabi ang lahat ng necktie nito pagkahanap sa blue necktie na gusto nito . Nalaman niya ang tungkol kay Yaya Tacia nang itanong niya rito kung sino ang babae sa picture na nasa silid niya at kung kanino ang mga gamit doon . " That's my nanny since I was just a baby . She passed away a few years ago , " " naaalala niyang sabi nito sa kanya . Pagkatapos ay sinabi nitong isilid na niya ang lahat ng mga gamit ng matanda sa karton at ipasok na sa stockroom , maliban sa mga picture frame na itinanong niya rito . " Bakit ayaw mo akong papasukin , ha ? Are you trying to hide something from me ? " Natigil siya sa ginagawa nang marinig ang boses na iyon ng babae . May kasama ba si Jeremy sa labas ? Sa pagkakaalam niya ay sila lang namang dalawa sa bahay , unless may dumating habang nasa loob siya . Marahil ay isa sa mga kaibigan nito . Pero sa pag - uugali nito , duda siyang may kaibigan ito . Walang tatagal sa ugali nito . No ! Let me in ! You can't do this to me , Jerry ! You can't hide from me forever ! Hinding - hindi mo ako matatakasan , damn you ! " muling sigaw ng babae . Uy , mukhang galit ! Baka girlfriend . May LQ yata . May pumatol din pala sa asungot na yon ? Napangiti siya sa naisip . Mukhang nakahanap ng katapat ang amo niya . Malaamasona pala ang girlfriend nito . Mabuti nga rito . Bumukas bigla ang pinto ng silid at magkasunod na pumasok ang babaeng nagmamay - ari ng boses na narinig niyang sumisigaw kanina at si Jeremy . " Ay , kabayong bakla ! " Halos mapalundag siya babac sa gulat . Agad na nagtama ang mga paningin nila ng " I was right . You were hiding something from me " anito . Kung makatingin ito sa kanya ay daig pa nito ang gutom na leong nakakita ng daga na sisilain . Nakakatakot ito . " Is this the woman you chose over me , ha , Jerry ? Are you out of your mind ? My God , look at her ! She looks like a maid ! " Ano raw ? Siya ba ang tinutukoy nito ? For a while , she was confused . " Dorothy , leave her alone . I'm begging you , please get out of here , " wika ni Jeremy sa babae sa kalmadong tono . Pero kung pagbabaschan ang paggalaw ng mga panga nito , alam niyang galit na ito . " No , Jerry ! Get this woman out of here ! " anito at saka bumaling sa kanya . " Hoy , ikaw ! Get the hell out of here ! Ang kapal ng mukha mong mang agaw ng boyfriend ng may boyfriend ! You're not even pretty , my God ! Hindi ka na nahiya sa sarili mo . You look like hell ! " anito habang dinuduru duro siya . Tumayo siya at saka ito hinarap . " Hoy , Miss ! Alam ko kung ano ang posisyon ko rito , but that doesn't give you any right para lait - laitin ako nang ganyan ! Nagtatrabaho ako rito nang maayos . And for your information , mukha ka lang mayaman . Hindi ka maganda . " Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Jeremy kasabay ng pagnganga ng babaeng kaharap niya na tila ba hindi ito makapaniwalang nasabi niya ang mga iyon dito . Ang akala siguro nito ay hahayaan na lang niya itong api - apihin siya nito . Ohmigod ! And you even have the nerve to talk to me like that , huh ! " anito bago siya sinugod . Inihanda niya ang sarili sa sapakang magaganap . Ngunit hindi nangyari iyon dahil nagawang pigilan ni Jeremy ang babae bago pa man ito makalapit sa kanya . " Stop it , Dorothy ! You've gone too far ! I love Ella , okay ? Wala ka nang magagawa ro'n . Now , get the hell out of here bago pa kita ipapulis ! " Ano raw ? Ako , mahal niya ? Hindi naman ako naka - drugs , pero bakit nagha - hallucinate ako ? " You can't do this to me , Jerry ! You can't ! wika hawak ni Jeremy . ng babae habang pilit na kumakawala sa pagkaka " Oh , yes , I can do anything , Dorothy , at wala ka nang magagawa roon . Si Ella ang girlfriend ko , do you hear me ? Siya ang mahal ko . If you ever make the mistake of hurting her , ako ang makakalaban mo , naiintindihan mo ako ? Now , get the hell out of my ang babae palabas ng silid . house before I throw you out ! " anito habang hinihila Naiwan siyang nakanganga . Ako ? Girlfriend niya ? Kailan pa ? Bakit wala yata siyang maalalang ligawang nangyari sa kanila ? Unless iba na ang paraan ng courtship ngayon idinadaan na iyon sa pagsigaw - sigaw at pagsu suplado . niya . Mahal Pakiramdam niya ay ang haba ng hair daw siya ni Jeremy at handa itong ipagtanggol siya laban sa lukaret na babaeng iyon . Hindi tuloy niya naiwasang mapangiti . Kinikilig siya .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD