CHAPTER FOUR

2433 Words
OH , I'M so sorry to hear that , hijo . " Kausap ni Jeremy sa telepono ang mama ni Dorothy . Nakapagsumbong na pala rito ang anak nito kaya napatawag sa kanya ang ginang . Napilitan tuloy siyang ikuwento rito ang tungkol sa insidenteng naganap sa bar at sa panunugod ng anak nito sa bahay niya . " Ako na ang humihingi ng pasensiya sa ' yo . I know I shouldn't be telling this to anyone but ... Oh , how am I gonna say this ? My daugther , Dorothy , has . bipolar disorder . Have you heard of it ? " No wonder , he thought . Yes , Tita . I know what bipolar disorder is . " " It's just too bad my daughter is suffering from that . She can't control her emotions . All of her emotions are extremes - sadness , anxiety , guilt , anger , everything . She seems normal at times . Pero kapag napo - provoke siya , nag - iiba siya . Nawawalan na siya ng kontrol sa kanyang sarili . She's unpredictable , " sabi nito at saka bumuntong - hininga . " Have you tried seeking professional help , Tita ? Dati , when she was young . Pero natigil na ang mga therapy niya . Hindi naman kasi siya nakikipag cooperate . She kept on saying she was fine , that she didn't need to see a psychiatrist . Nahihiya rin siguro siyang malaman ng iba ang kondisyon niya . As of now , dumedepende na lang kami sa mga mood stabilizer and antidepressant Ang totoo ay hindi rin niya maiwasang makaramdam ng kaunting lungkot sa nalaman . Nakikisimpatya siya sa nararamdaman ng ginang . Matagal na niyang kilala ang pamilya ni Dorothy . Mabait ang ginang . Dahil doon ay naaawa siya rito . Alam niyang hindi biro ang nararamdaman nito bilang ina . " I know I shouldn't be doing this ... But - Oh , how am I gonna ask you this ? Can you do me a favor , hijo ? Can you just ... you know , play along with Dorothy ? She really loves you . Makakasama sa mahal . kalagayan niya ang malamang may iba ka nang I don't love her and she knows that , ngalingali niyang sabihin sa ginang . Pero alam niyang hindi makakatulong kung sasabihin pa niya iyon dito . Naaawa siya rito , all right . Pero nasa tamang katinuan pa naman siya para pumayag sa gusto nito . He couldn't play along with Dorothy . Hindi niya puwedeng sakyan ang kahibangan nito . Sino ang nakakaalam kung hanggang kailan magtatagal ang kahibangang iyon ? Habang - buhay ? No way ! I'm not going to live my whole life acting as if I'm in love with some crazy woman ! " Tita , I really want to help you but not in the way you want . I'm ... I'm actually getting married , Tita . I'm so sorry , hindi ko kayo puwedeng pagbigyan diyan sa hinihiling ninyo. Paninindigan na lang niya ang kasinunga - lingang may girlfriend siya sa kasalukuyan upang makaiwas sa napakagulong sitwasyong gusto nitong pasukin niya . To say he was getting married was a more valid excuse . Kaya sinagad na lang niya ang pagsisinungaling . " I see . Sorry din , hijo . I know I shouldn't have asked you this in the first place . I was just ... I was just so desperate . Oh , God. Natapos ang pag - uusap nila pagkatapos uli nitong humingi ng paumanhin dahil sa eskandalong nilikha ng anak nito . Pagkatapos maibaba ang awditibo ng telepono ay hindi sinasadyang napa baling ang kanyang tingin kay Ella na nang mga sandaling iyon ay abala sa pagpupunas ng mga muwebles sa sala . Without even knowing what he was doing , he began to examine her features . In all fairness , may - hitsura ito . Kaunting suklay lang at face powder ay mapapansin na ang ganda nito . Her complexion was fine , too . Hindi ito maputi , hindi rin naman maitim . Katamtaman lang . Morena , kumbaga . Makinis din ang balat nito . Kahit siguro maluwang na T - shirt ang isuot nito at tinernuhan nito iyon ng maluwang ding shorts ay hindi maikakaila ang magandang hubog ng katawan nito . Her breasts were of perfect size . Great ass , too . Napadako ang paningin niya sa mga binti nito . Oo nga at hindi gaanong kita ang legs nito dahil sa suot nitong oversized shorts pero hindi niyon nagawang itago ang magandang hubog ng mga binti cake . nito . Imagining the rest of her legs was a piece of Hindi nakapagtataka kung bakit napagkamalan naman talaga ni Dorothy na girlfriend niya si Ella dahil papasa sa kategorya ng matatawag na " maganda " ang babae . She just needed a makeover . " Ella , magbihis ka , aalis tayo , " sabi niya bago tumayo mula sa kinauupuang two - seater couch . " Ho ? Saan ho tayo pupunta ? " tanong nito nang papasok na siya sa kanyang silid upang magbanyo . " We're going shopping . Ibibili kita ng mga damit . Dorothy was right , you look like a maid , " he said to her before shutting the door behind him . ANO RAW ? Ako , ipagsa - shopping ? Maglululundag na sana si Ella sa tuwa kung hindi lang sa huling tinuran nito . Ipagsa - shopping nga ako pero lalaitin naman ! Bagay talaga kayo ng amasonang ' yon . Parehong pangit ang ugali n'yo ! Ang hilig - hilig ninyong manlait ng kapwa ! Pero bakit nga ba siya nito ipagsa - shopping ? Hindi naman niya ito boyfriend . Wala siyang makitang dahilan para ipag - shopping siya nito , unless girlfriend na nga talaga ang turing nito sa kanya . Hay , naku , Marianella . Naloloka ka na . Kung anu - ano na ' yang pumapasok sa kukote mo ! Nahawa ka na sa amo mo ! Eh , sinong mahigit treinta anyos na tao na nasa tamang katinuan ang maghahanap ng yaya para sa sarili nito ? Even worse , no man in his right mind would volunteer to shop for his nanny or housemaid . Hindi naman siguro kawanggawa ang pakay nito sa gagawin nitong iyon dahil hindi naman ito mukhang good Samaritan . Hay ... Ang mga mayayaman nga naman . Hindi na yata malaman kung paano gagastahin ang pera nila . Well , sino ba naman siya para magreklamo ? Siya na nga itong ipagsa - shopping , siya pa ang mareklamo ? Sige , go ! Dali - daling tinungo niya ang kanyang silid . Wala pang labinlimang minuto ay tapos na siyang maligo at magbihis . Pagkalipas pa ng isang oras ay nasa isang mall na sila . " ARE YOU serious ? " Napangiwi si Ella sa tanong na iyon ni Jeremy sa kanya pagkatapos niyang ipakita rito ang mga damit na napili niya . " Masyado po bang mahal ? " " No. They look like rags . Maghanap ka ng iba . Wala ka talagang fashion sense , " sabi nito sa kanya . One thousand pesos per blouse ? Mukhang basahan ? Seryoso ba ang kumag na ito ? " Sino ba naman kasi'ng nagsabing dito ka maghanap ? " anito habang iginigiya siya palabas ng department store ng mall . Pagkatapos ay dinala siya nito sa isang pambabaeng boutique . " Please assist her , " anito sa sales attendant na umestima sa kanila . Napangiwi siya nang makita ang price tags ng mga naka - display na damit . Four thousand five hundred pesos para sa isang damit ? " Sir Jeremy , ang mamahal po , " sabi niya rito . Kumunot ang noo nito . " So what ? Sinabi ko bang ikaw ang magbabayad ? " Wala siyang nagawa kundi ibalik ang paningin sa mga naka - display na mga damit . Talaga bang ibibili siya nito ng ganoon kamahal na mga damit ? Bakit ? " Eh , Sir ... What ? " " Ibabawas n'yo ho ba sa suweldo ko ang mga magagastos sa mga ito ? " Mabuti nang makasiguro . Ang lagay ay limang damit lang ang mabibili niya sa isang buwang suweldo niya rito ? " Of course not ! " " Ah , okay . " Nakahinga siya nang maluwag at marahan siyang tumangu - tango . Okay na kahit suplado , galante naman . Ang haba ng hair mo , Ella ! Para ka lang may sugar daddy ! She fought the urge to giggles . NASA labas ng fitting room si Jeremy habang hinihintay si Ella na isukat ang mga napili nitong damit nang mapadako ang paningin niya sa pulang damit na suot ng isang mannequin . Something told him that it would fit her perfectly . Ipinakuha niya iyon sa isang saleslady at saka ipinaabot kay Ella na nasa loob pa rin ng fitting room . " What are you doing ? " tanong niya sa saleslady nang ibalik nito ang pulang damit sa pinaghubaran nitong mannequin . " Eh , ayaw po kasing tanggapin ni Ma'am , Sir , " sagot ng saleslady . " Give me that , " aniya at saka tinungo ang kinaroroonan ng fitting room , bitbit ang pulang damit . " Excuse me , " sabi niya , sabay lingon sa saleslady na nakaabang sa labas ng fitting room . Agad naman itong umalis upang bigyan siya ng space . Iniabot niya kay Ella mula sa itaas ang pulang damit. Ayoko nga niyan . Pakibalik na lang sa rack , " sabi nito mula sa loob ng fitting room . " I want you to try this on . " " Ho ? Sigurado ho kayo ? Eh , napaka - sexy naman ho yata ng damit na yan . Hindi ko ho kayang suotin . Isa pa'y mukha hong pang - party ` yan . Wala naman ho akong party na pupuntahan . " " I said , try it , " giit niya . Wala na siyang narinig na reklamo mula sa loob . Mukhang isinusukat na nito ang pulang damit . " Get out of there . I want to see you in it . Ho ? Huwag na lang po . Nakakahiya . Hindi ho bagay sa akin . " I said come here . I wanna see you wearing that dress . " Ilang minuto ang lumipas bago ito lumabas ng fitting room . And he was right , the red dress fit her perfectly . The dress had a halter neck and was semi backless , all right , but it wasn't too sexy gaya ng sinabi nito . She looked sexy in it , yes , but the amount of exposed skin was just enough for her to look decent and daring at the same time . The fabric of the dress was form - fitting and enhanced her figure . It rested just above her knees , showing an ample amount of long , perfectly shaped legs . " Sabi ko naman ho sa inyo , eh . Hindi bagay sa akin ang damit na ito , " anito sa kanya pagkatapos niyang titigan ang kabuuan nito . Napalunok siya bago muling nagsalita . " No , no . I want you to get that dress . Please get her matching shoes . And a bag , too , " baling niya sa saleslady na nasa likuran niya . Agad naman itong tumalima . damit na ito ? " " Ho ? Alam n'yo ba kung gaano kamahal itong. Sinabi ko bang ikaw ang magbabayad ? " " Pero sayang din naman ho . Hindi ko rin naman ho kasi magagamit . Pateternuhan n'yo pa ng sapatos at bag , wala naman akong paggagamitan ng mga iyon . Hindi ko ho puwedeng isuot ang mga iyon habang nagba - vacuum . Ang hirap ho yata n'on , " anito ." Alam mo , sa lahat babae ng ikaw lang yata ay ang nagrereklamo kapag ibinibili ng mga damit at sapatos . Anyway , huwag mo nang problemahin kung saan gagamitin ang mga iyon . Ako ang bahala . Now , I want you to be done in twenty minutes . I'll just wait for you outside , " sabi niya at aktong iiwan na ito nang tawagin uli siya nito . " What ? " " M - magkano po ang limit ko ? " tila nahihiyang tanong nito . " Baka ho kasi sumobra . He fought the urge to smile . " Kunin mo lahat ng pinamili mo , basta isasama mo lang ang damit na iyan . Kumuha ka na rin ng mga puwedeng ipambahay para maitapon na yong mga isinusuot mo sa bahay , " sabi niya rito . " Sigurado ho kayo , Sir ? " tanong nito , mukhang ayaw pa ring maniwala . " Yup . Siguradung - sigurado . And please stop asking me that . Baka magbago pa ang isip ko . Sagarin mo na. Minsan lang akong magkaganito , I'm telling you , " sabi niya at iniwan na ito. madalas - dalasan ko DIYOS ko po ! Ano po'ng nakain ng taong ` yon at nagkakagano'n ? Sana po malaman ko para ang paghahanda , usal ni Ella sa kanyang isip nang makaalis na si Jeremy sa harap niya . Lumapit agad siya sa display ng mga damit . Mahirap na , baka magbago pa ang isip nito . " Iyan na ba lahat ' yong mga napili ko ? " tanong niya sa sales attendant na may hawak ng mga damit na isusukat niya . " Yes , Ma'am . " " I see . Pakibigay na lang sa akin isa - isa , ha ? " sabi niya bago pumasok uli sa fitting room . Kay lapad ng ngiti niya habang pinagmamasdan ang kanyang repleksiyon sa salamin . Bagay nga pala talaga sa kanya ang mga damit . Kaya pala kung makanganga ang masungit na amo niya kanina , eh , daig pa ang asong - ulol na naglalaway . Hindi mabura - bura ang ngiti sa kanyang mga labi habang patuloy siya sa pagsusukat ng mga iba pang damit na napili .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD