CHAPTER FIVE

2422 Words
OH , MAN , you're insane ! tuya ng kontrabidang bahagi ng isip ni Jeremy habang binabaybay nila ni Ella ang daan pabalik sa bahay niya . Inabot nang mahigit thirty thousand pesos ang lahat ng nagastos niya sa pagsa - shopping para kay Ella . What person in his right mind would spend more than thirty thousand pesos on a woman's wardrobe ? Not that he cared about money . He had spent twice , even thrice , the amount on his past girlfriends . He had always been extravagant with his women . Pero si Ella ? Hindi naman niya ito nobya pero bakit niya ito pagkakagastusan ng ganoon kalaki ? Ni hindi nga niya ito gaanong kilala . Gaano dalawang buwan . katagal na ba itong nagtatrabaho sa kanya ? Wala pang Because you want her to look decent . Because you're gonna use her as a prop . Nang sa gano'n ay maging kapani - paniwala naman kapag ipinrisinta mo na siyang girlfriend mo , his mind replied , trying to convince himself that what he had done was nothing special . Pero kahit anong pagkumbinsi niya sa sarili na iyon lang ang tanging dahilan kung bakit ganoon na lang siya ka - willing gumasta para dito ay tila may munting tinig pa rin sa isip niya na nagsasabing may mali sa kanyang ginawa . Something didn't seem right . " Why the hell are you looking at me that way ? " sita niya kay Ella . His eyes were fixed on the road but using his peripheral vision , he sensed that he was staring at him . At kung tama ang hula niya , alam niyang pareho lang sila ng iniisip . Sigurado kang hindi mo ibabawas sa suweldo ko ang lahat ng ito ? " tanong uli nito sa kanya . " Alam mo , hindi ka rin makulit , ano ? Itanong mo pa uli ` yan sa akin at ibabawas ko na talaga sa suweldo mo ang lahat ng mga ` yan , " sabi niya . " Naku , huwag naman ho ! Sayang din naman ho ang mahigit thirty thousand . Malayu - layo na rin ang mararating n'on . Ang yaman n'yo ho siguro , ano ? " " Why do you say so ? " Hindi niya alam kung bakit siya nakikipagkuwentuhan dito . He didn't talk to his employees , unless the situation called for it . Dahil unang - una , kung gumasta kayo ay gano'n gano'n na lang , na para bang walang gaanong halaga sa inyo ang treinta mil . Pangalawa , dahil handa kang magpasuweldo nang twenty - five thousand pesos kada buwan para sa isang yaya . Aba'y para na rin akong nakapag - abroad nito , hindi nga lang sa London . Pero okay na rin . " So , pangarap pala nitong makapunta sa London , naisip niya . " You're not my yaya , okay ? You're my personal assistant , " he said . Eh , pareho lang naman din ' yon , pinasosyal lang . Ganoon din naman ' yong trabaho ko - yaya , katulong . Nakakatawa nga dahil pinagkolehiyo pa ako ng mga magulang ko , eh , katulong din naman pala ang bagsak ko. Ano'ng natapos mo ? " Elementary Education . Actually , nagtuturo na ako sa amin , preschool . Eh , sobrang liit ng suweldo . Hindi iyon kasya , may mga kapatid pa akong pinag aaral . Kaya naisipan kong mag - apply na nanny sa London . Kaso , minalas . Napeke ako . Well , on second thought , pareho lang din naman . Nanny pa rin ang bagsak ko , " anito bago walang pakialam na tumawa . He glared at her . " Okay , okay , personal assistant , " bawi nito . Muli niyang itinuon ang mga mata sa kalsada. Wala ka namang ipapagawa sa akin , ' di ba ? " anito kapagkuwan . " What do you mean ? " tanong niya rito nang hindi ito tinitingnan . Na wala ka namang ipapagawa sa aking ... Alam mo na . Iyong hindi na parte ng aking trabaho bilang kapalit ng mga ' yan , " anito na ang tinutukoy ay ang mga shopping bag na nasa likuran ng sasakyan . Hindi ho kasi ako ganoong klase ng babae , Sir . " Hindi niya napigilang matawa sa sinabi nito . " What the hell are you saying ? I have no interest in you . Perhaps that would put your mind at ease . " She made a face at him , which was kinda cute . " Actually , meron pala , " sabi niya kapagkuwan . " May interes ho kayo sa akin ? " Nanlaki ang mga mata nito . " Shut up ! " saway niya rito sa chuckle - like manner . " May ipapagawa ako sa yo . Maliit na bagay lang naman , actually . And is pretty harmless . " " Sinasabi ko na nga ba , eh ! " bulalas nito at saka napapalatak . " Ano ho`yon ? " " I want you to throw away all those loose shirts and baggy shorts you always wear at home . Gusto kong mula sa araw na ito ay ` yang mga yan na ang isusuot mo , " sabi niya rito . Mahirap na , baka maabutan na naman ito ni Dorothy sa dating ayos nito , malait pa uli ito nang wala sa oras. Aangkinin uli niya itong girlfriend kapag muling hiningi ng pagkakataon . And he wanted it to be as believable as possible . Imposible naman kasing magustuhan niya ito sa malamanang na ayos nito dati . " You mean , dapat naka - dress ho ako , gano'n ? Ang hirap naman po yatang magtrabaho nang nakabestida at naka - high - heeled shoes . " Are you trying to make me laugh or what ? " aniya . Alam kasi niyang alam nito na ang mga pinamili nilang pambahay ang tinutukoy niya at hindi iyong pulang bestida . " Suplado , " sabi nito sa mahinang tinig . " What ? " tanong niya kahit narinig niya ang sinabi nito . Wala po . Ang sabi ko po'y guwapo kayo . " Hindi niya napigilang mapangiti . " Sus ! Naniwala naman ! " " Stop teasing me , okay ? " sabi niya rito subalit hindi naman mabura - bura ang ngiti sa kanyang mga labi . " Ibabawas ko na talaga sa suweldo mo yong mga pinamili mo . " " " " Dapat dalas - dalasan n'yo po ang pagngiti . Guwapo naman pala kayo pag nakangiti . " " Guwapo ako , period . " She broke out laughing. Oh , stop kissing my ass ! " sabi niya rito na lalo pang ikinalakas ng tawa nito . Pati tuloy siya ay nahawa na rito . Tuluyan nang humulagpos ang pinipigilan niyang tawa . Oh , man ! She makes you laugh . That's not good . When was the last time he laughed like this ? He could hardly remember . WHAT the f**k ?! " " Naku , sorry po . Sorry po talaga , " natatarantang sabi ni Ella at dagling isinara niya ang pinto ng banyo sa loob ng kuwarto ni Jeremy . Pumasok kasi siya roon para maglinis . Hindi niya alam na nasa banyo pala ito at naliligo , all in his naked glory ! Mabuti na lang at nakatalikod ito , kung hindi , naku , baka na - MTRCB na sila ! Ang sexy naman pala ng puwit ng lalaking iyon ! Kinikilig na dali - daling lumabas siya ng silid nito habang sapo ang dibdib . Hindi niya inaasahang nasa bahay na ito . Alas sais pa lang kasi ng hapon . Gabi na ito kung umuwi sa bahay . Minsan naman ay umaga na . Hindi nga niya alam kung saan ito minsan nagpapalipas ng gabi . Baka sa mga kaibigan nito , o kaya naman ay sa bahay ng girlfriend nito Nakadama siya ng bahagyang kurot sa kanyang dibdib . Pero agad din niyang pinagalitan ang kanyang sarili . Ano naman kung may girlfriend na ang amo niya ? Wala siyang pakialam dito . O hindi kaya may iba pa itong bahay ? Ganoon kasi ang mga mayayaman . May bahay na , may mga condo unit pa sa kung saan - saang sikat na lugar . Nang marinig niyang bumukas ang pinto ng silid nito ay agad na napigil niya ang hininga . Nahihiya kasi siyang makaharap ito pagkatapos na aksidente niya itong mabosohan . as she guessed , lumabas ito ng kuwarto nito nang nakatapi lang ng tuwalya , exposing his six - pack abs . Tama na po , diosko ! Nate - tempt na po ako ! " Ella . " Kuya , huwag po ! " Uhm , bakit po S - Sir ? " Grabe , ang tigas siguro ng mga pandesal ng taong ' to ! " I want you to get ready in an hour . May pupuntahan tayo . " " Ho ? Saan ho tayo pupunta ? " Bakit pa tayo aalis eh , pwede naman dito ? Gusto niyang pagalitan ang sarili sa kaberdehang itinatakbo ng isip niya . Well , masisisi ba naman siya ? Magpakita ba naman ito sa kanya nang halos hubo't hubad . Birthday ng mom ko , " anito . Isasama n'yo ho ako ? " hindi makapaniwalang tanong niya rito . Meet the parents ang drama ? Grabe , seryoso na nga yata ito ! " Yup . I want you to wear the red dress I bought for you , " anito bago tumalikod upang bumalik na sa kuwarto nito . Ilang minuto siyang nakatulala sa kinatatayuan niya pagkatapos panoorin ang pagpasok nito sa silid nito . Abut - abot pa rin ang kaba niya . Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang kabilis ang pintig ng puso niya . Kung dahil ba iyon sa nakita niyang sexy butt nito kanina , sa makalaglag - panty na abs nito , o dahil sa ideyang ipapakilala siya nito sa mommy nito mamayang gabi. Agad din niyang sinaway ang sarili sa mga naisip niyang iyon . Nagtungo na lang siya sa kanyang silid upang makaligo na . Kailangan na kasi niyang mag ayos ng kanyang sarili . Baka pumutok pa ang Bulkang Mayon kapag natapos ang isang oras at hindi pa siya nakapagbihis . Pumasok na siya sa banyo . " S - SIR ? Ready na po ako . " Mula sa binabasang magazine ay nag - angat ng tingin si Jeremy . Ella stood in front of him , dressed in red . Kahit nakita na niya itong suot iyon ay hindi pa rin niya naiwasang mapanganga pagkakita sa kabuuan nito . It fit her perfectly as if it was specifically made for her . It emphasized every alluring curve she had . Her hair was tied up in a messy ponytail , with some strands falling on her face . It gave her a refreshing look . Na - emphasize ang ganda nito sa makeup nito . She only applied very lightly on her face . He was surprised that she even knew how to apply makeup . Ni minsan kasi ay hindi niya ito nakitang naka - make - up . His eyes wandered down to her perfectly shaped legs , then further down to her shoes . It was the same pair of shoes they bought - red and stiletto - heeled . He wondered if she knew how to walk on them . Hindi pa kasi niya ito nakikitang nagsuot ng sapatos na may takong . Bitbit din nito ang bag na katerno ng pulang damit na binili nila . Lady in red , he smiled at the thought . His eyes wandered upwards and saw the coy look on her face. Sinabi ko naman kasi sa inyo , Sir , na hindi bagay sa akin itong damit , " tila nahihiyang wika nito . Na conscious yata ito sa ginawa niyang pagsusuri sa hitsura nito . He cleared his throat before he spoke . " N - no , it's okay . " It suits you perfectly , ngalingaling idugtong niya . He was so glad he insisted on buying it Ni Magkaibigan ang mga pamilya nila ni Dorothy kaya hindi malayong nasa birthday party ng mommy niya ang mommy nito . Iyon ang rason kung bakit niya isasama si Ella sa naturang okasyon - para iprisintang girlfriend niya kapag naghanap ang mom Dorothy . Though hinihiling niya na sana ay wala ang mommy ni Dorothy roon para hindi na niya kailangan pang magsinungaling sa sarili niyang ina . Hindi sila close ng mommy niya pero kahit kailan ay hindi siya nagsinungaling dito . Isa iyon sa mga itinuro sa kanya ni Yaya Tacia . " Let's go ? " sabi niya at tumayo na . Inilahad niya ang bisig dito para umabrisete ito roon . Saglit na tumingin ito sa bisig niya na tila nag aalinlangan ito kung ikakawit ang bisig doon . Nang magtama ang mga mata nila ay nginitian niya ito bago siya na mismo ang kumuha sa bisig nito para iangkla sa bisig niya . " You're not my personal assistant tonight , " he said as he led her to the doorway . " You're my date. YOU'RE my date . " Umaalingawngaw sa isip ni Ella ang sinabing iyon ni Jeremy sa kanya . Feeling niya , ang haba - haba ng hair niya . Tama nga yata ang hinala niya na nagugustuhan na siya nang totohanan ng amo niya. Pinigil niyang mapangiti . Baka kung ano pa ang isipin ni Jeremy sa kanya na nang mga oras na iyon ay abala sa pagmamaneho ng kotse . Kinilig ka naman ! Wala naman sigurong problema kung kikiligin man siya dahil binata naman ito , mayaman , at higit sa lahat ay napakaguwapo . Suplado nga lang ! Pero carry na rin . Medyo nagsimula na rin naman itong magbagong - buhay lately . Nagsusuplado pa rin ito ngunit hindi na ganoon kagrabe . Hindi na parang nagme - menopause ; parang nagma - monthly period na lang . She smiled at the thought.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD