HI ! " Napalingon si Ella sa nagsasalita . Isang hindi niya kilalang babae ang nakita niya . " H - hello , " atubiling bati niya rito . Nasaan ka na ba kasi , Jeremy ? Kanina pa niya hinahanap ito . Pagkatapos siyang maipakilala nito sa mommy nito bilang personal assistant nito ay basta na lang siya nitong iniwang mag - isa . Feeling niya ay naa - out of place na siya dahil wala naman siyang kakilala roon . May pa - ' you're my date ' pang nalalaman ang loko kanina , eh , iiwan lang naman pala ako sa isang tabi , tahimik na paghihimutok niya . " I almost didn't recognize you , " wika ng babae habang pinapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa .
You look better , all right , but I still don't understand kung ano'ng nakita ni Jerry sa ' yo .kahit ano yata ang isuot mo , mukha ka pa ring d . " Saka lang niya naalala kung saan niya unang kita ang kaharap .
That was why she looked miliar . Ito iyong malaamasonang nagwala sa bahay Jeremy na inakalang girlfriend siya ng kanyang mo . Kasalanan naman kasi ng damuho , hindi nito inama ang maling akala ng babae , bagkus ay nakyan pa nito iyon . Kaya hayun , inakala pa rin ng abae na girlfriend siya ni Jeremy . Malaki yata ang Dagkakagusto nito sa amo niya kaya kung lait - laitin siya ay ganoon na lang . " Okay lang kahit mukha akong maid , ako naman ang gusto ni Jeremy . Ibig lang sabihin n'on , mas nagagandahan pa rin siya sa akin kaysa sa ` yo . Mukha ka lang kasing mayaman
pero asal - maid ka naman . ' "
" Naningkit ang mga mata nito .
How dare you talk to me like that ! Don't you know who I am ? " " Hindi . Bakit , sikat ka ba ? " " Ella ! " Sabay silang napalingon ng babae kay Jeremy . " What are you doing here ? I've been looking for you , " sabi ni Jeremy . Neknek mo ! Ako nga itong kanina pa nagha hanap sa ' yo ! " Come , let's dance . Excuse us , Dorothy. pasintabi nito bago siya iginiya patungo sa gitna ng dance floor . Nasa function hall sila ng isang sikat na hotel kung saan ginanap ang birthday party ng mommy nito . " Eh , Sir Jeremy , " aniya nang nasa dance floor na sila .
H - hindi ho ako marunong sumayaw . Saglit itong tumingin sa kanya na tila ang sinabi niya ang pinaka - weird nang narinig nito sa tanang buhay nito . Pagkatapos ay iginiya nito ang mga kamay niya patungo sa leeg nito bago nito hinapit ang baywang niya . Nakulong sa lalamunan niya ang kanyang hininga nang hilahin siya nito palapit sa katawan nito . They were so close she could smell his manly scent . Ang bango- bango naman ng damuhong ito . Nakakaloka ! Mayamaya ay dahan - dahan itong gumalaw . Halos hindi nga gumagalaw ang mga paa nito . I've never seen you looking so lovely as you did tonight . I've never seen you shine so bright .... I've never seen so many men ask you if you wanted to dance . They're looking for a little romance . Given half the chance . Tamang - tama pala ang kanta sa kanya - Lady in Red . " Napangiti siya . Dahan - dahan siyang gumalaw upang masabayan ang banayad na pagsayaw ni Jeremy . They barely moved , and looked like they were standing there like a pair of posts . " Close your eyes , Ella . Feel the music in your heart , " wika nito bago siya muling hinapit pa nito lalo palapit sa katawan nito , their bodies almost touching .
She felt the electrying effect of their proximity to each other . Para siyang biglang nag - init na ewan . Nakakatakot ang hindi pamilyar na pakiramdam na ipinararamdam nito sa kanya ngunit wala naman siyang balak na ilayo ang sarili mula rito . It was scary yet addicting . Para iyong droga kung saan kahit alam niyang mali ay sisige pa rin siya . Kasi nga , masarap sa pakiramdam . Naramdaman na lang niyang nakahilig siya sa malapad na dibdib nito . And I've never seen that dress you're wearing . Or that highlights in your hair , they catch your eyes ... I have been blind . Bago pa niya mamalayan ay magkasabay na silang umiindayog sa saliw ng musikang pumupuno sa buong bulwagan . They were moving in unison , as if they had been dancing partners for years . Pati nga siya ay nagulat sa realisasyong madali lang palang sumayaw . He was right . All she had to do was close her eyes and feel the music in her heart.
The rest would follow . Lady in red is dancing with me , cheek to cheek . There's nobody here . It's just you and me . It's where I wanna be . But I hardly know this beauty by my side . I'll never forget the way you look tonight ... Ninamnam niya ang bawat segundong gdaraan habang kasayaw ito .
Feel na feel niya ang kanta . Feel na feel din niya ang pagkakalapit ng mga katawan nila na halos magdikit na . Langhap na langhap niya ang mabangong amoy nito habang pinapakinggan niya ang t***k ng puso nito . Nag iilusyon nga lang ba siya , o tama ang hinala niyang mas mabilis kaysa sa normal ang pintig ng puso nito ? Did he feel the same way ? Nararamdaman din ba nito ang tila magic na lumulukob sa kanila nang mga sandaling iyon ? With her eyes closed , she could almost imagine fireworks above them , exploding in every direction , painting the sky in many colors . She never imagined being that close to him would feel good , feel enchanting . Hindi na niya namalayan na tapos na ang Parang gusto pa niyang magprotesta nang dahan itong lumayo sa kanya .. At ang igiya siya nito frustration . pabalik sa upuan niya , nakadamang kanta . dahan siya ng Frustration dahil ayaw pa niyang matapos ang sandaling iyon . " Stay here . Pupunta lang ako roon , " anito , saba turo sa isang direksiyon . " May kakausapin lang ako Kapag nilapitan ka uli ni Dorothy , huwag mo siyang kausapin . Puntahan mo agad ako roon , okay ? " Daig pa niya ang nahipnotismo na nakasunod s bawat sabihin nito habang nakatitig siya sa mga mat nito . Hay , Jeremy . Ang guwapu - guwapo mo talaga aniya sa isip habang pinanonood ang paglayo nitc Ano ba'ng meron ka at mas malakas pa yata ang epekto mo kaysa sa Ecstasy ? " Muli siyang bumuntong - hininga .
NAPANSIN ni Jeremy ang pananahimik ni Ella habang binabaybay nila ang daan pauwi sa bahay niya . Nagtataka siya kung bakit tahimik ito . Nasanay kasi siyang maingay ito na tila ba hindi ito nauubusan ng sasabihin . But tonight was different . She had been surprisingly quiet ever since they danced together . Napangiti siya nang maalala ang pagsasayaw nila kanina . Ang pag - alala sa tagpong iyon ay nagdudulot ng ibayong saya sa kanyang puso . Parang ang sarap - sarap sariwain sa alaala . Masarap sa pakiramdam.
Oh , man ! You can't fall in love with her , he warned himself . Of course , he wasn't in love with her . He just enjoyed her company , that was all . Hindi naman siguro nangangahulugan iyon na in love na siya rito . Bringing her to his mother's birthday was a good idea after all . Hindi lang dahil naipamukha uli niya sa ina ni Dorothy at kay Dorothy mismo na may girlfriend na nga siya kundi dahil nag - enjoy talaga siya nang totohanan na makasama ito . He had to admit , he hadn't shared a dance with any women as special as the one he had with Ella . It was special in a way he couldn't explain . Basta naramdaman na lang niya .Could he be possibly falling for her ? Oh , no ! agad na pagtutol ng isang bahagi ng isip niya . Pero bakit nga ba hindi siya puwedeng ma - in love dito ? Dahil ba hindi ito kabilang sa alta sosyedad na ginagalawan niya ? Dahil ba isa lang itong preschool teacher mula sa Mindanao na pumasok na personal assistant niya ? Dahil ba hindi ito pumasa sa standards niya pagdating sa pagpili ng babaeng mamahalin ? Oh , he could think of a million reasons why he couldn't fall in love with her . Pero pagsama - samahin man ang lahat ng mga rason na iyon , hindi pa rin niya maikakaila sa sariling unti - unti na siyang nagkakagusto rito . Matagal - tagal na rin niyang hindi naramdaman ang ganoong damdamin . O baka nga ni minsan ay hindi pa siya nakaramdam ng ganoon sa kahit sinong babae . Oh , man . You can't be falling into deep s**t
PASULYAP - SULYAP si Ella kay Jeremy habang nagmamaneho ito . Bakit kaya ang tahi - tahimik nito ? Ano ang naglalaro sa isip nito ? Well , kailan ba naman ito nahilig dumaldal ? Dalawang bagay lang naman yata ang alam nitong gawin ang maninghal at mang - ignora . Ni hindi nga niya alam kung alin sa dalawang katangian nitong iyon ang mas gusto niya . Iisa lang ang alam niya : kahit ganoon ito ay may espesyal pa rin itong puwang sa puso niya . Iyon ang na - realize niya habang kasayaw niya ito kanina . Hay , ano ba itong pinag - iiisip ko ? Hindi ko dapat hayaang mahulog nang tuluyan ang loob ko sa taong ito . Hindi kasi siya bobo para isiping may pag - asang umusbong ang isang relasyon sa pagitan nila n Jeremy . Ano ' yon , suntok sa buwan?
Pangangarap nang gising ? Hay , naku , Marianella Tabigui . Gumising ka sa kahibangan mong ' yan . Na sa Maynila ka para magtrabaho , para makapag - ipon ng panggastos para makapunta sa London , hindi para ma - in love sa amo mong saksakan ng sungit ! Kailangan niyang mag - focus . Dapat ang iniisip niya ay kung paano mapapabilis ang pagpunta niya sa London . At pagdating na pagdating doon ay maghahanap agad siya ng mayamang Englishman , iyong mag - aahon sa kanyang pamilya mula sa kahirapan . Iyon dapat ang iniisip niya at hindi iyong mga walang - kabuluhang bagay . Bukas na bukas din ay sisimulan na niyang maghanap ng travel agency sa Internet.
May desktop computer sa library ni Jeremy . Na - try na niyang pakialaman iyon minsan kaya nalaman niyang walang password iyon . Hindi rin niya nakikitang ginagamit iyon ni Jeremy . Iyong desktop computer na nasa silid nito ang madalas na ginagamit nito . Minsan naman ay ang laptop nito . Siguro ay puwede uli niyang pakialaman ang computer na nasa library . Hanggang sa makarating sila sa bahay nito ay wala pa rin silang imikan . Dire - diretso ito sa silid nito . Kaya pagkatapos masigurong naka - lock ang lahat ang pinto ng bahay , pati na rin ang gate , ay.
pumasok na rin siya sa kanyang silid . Ngunit hindi pa man niya nasisimulang hubarin ang suot niyang pulang damit ay nakarinig na siya ng sunud - sunod na katok sa pinto ng kanyang silid . Dali - dali niyang binuksan ang pinto . There stood Jeremy . Other than loosening up his tie ay wala pa itong hinuhubad sa suot nito sa party kanina . Pakiramdam niya ay biglang nanuyo ang lalamunan niya nang magtama ang mga mata nila . Napakabilis din ng pintig ng puso niya na tila ba may sampung kabayo na naghahabulan sa loob ng kanyang dibdib . Ni hindi nga niya napansing ang higpit - higpit ng pagkakahawak niya sa seradura .
Ano ba kasi ang pakay nito sa kanya at nagpunta pa ito sa silid niya ? Magtatapat ba ito ng damdamin sa kanya ? Sasabihin ba nitong may na - realize ito kaninang nagsasayaw sila ? Na mahal na pala siya nito ? Na kaya nasa silid niya ito ngayon ay para manligaw ? O ang pinakamaganda sa lahat , para mahalikan nito ang mga labi niya na kanina pa nito pinapantasyang mahalikan ? Her system raged with excitement as she spoke . " B - bakit po , S - Sir Jeremy ? "
Naaalala mo pa ba iyong blue envelope na may mga lamang sample ng brochure ng mga hotel namin Hindi ko kasi mahanap . Puwede mo bang hanapin ? " sabi nito bago siya tuluyang tinalikuran .Laglag ang mga balikat na sumunod siya rito papunta sa silid nito . Ang ganda - ganda pa naman ng mga pantasya niya , pagkatapos ay uutusan lang pala siya nito . Gusto tuloy niyang magdabog . Ano ba naman kasi ang problema ng lalaking ito ? Mag - uumaga na pero magtatrabaho pa ? Wala ba itong kapaguran ?