Aria's POV Para akong tuod na pumasok sa classroom namin ngayon. Hindi man lang ako pinansin ni Fire kaninang umaga. Umalis agad siya at hindi man lang sumabay sa amin na kumain. Jusko! Parang nanaginip lang ako kagabi. Nakakaloka! Ito na talaga. Totohanan na ito. "Aria," Nilingon ko 'yong lalaking tumawag sa akin. "O Tyrone, ikaw pala," walang kagana-gana kong sagot sa kaniya. Napansin ko na may pasa rin siya sa mukha niya. Si Fire kanina, hindi man lang nagamot ni Thea kasi umalis agad siya. Hindi pa nga siya dumarating dito e. "Anyare diyan sa mukha mo?" I asked him. He is currently seating in front of me. "Wala naman." Ang taray! Anong wala? 'Wag mong sabihin na namamalikmata lang ako sa pasa na nakikita ko sa mukha mo, Ty? Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Sorry. Nagkaroon lang

