Aria's POV Nako naman! Ano ba naman kasi ang iniisip ko para yayain si Tyrone na mag-date?! Sira ulo ka talaga, Aria! Anyare sa'yo?! Nababaliw ka na ba?! Kasalukuyan akong pagulong-gulong dito sa kama ko dahil naloloka ako sa mga pinagsasabi ko kanina kay Tyrone. Okay, para makarelate kayo sa akin ngayon, sasabihin ko na kung ano ang sinabi ni Tyrone. Sabi niya ayaw niya. Omygod! Seryoso?! Tinanggihan din ako ni Ty?! Dinedma niya rin ang beauty ko?! Grabe na talaga ito! Bakit parang laging rejected ang role ko?! Pero instead na masaktan ako sa sinabi niya, natuwa pa ako. Buti na lang hindi siya pumayag. Nadala lang naman ako ng selos ko noong mga oras na 'yon. Siguro ay naisip niya rin na hindi naman talaga ako seryoso sa pagyaya ko sa kaniya. At kung sakali, saan naman kami magdedate?

