Tyrone's POV Hindi ko alam kung bakit ako nag-aalala para kay Aria. She's acting weird these past few days. Hindi na siya masyadong madaldal ngayon and she's spacing out most of the time. I don't know kung ako lang ba ang nakakapansin ng mga pagbabago niya but I am really worried. "Aria," I called her. Nandito kami ngayon sa classroom namin kung saan busy kaming halos lahat sa paggawa ng weapon. 'Yong weapon na ginawa ko, may kulang pa raw sabi ni Heiro. Si Kai naman, gumagawa ng potion para kapag ibinato ang isang buto ng puno ay agad itong tutubo. Si Thea naman ay gumagawa ng mga bola na agad na mag-eexplode ang tubig mula rito sa oras na ibinato ito sa mga kalaban. Si Nuraya naman ay gumagawa ng pana na nag-aapoy ang palaso kapag tinira na ito. Si Fire naman gumagawa ng fire bomb na k

