Third Person's POV "Sa palagay niyo ba ay hindi mahahalata ng Elemental Ministry itong ginagawa natin?" tanong ni Ciero. Kasalakuyan silang nasa isang silid sa ilalim ng Elemental Head's Office kung saan naroon din sina Zeira, Ferno at Heiro. Hindi namatay si Heiro dahil pinatay ni Ciero ang apoy na nakapalibot sa puso nito. Natural na kakayahan na ng mga water people ang kontrahin ang kapangyarihan na meron ang mga fire people. Matapos nilang iligtas si Heiro ay dito na sa ilalim ng Elemental Head's office ang kanilang naging lihim na lugar. "Isang linggo na rin naman at wala namang ibang nakakaalam na mayroong isang silid dito sa ilalim ng Elemental Head's office kaya naman nasisiguro kong hindi ito malalaman ng Elemental Ministry," sagot naman ni Heiro. Napagkasunduan nila na silang a

