Aria's POV Hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari kanina. Hindi ko na alam kung ano ba ang unang iisipin ko. 'Yong katotohanan ba na hindi pala ang itim na aura ni Shebah kundi ang makulay na presensya pala ni Hera ang isang linggong kasama namin o 'yong masakit sa dibdib at puso na balitang patay na si Heiro? "Aria, are you okay?" Itinayo ako ni Fire mula sa pagkakasalampak ko sa sahig. Hindi ko pa rin magawa ang magsalita. Feeling ko ay nalunok ko na yata ang dila ko. Bigla kaming napalingon sa pinto noong pumasok doon si Mama. "Aria! Ano'ng nangyari? Omygahd! Ano'ng nangyari dito?! Bakit nasira ang bahay natin?!" sigaw ni Mama pero katulad ng ginawa ko kina Fire, wala rin siyang nakuhang sagot mula sa akin. "Aria, ayos ka lang ba? Ano'ng nangyayari sa'yo, Anak?" Alam ko kung kail

