Aria's POV Mag-iisang linggo na rin kaming nandito sa mundo ng mga tao at ang nakakaloka sa lahat ay talagang nakakakulot ng bangs itong sina Fire. Paano ba naman kasi, hindi sila aware sa TV. Jusko! Naalala ko na naman tuloy noong niyaya ko silang mag-movie marathon at pinanood namin ang Harry Potter ay talagang naglabas na naman ng apoy si Fire at kulang na lang ay liyaban niya ang TV namin. Chika niya na may halimaw sa loob na gumagamit ng kapangyarihan at baka raw kunin ako. Ang sakit lang sa kidney ng gano'ng eksena. Isa pa 'yong cell phone ko na sa ngayon ay nag-rest in peace na dahil tinapakan ni Fire. May masamang elemento raw sa bagay na 'yon dahil sinasabi nito na Aria, you have a message. Kaya sinira niya. Halos umiyak ako noong naabutan kong wasak na ang cell phone ko. Jusko

