Aria's POV Nasisiraan na ba ako? Nag-iimagine pa rin ba ako? Oo, aaminin ko, madalas maglakbay ang kaluluwa ko sa iba't-ibang dimensyon pero 'yong sinabi ni Fire?! Totoo kaya 'yon?! Jusme Aria! 'Wag mo na munang isipin pa 'yan! Pumunta ka na sa battle field! Ilang araw na ang nakalipas mula noong sinabi sa akin ni Fire ang mga kagimbal-gimbal niyang confession. Hindi ko na nga siya pinansin pagkatapos ng mga sinabi niya e. Pakiramdam ko ay sobra ang pagka-ilang ko sa kaniya. Sino ba naman ang hindi maiilang kapag 'yong lalaki na hindi mo naman kilala ay sasabihin na mahal ka niya? Na gagawin niya ang lahat para maalala mo siya at lalaban kayong dalawa?! Us against the world?! Ganoon? Ikaw naman kasi, Aria. Masyado yata siyang natouch sa mga pinagsasabi mo sa kaniya kaya ayan, naloka ka

