Aria's POV Ako 'yong tipo ng tao na masyadong imaginative. Sa kaka-imagine ko nga ay ang dami ko nang napakasalan sa isipan ko. Naimagine ko na rin na kinasal kami ni Matteo Doo doon sa kalawakan habang nagkakabanggaan ang mga comets at asteroids tapos patuloy sa pagbagsak ang mga meteors. Gano'n ako kabihasa sa pag-iimagine ng mga bagay na alam kong ang layo sa reyalidad. Binibigyan ko ng katuparan ang mga imposible sa mundo sa pamamagitan ng mga ambisyosang neurons ko. Oo Aria, ganun ka nga kabaliw! Katulad na lamang ngayon. Medyo naalimpungatan ako dahil sa panaginip ko na nandito si Fire sa kwarto ko at nag-kiss pa kami. Jusme Aria! Hanggang sa panaginip ba naman?! Nakakaloka! Pagmulat ko ng mga mata ko, si Tyrone ang nakita kong nasa tabi ng kama ko at hawak ang kamay ko. Hanubayan

