Nuraya's POV Abala ako sa pagbabasa ng libro dito sa loob ng silid ko nang bigla na lang may kumatok sa pinto ko. "Nuraya, may naghahanap sa iyo." Si Laydon pala ang kumakatok. Teka, may naghahanap sa akin? Gabi na ah. Sino naman kaya ang maghahanap sa akin sa ganitong oras? "Sige, lalabas na ako." Itinabi ko ang hawak kong libro sa lamesa na nasa tabi ng kama ko. Agad akong lumabas sa silid ko para malaman kung sino ba ang naghahanap sa akin. "Nasaan ang naghahanap sa'kin?" tanong ko kay Laydon na kasalukuyang kumakain kasama ni Ela. "Sa labas ka na lang daw niya hihintayin," he replied. Sa labas? Bakit sa labas pa? "Sino ba ang naghahanap sa akin, Laydon?" tanong ko ulit. Tatlo lang kasi kaming nandito. Si Tyrone ay alam kong nasa dorm house nina Aria. Sigurado ako sa bagay na 'yon

