Aria's POV Kanina pa ako palakad-lakad dito sa black road na to pero bumabalik at bumabalik pa rin ako sa dati kong pwesto. Bwisit! Fire, sinusumpa ko, sa ngalan ng piattos na kulay blue at Nova na barbeque flavor, uupakan kita kapag nakalabas ako dito! Wala man lang ba'ng pwede na makatulong sa akin dito? Aba matindi! Ayos ang Yoso ah! Mamamatay na lang nga ako't lahat, punong-puno pa ako ng kababalaghan. Edi wow! Kayo na! Pinipilit ko na marinig ulit sina Thea pero hindi ko na sila marinig. Sumuko na ba sila sa paghahanap sa akin? Since hindi ko alam gamitin ang kapangyarihan ko, hindi na nila ako hahanapin?! Aba ayos ah! "Fire! Walang hiya ka talagaaaaaaaaaa!" Sinipa ko 'yong bato sa harapan ko at hindi ko alam kung saan na napunta. Sana tumama sa ulo ni Fire para makaganti man lang

