Fire's POV Saka ko na ipapaliwanag kung paano ako nakapunta sa black road. Sa ngayon ay nandito ako at nakikipag-laban sa mga gagamba na 'to. Kung hindi ako nagkakamali, ito 'yong mga gagamba na may lason ang sapot nila. Masyado akong nag-aalala para kay Aria. Paano na lang kung nahuli ka ng dating, Fire?! Baka patay na si Aria. Palapit na sa akin 'yong dalawang gagamba no'ng naglabas ako ng apoy sa kamay ko. I can make red fire balls. At 'yon ang pinagbabato ko sa mga gagamba. Black road is composed of different kinds of animals that are far different to what actually they are in human world in terms of size. 'Di hamak na mas malalaki pa sa tao ang mga hayop dito kumpara sa mundo ng mga tao. Alam namin 'yon dahil sa mga Zana na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa elemental person na

