Third Person's POV Dahil nga nasa c****x part na tayo ay eeksenang muli ang inyong magandang lingkod. Marami na ang namatay na estudyante dahil nga sa katotohanan na kapag natuklaw ka ng ahas ay magiging bato ka at unti-unting madudurog hanggang sa magmistula ka na lamang na abo. Gayundin naman ang iba pang hayop na nagmula sa Black Forest. May gagamba na mas malaki pa sa tao, may alupihan na talagang hindi rin biro ang laki, may mga paniki, at iba pang mga makamandag na hayop tulad ng scorpio. Lahat sila ay 'di hamak na mas malaki sa size ng tao at lahat din sila ay pareho ng mga ahas na nagagawang bato ang bawat tao na sinusugod nila. "Bakit may ganito?!" pasigaw na tanong ni Aria habang patuloy siya sa pagpana sa mga hayop na lumalapit sa kanila. Nagtataka siya kung paanong nagkaroo

