Aria's POV Madali akong ma-curious at alam kong isa ito sa mga negative kong ugali dahil mukhang applicable na sa akin ngayon ang curiousity kills a cat. Noong nakita ko ang imahe ng isang lalaki dito sa black forest na para bang hinihikayat niya akong sumunod sa kaniya ay 'yon nga ang ginawa ko. Sumunod ako sa kaniya at ang nakakaloka ay hindi man lang ako nakapagpaalam kay Fire. Pero iba ang nararamdaman ko sa lalaking nakita ko. Kahit mukha lang ang nakikita ko sa kaniya at tila wala siyang katawan ay parang ang lakas ng kapangyarihang bumabalot sa kaniya. Hanggang sa hindi ko na namalayan na sumusunod na pala ako sa kung saan ko nakikitang dumadaan ang itim na hangin. Para siyang soul eater. Ang pinagkaiba lang ay may mukha siya samantalang ang mga soul eater ay hugis mukha ng tao

