Aria's POV Isang linggo na rin ang nakalipas mula noong pinag-aralan namin ang mimicry ability at talagang ang taray lang kasi kaya ko nang maging kamukha si Ela. "Sa palagay ko ay dapat na tayong bumalik sa Yoso," sabi ni Thea. Nandito kami ngayon sa sala namin at nag-iisip ng kung ano ba ang dapat naming gawin. "Tama ka, Thea. We need to go back, now," pag sang-ayon naman ni Kai. Bigla akong nalungkot sa katotohanan na kailangan na naming bumalik. Parang ito na naman ako sa pakiramdam na kahit kailan ay hindi ako magiging handa na iwanan si Mama at harapin kung ano man ang naghihintay sa amin sa Yoso. "Aria, kailangan na nating bumalik. Alam namin na mahirap para sa'yo na iwanan si Ginang Arianne sa ikalawang pagkakataon pero hindi tayo maaaring manatili rito habang buhay. Kailangan

