Aria's POV Halos mawalan kami ng hininga noong halos hindi kami papasukin dito sa Yoso. Ang daming tanong. Bakit daw nasa labas kami? Paano daw kami nakalabas nang hindi nila nalalaman? Nakakaloka! Paano naman nagkaroon ng sandamukal na guard na sinaniban ng espiritu ng isang nag-iinterview ang buong Yoso? Anong meron?! "Kailangan nating pumunta kina Laydon," sabi ni Thea kaya naman agad-agad kaming dumeretso sa dorm house nina Ty. Kaya lang ay may isang problema. Habang naglalakad kami ay nasalubong namin si Zephyrus. "Tyrone? Anong ginagawa mo dito? Kakaalis mo lang sa cafeteria, 'di ba? Bakit nandito ka na at kasama mo pa sina Nuraya?" sabi ni Zep na nakatitig pa talaga ng bongga kay Tyrone este kay Fire pala. Nako, patay! Bakit nga ba hindi namin naisip na baka nasa labas pa ng dorm

