Isang araw naglakad si Enan papunta sa pintuan ng condo ni Cristine, natawa siya bigla bago kumatok pagkat bumukas yung pintuan ng unit nina Marissa. “Good morning” bati ni Enan. “Oh mukhang hindi para dito yan ngayon” sabi ni Marissa kaya tinignan ni Enan yung hawak niyang rosas. “Not today” sabi ng binata kaya napangiti si Marissa. “Goodluck” bulong niya sabay sinara ang pintuan. Sakto naman nagbukas yung pintuan nina Cristine at isang nakasimangot na Jelly at nakita ni Enan. “Ang aga aga, alam mo naman ano oras kami nagigising diba?” reklamo ng bading. “Excuse me” sabi ni Enan kaya nanigas yung bading at dahan dahan na tumabi. Dumiretso si Enan sa pintuan ng kwarto ni Cristine sabay huminga ng malalim. Palakad lakad si Enan kaya sinara ni Jelly yung pintuan at nagmadaling pumasok sa

