Maaga natapos ang shooting day kaya sina Enan at Mary Grace nakaupo sa loob ng isang tent. “Masaya ka ata” sabi ng dalaga. “Yung hindi ko magawa sa totoong buhay nagagawa ko dito” sabi ni Enan. “Hoy real life ito, hindi ka nananaginip” sabi ng dalaga. “I know, pero ang ibig ko sabihin e dito sa movie nililigawan kita, dito sa movie nanliligaw ako sa isang babae. One thing na never ko pa nagawa” sabi ni Enan. Tinignan siya ni Mary Grace sabay tinaasan ng kilay, “So pano mo pinasagot si Cristine? Kinindatan mo lang ganon?” banat niya kaya napalunok si Enan. “Syemps, alam mo na ako artistahin” landi ni Enan. “Oh come on, ang ibig mo ba sabihin hindi mo maligawan si Jessica? You are starting to confuse me already” sabi ni Mary Grace. Nagsisisi na si Enan pagkat naging careless siya kaya din

