Isang araw sa bahay nina Greg palakad lakad si Enan sa inis habang kaibigan niya tawa ng tawa. “Kaya nga ikawa pinuntahan ko kasi kaibigan kita” sabi ni Enan. “Siraulo ka, bakit ka magprapractice ng linya kasama ako kasi?” tanong ni Greg. “Sabihin mo lang sa akin kung maganda yung delivery. Para sa stage play ito” palusot ni Enan. “Hindi ko alam kasi nandidiri ako. Dude! Linya yan intended para sa babae, lalake tayo pareho kaya diri ang nararamdaman ko. At akala ko ba stage play? Bakit ganon kahina bosees mo? Kailangan marinig ng buong audience diba?” sabi ni Greg. “Kaya nga may tinatawag na microphone! Utak unggoy ka talaga” sabat ni Enan. “Sige na ulit na” sabi ni Greg. “Wag na” sigaw ni Enan sabay nagring phone niya. Pagkadikit sa tenga agad niya nilayo, maski si Greg na malayo sa kan

