Tinitigan ni Enan yung botones ng buzzer, umatras siya para pagmasadan yung bahay nina Mary Grace sabay naglakas loob nang pumindot. Ilang segundo palang narinig na niya yung sigaw ng dalaga, “Ma nandito na sundo ko. Oh my God this is it” bigkas ng dalaga. Pagbukas ng gate natatawa si Enan, “Ang lakas pala ng bunganga mo” banat niya kaya nagsimangot ang dalaga saglit sabay natawa narin. Pagkalabas ng dalaga napatigil si Enan pagkat may mas matandang babae ang sumilip. “Good morning po” bati niya. “Ay mommy, eto pala si Enan. Enan this is my mom” pakilala ng dalaga. “Hello Enan, kindly watch over my baby girl please” sabi ng matanda. “Opo, sige po” sagot ng binata. “Goodluck sa inyo ha, galingan niyo pareho. O Miggy wag kang nenerbyosin ha. O sige nab aka mahuli kayo sa call time niyo” sa

