Isang umaga tulala si Greg sa may gate nila habang pinagmamasdan yung batang babae na kasama ni Enan. Nagtatago si Charlene sa likuran ng mga paa ni Enan at sinisilip yung matangkad na binata. “Pare, yung totoong rason na kaya matagal na nawala si Ikang e…eto pare anak namin” sabi ni Enan kaya napalunok si Greg at tinitigan kaibigan niya. “Bakit ngayon mo lang sinabi?” tanong ni Greg. “E kasi nga..alam mo na. Pare favor naman o, kasi walang mag aalaga sa kanya today, may work shop ako, si Ikang naman may practices and lessons” “Pwede ba sa inyo muna siya?” tanong ni Enan. “Niloloko mo ako e, muntik na ako naniwala. Uy mabilis narin ako mag isip ngayon lalo na pagdating sa iyo. May lolo at lola naman siya, pwede naman sila mag alaga. At isa pa ang cute cute ng bata, ni walang kamukha sa i

