Sa loob ng elevator balak sana paglaruan ulit ni Enan yung mga bottons ngunit may mag inang pumasok. “Me mama, I wanna press it” sabi ng batang babae kaya umatras si Enan at tinago yung boquet of flowers sa likuran niya. Pagkapindot ng bata bigla tinignan ng nanay si Enan. Humarap yung batang babae kay Enan, “Kuya what number?” tanong niya. “Ah..” bigkas ni Enan. “He is going to the same number anak” sabi ng nanay kaya nagulat si Enan. Pag andar ng elevator kinakabahan na ang binata, buti nalang kumakanta yung batang babae kaya nadidistract pag iisip niya. “Carbon copy” bulong ni Enan. “Oo nga daw e, Charlene sabi ni kuya you look like mommy” lambing ng nanay kaya super ngiti yung bata at biglang naghawi ng buhok. “Wow ha, balak mag beauty queen?” tanong ni Enan. “Ay oo, yan yung dream

