Isang araw sa bakuran nina Jessica abala sa pagsesemento sina Greg at Enan. “Ang ganda ng bahay nila” sabi ni Greg. “Oo nga e, mas maganda ito kesa dun sa dating bahay nila pero mas gusto ko yung dati” sagot ni Enan. “Bakit naman?” tanong ni Greg. “E nandon lahat yung magagandang alaala ng kabataan namin e. Dito parang di ako sanay, hinahanap hanap ko parin yung dating bahay nila” sabi ni Enan. Biglang dumaan si Jessica para punasan yung pawis ni Enan, “Eto sa iyo Greg kung gusto mo magpunas” sabi ng dalaga sabay sinabit yung isang face towel sa balikat ng binata. “Buti ka pa special service” banat ni Greg nung makalayo yung dalaga. “Syempre, ganito din mangyayari sa iyo pag naging kayo na ni Lea” sagot ni Enan. “Oh so you mean to say kayo na ni Ikang?” tanong ni Greg. “Ano? Sabi ko gani

