“Paimportante naman yang kaibigan mo. Sabi niya gusto niya tumulong tapos tayo pa pupunta sa kanya” reklamo ni Enan. “Syempre tayo may kailangan e, don’t worry malaki apartment niya at siya lang ang nandon” sabi ni Violet. “Teka suspicious name ang Scarlet, lalake yan ano?” sabi ni Enan kaya natawa yung dalaga. “Yup” sabi ni Violet. “Ay Confirmed! Ang tanong magaling ba talaga yan?” tanong ni Enan. “Oo naman, isa siya sa mga choreographer namin. He dresses like a guy, looks like a guy, talks like a guy pero girl in heart” sabi ni Violet. “Kasi di pa siya officially out ano?” tanong ni Enan. “Official na no, ganon lang talaga siya” sabi ng dalaga. Pagdating sa apartment ni Scarlet nagulat si Enan nang makita ang isang matipunong lalake na bumukas ng pintuan. Humakbang agad si Violet at na

