Chapter 30: Studio Revisited

3194 Words
“Uy Mikan ano ito?” tanong ni Jessica. “My producer liked the song, so today we are going to record our duet at isasama siya sa aking album” sabi ni Mikan kaya napaupo si Jessica, mabilis na tumayo sa likuran niya si Enan at humaak sa kanyang mga balikat. “Nagbibiro ka naman e” sabi ni Jessica. “No, so may duet kami ni Enan then tayo din. Kaya tayo aayusan kasi they are going to take a video while we are singing. Its not a music video pero para bang the making of the album video. Mamaya after tayo si Enan naman yung aayusan tapos they will take a video of us. Tapos na recording namin so lip synch lang kami later” “Tayo na yung mauuna para naman may live video recording kunwari, so okay lang magkamali. Later alam ko si Enan sagot na niya yung bloopers para masaya yung documentary” paliwanag ni Mikan. “Mikan, bakit parang ang bilis, mas madami pang singer diyan na worth it” sabi ni Jessica. “Don’t be silly. I need you to calm down, wag ka ulit mahihimatay ha” sabi ni Mikan. “Actually galit yan, kasi di pa tumatawag si madam” banat ni Enan. “Ay oo, sorry daw kasi busy siya. Nakalimutan ko sabihin pero tapos na daw yung arrangement, icocontact daw niya kayo soon” sabi ni Mikan. “Okay babalik ako, Ikang kalma ka lang ha” sabi ni Enan. “Saan ka pupunta? Dito ka lang. To naman e” reklamo ng dalaga. “Ikang, di pa ako kumain ng almusal. Sasaglit lang ako doon sa karinderyang nakita natin, trust me mabilis lang ako” sabi ni Enan. “Ay oo pala, sige sige na” sabi ng dalaga. “Ikang kalma lang ha, Mikan uy ikaw na bahala sa kanya ha” sabi ni Enan sabay umalis. “Bakit hindi pa siya kumain ng almusal?” tanong ni Mikan. “Tsk, inumaga na ng uwi. I had to call him up just to wake him up and remind him of our appointment today with you” sabi ni Jessica. “Wala naman bar gig last night, saan siya galing?” tanong ni Mikan. “Kumanta sa kasal tapos they made him stay. Hindi siya nakatanggi, then pinakanta nila ng pinakanta sa after party. Sabi niya sinerenade daw niya yung bagong kasal habang naghohoneymoon sila” banat ni Jessica kaya natawa si Mikan. “That is a joke right?” tanong ni Mikan. “Syempre, kilala mo na siya. Pero they made him sing all night pero worth it naman daw kasi malaki binayad sa kanya” sabi ni Jessica. “Really? Good for him, so magkano naman?” tanong ni Mikan. “Thirty thousand” sabi ni Jessica. “Pwede na, I mean for a day’s work okay na yon” sabi ni Mikan. “Oo okay pero at the expense of his health. Well okay naman siya so siguro okay lang for now. I told him na unahin niya health niya, alam ko kasi pasikreto yan na kumakagat sa mga gig. Ewan ko ba diyan kung ano nanaman pinag iipunan kasi” sabi ni Jessica. Walang napili si Enan sa karinderya kaya bumili nalang siya ng brownies at juice sa grocery sa malapit. Paglabas niya ng grocery nagulat siya pagkat nandon si Jelly sa entrance at busy na nagtetext. Pilyong binata agad humawak sa braso ng bading, napasigaw si Jelly pagkat akala niya nanakawin na phone niya. “Jelly bilis takbo” sigaw ni Enan kaya yung bading nagpanic, nung nakita na tumakbo ang binata tumakbo narin siya. “Bilis Jelly nandyan na sila” sabi ng binata. Sigaw ng sigaw si Jelly, natakot na siya lumingon, pilyong Enan hinaakan pa kamay ng bading para makapagsabay sila ng takbo. “Tulong! Tulong!” sigaw ni Jelly. Pigil tawa si Enan kaya umakting siya na palingon lingon at bigkas ng bigkas ng mura para kunwari may naghahabol talaga sa kanila. Sa entrance ng studio naalarma na yung guard at si Cristine nang makita sa malayo si Enan at Jelly. Napatigil si Enan nang makita si Cristine, si Jelly naman nagtatalon at pinagtuturo yung guard. “Kuya help” sabi niya. “What is wrong?” tanong ni Cristine. “Ligtas na tayo Jelly, grabe ang daming babae na humahabol sa akin” banat ni Enan kaya yung hingal na bading biglang nagtanggal ng sandal at pinagpapalo pwet ng binata. “Walanghiya ka! Ang sakit sakit sa nitong mga sandal ko tapos pinatakbo mo ako! Tapos joke lang!” sigaw ng bading kaya nagtago si Enan sa likuran ni Cristine. “Kasalanan ko ba kung magandang lalake ako at habulin?” banat ni Enan. Nakikiliti si Cristine pagkat ang binata nakahawak sa kanyang baywang. “Cristine tumabi ka, ang sakit sakit sa heels. You almost gave me a heart attack” sabi ni Jelly. “Totoo naman kasi pinaghahabol talaga ako” sabi ni Enan. “O nasan? Nasan yung mga babae na yon?” tanong ni Jelly. “Umatras na syempre, nakita nila si Tiny. Ano bang ibubuga naman nila kay Tiny. Malaman bumalik na sila sa mga bahay nila at pumasok na sa matinding depression. Thanks Tiny” bigkas ni Enan sabay hinalikan sa pisngi ang dalaga mula sa likuran. Napapikit si Cristine at nanginig ang buong katawan niya sa matinding kilig. “Antipatiko ka talaga, ayan di ko tuloy nabili yung pinapabili niya” sabi ni Jelly. “Akin na, ako nalang bibili” sabi ni Enan. “Sige na Jelly balik ka nalang, kailangan mo din naman ng exercise e” lambing ni Cristine. “Ah siya ang kakampihan mo ganon?” sabat ng bading. “Jelly sige na, bilhan kita new sandals mo” sabi ng dalaga. “Okay” pacute ng bading. “Jelly pag nakita mo sila…” bigkas ni Enan. “Tumigil ka na nga, ilusyonado! Naka isa ka ngayon, humanda ka sa paghiganti ko” banta ni Jelly. Humarap si Cristine sa binata sabay ngumiti, “Tiny naman e, maganda ka na nga ngingiti ka pa. Wag naman ganyan, di pa ako nag aalmusal pero makita kang ganyan nabubusog na ako tuloy” banat ni Enan kaya natawa yung dalaga at napakurot sa tiyan ng binata. “Yan lang breakfast mo? Wait, why are you here?” tanong ng dalaga. “Why are you here?” sagot ni Enan. “Dubbing namin tapos may gusto silang ipa voice over sa akin, yung movie ad for TV” sabi ng dalaga. “Wow, e si Ikang at Mikan nandon sa loob magrerecord sila ng kanta” “Then later may shooting kami kasi para daw sa documentary ng album ni Mikan e” sabi ng binata. “Really? Wait so pati si Jessica kasama sa album?” tanong ni Cristine. “One song, duet din. Sabit lang kami pero happy na happy si Ikang” sabi ni Enan. “Tsk hindi maganda na breakfast mo yan, gusto mo samahan kita may restaurant nearby” alok ng dalaga. “Hindi na, okay na ito. Snack lang ito kasi malapit naman na lunch” sabi ng binata. “Tara sa loob, mainit dito” sabi ni Cristine kaya pumasok yung dalawa. Sa isang sulok ng studio tumambay yung dalawa, “Gusto mo Tiny?” tanong ng binata. “No, sige na kainin mo na” sagot ng dalaga. “Sorry ha, medyo gutom ako. Babagalan ko kumain just in case gusto mo din” banat ni Enan. “Puyat ka” bulong ng dalaga. “Hindi ah” sagot ni Enan. “Puyat ka, I can tell. May eye bags ka” sabi ng dalaga. “Ah ganyan talaga yan Tiny. Pag di na kasya yung kagwapuhan sa mukha ko e nagkakaroon talaga ng bags diyan para doon sila ikagra” sabi ni Enan kaya natawa yung dalaga at napalo sa dibdib ang binata. “Hindi kita mapapaamin ano?” tanong ng dalaga. “Mapapaamin saan?” tanong ni Enan. “Kung bakit ka puyat” sagot ni Cristine. “Kung aamin man ako sa iyo maniniwala ka ba?” tanong ni Enan at nagkatitigan sila ng matagal. Napalunok si Cristine, ramdam niya na nag iinit na ang kanyang mga pisngi kaya palambing niyang hinampas tiyan ng binata. “Hey are you working out? Bakit parang tumigas tiyan mo?” tanong ng dalaga. “Ha? Hindi ah, bakit naman ako mag work out?” tanong ni Enan. “Kanina kinurot kita sa tiyan halos wala na ako makurot, dati naman meron. Dati pag hinahampas kita sa tiyan parang may soft layer pero ngayon matigas” sabi ni Cristine sabay pinisil pisil braso ng binata saka ngumiti. “You are working out, ano nakain mo?” tanong ng dalaga. “Di naman work out as in work out pero siguro konti sa bahay” sabi ng binata. “See, tell me why” sabi ni Cristine. “Hindi na, titigil ko na kasi denied na din lang” sabi ni Enan. “What do you mean denied? Wag mo na isikreto, gusto mo ba maging makulit ako?” lambing ni Cristine. “Tiny naman, wag mo naman ako gagamitan ng charms mo. Alam mo mahina ako diyan” sabi ni Enan. “Tell me” bulong ng dalaga kaya natawa si Enan. “Fine, yung kaibigan ni Jelly na taga abroad, nag email sa akin asking me to send more photos” “Bago ka magreact makinig ka muna, so syempre in denial ako pero Tiny magandang panaginip yon kung magkatotoo man. So nagsumbit ako, aaminin ko medyo nag work out just in case makuha pero ayon…denied. Di natanggap” sabi ni Enan. “Aww bakit di mo sinabi sa akin yan? Are you okay?” tanong ng dalaga. “I am, nag expect lang konti aaminin ko pero balik sa lupa. Okay na ako don, at least some people considered and thought it could happen so masaya na ako” sabi ng binata. “Sayang, nakakainis, sayang naman” sabi ng dalaga. “Okay lang yon, ayaw ko din naman magunaw ng maaga yung mundo dahil sa akin” banat ni Enan kaya natawa agad yung dalaga. Sumandal si Enan sa wall, nagwalling ang binata habang tiantaas niya shirt niya para ipakita yung flat niyang tiyan. “The world is not ready for this, dadami ang makasalan pag nakita na nila ako ng buong buo” landi niya kaya nagtakip ng bibig ang dalaga at natili. Umariba si Enan, tinaas niya shirt niya sabay kinagat dulo nito at nag sexy posing. “Enan! Yiheeeee may abs ka na” sabi ng dalaga. “Tiny patikim palang yan, tignan mo na epekto nito sa iyo, imagine kung ganyan ang lahat sa mundo e di wala na” “Ayaw ko maging ambassador ng global warming kasi ayaw ko pag initin ang mga babae sa buong mundo. Walang binatbat yang mga hurricane at tornado sa madudulot na flash floods ng laway ng aking mga tagahanga at nagnanasa. Pero pag ang mundo napasok sa matinding drought at tag init…” “I will become that guy, I have to…ako lang yung Tag Init na magdudulot ng matinding flooding…correction woman made flooding” banat ni Enan kaya halos masiraan na ng bait ang dalaga. “Aysows uuso ang diaper dahil sa akin” hirit ni Enan kaya napahalakhak si Cristine at talagang pinagpapalo na yung binata. “Sorry Tiny, medyo bastos na yon” sabi ni Enan. “Its okay ano ka ba?” sagot ng dalaga sabay ngumiti. Nanigas si Enan ng matagal kaya muling nailangan ang dalaga sa malagkit na titig nito. “Tiny, magkaibigan tayo diba?” tanong ng binata. “Oo naman” sabi ng dalaga. “Hmmm close friends?” tanong ni Enan. “Yes, you can say that. Oo really close” sabi ni Cristine. “Magiging awkard ba o mali kung sinabi kong…pano ba?” tanong ng binata. “Na ano?” tanong ni Cristine. “Siyempre magaling kang artista, kapag sinasabi ko bang magaling ka naniniwala ka?” tanong ni Enan. “Di naman” sagot ng dalaga sabay nahiya. “So hindi ka naniniwala?” tanong ni Enan. “Teka, pag sinasabihan ako ng ganon e normal reaction ko yun. Diba sabi mo wag hayaan pumasok sa ulo” pacute ng dalaga. “Pero naniniwala ka pag sinasabi ko sa iyo yon?” tanong ni Enan. “Oo naman, lalo na galing sa iyo kasi alam ko hindi ka magsisinungaling sa akin” sagot ni Cristine. Napailing si Enan, lumapag kamay ng dalaga sa dibdib niya kaya nagtitigan sila. “You were about to ask something” sabi ni Cristine. “Matagal na tayo magkaibigan diba? So I can tell you things and you can do the same right?” hirit ni Enan. “Oo naman, ano ba gusto mo sabihin?” tanong ng dalaga. “Well gusto ko lang naman sabihin sa iyo na ako ay humahanga sa iyo” sabi ng binata sa nanginginig na boses. “Naks, ikaw talaga o” pacute ng dalaga. “Humahanga in the sense na…di lang sa talents mo…humahanga sa…bakit mas madali pag English? Kasi sa English isang salita lang” banat ni Enan. “Ikaw talaga, you don’t have to tell me that” lambing ng dalaga. “Kasi masama?” tanong ni Enan. “Hindi naman masama pero with you just being my friend di mo na kailangan sabihin” sabi ni Cristine. “Ah ganon ba, sige” sabi ni Enan sabay napakamot sa ulo. “Uy si Jelly, sige puntahan mo muna si Jessica. Silip ako don mamaya. Magkita tayo mamaya ha” lambing ni Cristine kaya naglakad na palayo si Enan. Pagkalapit ng bading sinundan niya ng tingin ang binata. “O bakit ganon itsura non?” tanong niya. “Tara tara sa loob ng room” sabi ni Cristine. Pagpasok ng kwarto naupo agad yung dalaga para kumain, “Bantayan mo yung pintuan, baka magalit siya pag nalaman niya na di pa ako kumain” sabi ng artista. “Oo pero napano siya? Bakit ganon itsura nya?” tanong ni Jelly. “Wala, we were just having a talk. Nabanggit niya na humahanga siya sa akin. Sabi ko naman di na niya kailangan sabihin yon” sagot ng artista. “O di natuwa, siguro kaya ayaw mo paulit kasi mamatay ka na sa kilig?” landi ng bading. “Jelly! Humility, di niya kailangan sabihin yon” sabat ni Cristine. “Tanga, ang English ng humahanga at crush” sabi ng bading kaya nanlaki ang mag mata ni Cristine. “What?” tanong niya. “Well ganon naman diba usually. When a guy tells you humahanga ako sa iyo. Pag sa akin may gusto lang sila ipabili, pag sa iyo malamang crush ka” sabi ng bading sabay kagat sa donut. Napasugod si Cristine, sinakal bigla kaibigan niya sabay inuga uga ito. “Bakit hindi mo sinabi ng mas maaga?” sigaw niya sabay biglang natili. “Excuse me wala ako kanina dito. Kayo yung nag uusap, sinasabi ko lang ano pwede maging meaning ng word na humahanga. Sa English crush yon, o mali ata ako, amused ba?” tanong ni Jelly. “Admire! He admires me? Jelly yung totoo” sigaw ng dalaga. “Aray ko! Wag kang mananakit, wala ako dito kanina. Antipatika ka, kausap mo na nga di mo pa tinignan reaksyon niya kasi. Doon mo masasabi ano ibig niya sabihin, bakit hindi mo ba kaharap?” sabat ni Jelly. “Kaharap ko pero hindi ko siya kaya titigan ng matagal sa mata. Jelly!” sabi ni Cristine. “Malay mo iba meaning” sabi ni Jelly sabay naupo. “Eeeeh admire ba talaga?” tanong ni Cristine. “Humility, nasan na yung sinasabi mong humility? Nawala? Binenta mo agad?” banat ni Jelly. “Wag ka ngang ganyan, yun kaya yon? Oh my God, yiheeee teka pero yun kaya?” tanong ni Cristine. “Aba malay ko, kumain ka na nga. Ang tagal niyo nang magkaibigan, bakit niya lang sasabihin yon? Baka totoo kasi panay dalaw niya sa condo mo lately. O bibili na ako kadena? Ikadena na kita baka liparin ka?” biro ni Jelly kaya di mapakali si Cristine at panay kagat na sa labi niya. “Totoo kaya? Hala, stupid ako. Oh my God. Jelly yun kaya ibig niya sabihin?” tanong ng dalaga. “How should I know antipatika? I was not there pero siguro kaya ganon itsura niya kasi parang basted siya” sabi ng bading. “Ang tanga tanga ko naman, nakakainis naman kasi siya e. Nagpapatawa tapos biglang magseseyoso. Magkikita pa naman kami mamaya e, pwede ko pa naman itanong” sabi ng dalaga sabay di na talaga mapakali. “Ows? Kaya mo itanong? Pano?” tanong ni Jelly. “Tsk, pano na yan? Hala sinabi ko na di na niya kailangan sabihin? Ano Jelly yun kaya yon? O humahanga lang talaga siya sa talent ko. Sana hindi sa talent, uy Jelly kain ka ng kain magsalita ka naman” sabi ni Cristine. “Sayang, if only tinignan mo facial reaction niya habang nagsasalita” sabi ng bading. “Pano ko siya tititigan kung hindi ko siya kaya titigan ng matagal? Ha? Badtrip ka na ha. As if hindi mo naman alam yung feeling na yon. Natutunaw ako pag tinitigan ko siya, feeling ko sasabog ako, gusto ko siya yakapin, halikan, minsan gusto ko na sabihin sa kanya pero alam ko hindi siya maniniwala” “Tapos ganyan ka pa, kain parin ng kain. Ano gusto mo suntukan nalang tayo? Ha? Tayo ka nga diyan” hamon ni Cristine kaya tumayo naman si Jelly. Naupo yung dalaga sabay nagsimangot, “Makikipagsuntukan ka talaga sa akin?” tanong niya pacute. “Oo bruha ka, para pupunta siya dito, mega care bear siya sa iyo. Isasakripisyo ko na sarili ko para lang sa iyo. Antipatika, doon mo makikita kung totoo yung sinabi niya. Pag ako naospital ayun crush ka nga, pag ako dumiretso sa punerarya aba magdiwang ka, mahal na mahal ka niya pag ganon” sabi ni Jelly. Napangiti si Cristine, kinilig saka tumayo. “O sige pero wag mo lalakasan ha” sabi niya. “Ay gaga! Gusto mo talaga? Ano ka sadista? Mag antay ka nga dito, pupuntahan ko siya. Ako na magsasabi” sabi ni Jelly. “Wag! Uy ano ka ba? Nakakahiya. Jelly naman wag mo sasabihin naman sa kanya” sabi ni Cristine. “Kakain ako! Wag mo ako papakialaman, sinayang mo yung opportunity, bleh” banat ng bading. “Tumigas yung muscles niya tapos may abs na siya konti” sabi ni Cristine. “Ano yan tinatakot mo ako?” tanong ni Jelly. “May araw ka din, pag naging kami na isusumbong ko lahat ng kamalditaan mo sa akin” “Jelly..mahal ko talaga siya e”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD