Chapter 29: Failure

3399 Words
Nagbukas dahan dahan ang pintuan ni Chelsea, isang matalim na kutsilyo ang agad umunday ng saksak kaya umatras si Enan. “Chel ako to, huy” bigkas ng binata. Sumilip yung dalaga sabay nagsimangot, “Loko loko ka din naman kasi e, kaya nga may peep hole diba? Para makita ko sino yung kumakatok. Bakit ka kasi nagtago?” tanong ng dalaga sabay tinanggal yung chain at binuksan ng husto yung pintuan. “I was just kidding…” bigkas ng binata sabay natulala. “O ano problema mo? I was in the midst of getting dressed, dami mo arte di tayo talo” sabi ng dalaga na naka bra at panty lamang. “Ah sige dito nalang ako mag aantay” sabi ni Enan. “Sus, nakita mo na mag iinarte ka pa. Pumasok ka na at ilock mo yang pintuan. Leave the knife by the door table, ninakawan yung isang unit sa fifth floor the other day so mahirap na” sabi ng dalaga. “Kung di tayo talo bakit naka bra at panty ka? Diba dapat brief lang?” banat ni Enan kaya humarap sa kanya yung dalaga at nagtaas ng kilay. “Joke..sige na magbihis ka na” sabi ni Enan. “So tell me bakit ka nandito?” tanong ni Chelsea. “Bihis ka muna, kahit di tayo talo nadidistract parin ako” sabi ng binata. “Alam mo ang dami mong arte, start talking” sabi ni Chelsea kaya nilabas ni Enan phone niya at pabirong kukunan ng litrato ang dalaga. “How dare you” bigkas ni Chelsea. “Joke! Ipapakita ko yung e-mail na natanggap ko. Di ako ganon ha” sabi ng binata. Lumapit yung dalaga, inagaw yung phone sabay binasa yung e-mail. “We regret to inform you..” basa ng dalaga sabay tumigil na at sinoli yung phone. “That is depressing” sabi niya. “Sorry ha, di daw ako fit sa current standards na hinahanap nila. Magkano utang ko sa iyo?” tanong ni Enan. “Sayang ano? Tsk..hay well wala na tayo magagawa. At least we tried diba?” sabi ni Chelsea. “Magkano utang ko?” tanong ng binata. “Wala, depressing news pero life goes on. Oh on second though since nandito ka na. Sana wala kang ibang lakad ngayon” sabi ng dalaga. “Wala naman” sabi ni Enan. “Good! Kung gusto mo magbayad utang samahan mo ako sa isang photo shoot today. Madami kasi ako dadalhin e” sabi ni Chelsea. “Oo ba” sabi ni Enan. “Alright pero malayo siya ha, it’s a prenuptial shoot” sabi ni Chelsea. “Wow, malamang mayaman yan kasi mga mayayaman lang gumagawa niyan usually e” sabi ni Enan. “Not really, uso na ngayon ang prenup shoots, pero today tama ka mayaman sila. Marunong ka magmaneho so ikaw narin driver ko” sabi ng dalaga. “Sure” sabi ni Enan. Pumasok na yung dalaga sa kwarto niya, uupo palang si Enan sa sofa nang makarinig siya ng sigaw. “Sayang!” hiyaw ni Chelsea sabay walang tigil na nagmura kaya inuga nalang ni Enan ulo niya. Ilang minuto lumipas lumabas si Chelsea at natawa. “You can touch it” sabi niya. “Ayaw ko, alam ko mahal ang camera na ganito” sabi ni Enan. “Luma na yan, pero ginagamit ko parin pang back up” sabi ng dalaga. “Lahat ito dadalhin natin? Tatlong camera tapos may Go Pro ka pa” sabi ni Enan. “Camera palang yan, di mo pa nakita yung ibang mga gamit na dadalhin natin” sabi ni Chelsea sabay natawa. “Bakit ang dami?” tanong ni Enan. “Syempre para kunwari sulit yung bayad nila” banat ni Chelsea kaya natawa ng malakas yung binata. “Iset up ko yung tatlong camera para mabilib naman sila kunwari” hirit ng dalaga. “Pero sa totoo isa lang gagamitin mo?” tanong ni Enan. “Sira nagbibiro lang ako. Trust me magagamit lahat yan. Okay I think I am ready, help me place them sa bags then wait pala, yung listahan ko. Read to me this list para macheck ko kung nandito na lahat” sabi ng dalaga. Isang oras lumipas natatawa si Chelsea pagkat habang nagmamaneho ang binata nakangiti ito. “Alam mo para kang baliw” sabi niya. “If you wanna be my lover..” birit ni Enan kasabay ng tugtugin kaya napatawa niya yung dalaga. “Excuse me hindi sa akin yang CD, it belongs to my ex” sabi ni Chelsea. “Alam mo wala naman masama sa choice of music e. Kung nakakarelate ka sa kantang yon o bandang yon wala na paki yung iba. Kaya nga madaming mga genre na pagpipilian e. Itong music mo feeling ko girl ako” banat ni Enan kaya umariba sa tawa si Chelsea. “Para lively yung drive, yun lang yon” palusot ng dalaga. “Alam mo one time nung high school kami sumakay kami sa kotse ng classmate namin. Yung tugtog e worship songs. Parang humihiwalay na kaluluwa ko sa katawan ko sa tindi ng upliftment” sabi ni Enan. “Bwahahahaha bwisit ka!” hiyaw ni Chelsea. “Siguro tactic ng tatay ng kaklase namin yon kasi nga high school kami. You know peak ng kalokohan, kaya sa biyahe alerto kami kasi baka yun na yung theme song sa lamay namin. Uy Catholic ako, di ko ginagawang joke yon pero shinare ko lang experience ko na nakasakay sa kotse habang worship song yung tugtog” “Para sa akin bad idea yon sa kotse, kung sa bahay pwede para maka pagreflect ka talaga. Pero sa kotse? Sus alerto ka sa takot, kasi nga pag ganon naririnig mo yung reflect, you realize your sins so mas sensitive ka kasi nga takot ka pang mamatay” hirit ni Enan. Halos mabaliw na si Chelsea sa tindi ng tawa, si Enan naman umiindak na parang babae kasabay ng kanta ng Spice Girls. “Tulad nito, it sets you on a girly mood. Pag yung mga rap naman feeling mo naman gangsta ka nagmamaneho kaya astang siga ka din. Ang maganda You Raise Me Up tapos babagalan ko magmaneho” banat niya kaya pinagpapalo na siya ng dalaga. Pagdating nila sa Tagaytay namangha yung dalawa sa ganda nung mansyon. Agad sila nag set up sa may garden na overlooking beach. “Sila ba yon?” bulong ni Enan. “Oo yung nasa terrace sila yon” bulong ng dalaga. “Tsk, ang maganda para sa gwapo talaga no? Tignan mo yung girl, ang ganda ganda niya, kutis niya parang porselana, buhok niya diretsong diretso, yung lalake naman…tapos mayaman pa sila. Perfect na” sabi ni Enan. “Childhood sweethearts sila” sabi ni Chelsea kaya biglang napatigil si Enan. “Two rich families” dagdag ng dalaga. “Wait, what? So you mean to say arranged ito?” tanong ni Enan. “Parang ganon ata, narinig ko lang. Diba sabi ko kinikilala ko muna mga clients ko, yun ang narinig ko” sabi ni Chelsea. “But they look happy with each other” sabi ni Enan. “Hay naku, kung pinagsasama talaga kayo matututunanan mo narin siguro mahalin ang isa’t isa. But who knows, baka nakatulong yung galaw ng parents at may true love talaga” sabi ni Chelsea. “Childhood sweethearts” bulong ni Enan sabay biglang naalala si Jessica. “Pero parang pag ako, parang mali diba? Parang kayo nalang yung dalawang isda sa aquarium so no choice. What if may iba palang mas nararapat? You will never know kasi nakakulong ka lang sa isang aquarium” “Labo din kasi ng mga mayayaman ano? Usually they do that para intact yung yaman o madagdagan pa. Parang mas maganda parin yung isa kang isda sa karagatan tapos doon mo natagpuan yung isa pang isda na para sa iyo. O diba? Sa dami ng isda sa karagatan tapos nahanap mo yung isa parang totally worth it” “Kesa naman sa iisa lang talaga kasama mo mula umpisa at natutunan niyo lang mahalin yung isa’t isa. Pero di na natin dapat problemahin yan” sabi ni Chelsea. “Uy Enan” hirit ng dalaga kaya natauhan ang binata at natawa. “Don’t tell me type mo yung babae?” bulong ni Chelsea. “Tss, naawa lang ako dun sa lalake. He looks so happy pero pag nakita ako ng magiging asawa niya its all over. Sensya na di ko kasalanan kung magdalawang isip siya pag nakita niya ako, gwapo ako e” banat ni Enan kaya natawa ng malakas si Chelsea. Napatingin yung dalawa mula sa terrace, biglang ngumiti yung babae at kumaway kaya si Enan tinungo ulo niya at kumaway din. “Told ya, now do you believe me?” landi ni Enan kaya nagtakip ng bibig si Chelsea at inuga ang kanyang ulo. Dalawang oras lumipas nagpahinga sina Chelsea at Enan sa may shade. “Nakakainggit sila, mahal na mahal nila talaga yung isa’t isa” sabi ni Enan. “Ramdam na ramdam ano? Nakakainngit” sabi ng dalaga. “Oo nga e, ikaw Chel, alam ko mahirap yung mundo na ginagalawan mo kasi nga ano ba tamang term sa katulad mo?” tanong ni Enan. “Gay” sabi ng dalaga. “Gay din ba?” tanong ng binata. “Tibo kung gusto mo kasi di naman ako maooffend” sabi ng dalaga. “Okay, so ayon, pag may type kang girl, pano na? Liligawan mo agad ba?” tanong ni Enan. “Hindi, tama ka mahirap yung mundo na ginagalawan namin” “Say for example I like a girl, its not that easy na ligawan ko agad. Honestly di pa naman talaga natatanggap yung mga katulad namin and you will never know if she is into that kind of relationship” sabi ni Chelsea. “Pero naka ilang girlfriend ka na?” tanong ni Enan. “Hmmm apat” sagot ng dalaga. “Wow, apat na?” sagot ng binata. “Hmmm yung first two epic fail. Kasi nga high school noon, oo madami girls like me so parang sa mundo namin e, guilty din ako sa aquarium na yan. Well most of us are, I mean those like me” “Para bang o pareho pareho tayo so tayo tayo lang. Gets mo? So epic fail kasi parang no choice, di naman sa no choice, nagka false feelings kasi nga parang nandon yung desperation kasi high school pa. Syempre takot ka din na hindi mo mararanasan ang pagmamahal” “Sa times of desperation madali maloko sa false feelings. So that happened to me twice. Yung third ko tinamaan talaga ako, first year college noon. We got really close pero she is not like me. Kaya sobrang hirap being with her everyday. We got closer and closer, parang sasabog na ako so ayun naglakas loob ako magsabi ng totoo at umamin sa kanya” “It took her some time to understand it all then I felt so happy when she said yes. Four months naging kami, then umamin siya na nahihirapan siya, its not working out daw and she admitted na parang her heart should belong to a guy so ayun” kwento ng dalaga. “Sorry” bulong ni Enan. “Nadepress talaga ako noon. Doon ako natutong mag photograpy kasi I decided to be a loner” sabi ni Chelsea. “Masama yan, no one can live alone” sabi ni Enan. “Yeah I realized that. So back to normal na ako pero minanhid ko na sarili ko” “If love is not for me then so be it sabi ko. Third year college, out of nowhere I met someone from school. We became close friends, really close friends until one day siya pa yung umamin na she was falling for me. Well honestly I was feeling the same for a very long time pero nagpipigil ako kasi ayaw ko na ulit masaktan” “I told her na gay ako, sabi niya alam daw niya kasi nahahalata niya noon pa. I felt so happy, as in sobrang happy ko talaga kasi eto na may tao na kayang tumanggap sa akin. So yon, naging kami up to six months ago” sabi ni Chelsea. “Teka lang ha, hindi ako yung third part. Kasi lahat ng hiwalayan ako sinisini bilang third party e. Pambansang third party daw ako e” banat ni Enan kaya natawa yung dalaga. “Walang third party, it was my fault” sabi ni Chelsea. “Ano nangyari?” tanong ni Enan. “First big fight after graduation. She found a job right away, pinipilit niya ako to work at the same company since same course kami pero I wanted to have a career in photography. Okay she won, I worked at the same company but she let me continue my hobby” “She was my first model actually, dahil sa kanya ako sumikat. Second big fight when I quit my job to focus on photograpy. Everything worked out naman, she gave way. I was starting to go up the ladder…pangarap ko talaga e. Habang tumataas ako I was losing her, wala na ako time para sa kanya…I was so busy sa sobrang daming gigs” “Once I reached the top, she was gone” bulong ni Chelsea kaya nagpanic si Enan at di niya alam ano gagawin niya. “Ah..” bigkas niya sabay tinapik tapik likod ng dalaga. Inuga pa niya si Chelsea sa pamamaraan ng pagbangga kaya napangiti ang dalaga habang teary eyed. “Ogag babae parin ako” bulong niya kaya umakbay si Enan. “Awkward kasi pag di mo sinabi yon, pag nagdradrama kaibigan kong si Greg sapat na yung tapik tapik at uga uga” sabi ni Enan kaya napahalakhak ang dalaga bigla. “Love is so complicated pala, sensya na pagdating diyan rookie palang ako…di pa nga rookie e, draft pick palang ata ako” sabi ni Enan. “Kaya wala ako mapapayo sa iyo. Ay meron pala, kung iniisip mo na hindi na ulit makakahanap ng magmamahal sa iyo…wag kang ganon. Tignan mo ako, kahit ganito ako nandon parin yung paniniwala na isang araw meron at merong magmamahal sa akin” “Yung kaya ako matanggap ng buong buo. A dream that may look blurry and impossible but its my dream so no one can take that away from me. Isang araw kukunin kita para din sa prenup namin pero babaan mo singil mo ha kasi alam ko by that time Intergalactic Photographer na peg mo” sabi ni Enan kaya napangiti si Chelsea. “Oo dadating yung araw na yon, hindi man sa ganitong kagandang lugar pero Chelasea itaga mo sa bato yan, kukunin kita taga litrato ng prenup namin. Kung sino siya di ko pa alam pero alam ko meron, at alam ko pagdating ng araw na yon may nagpapaligaya narin ng puso mo” “May tao ka nang nahanap na magmamahal sa iyo at mga pangarap mo. Tao na magmamahal din sa mga gusto mo kaya kung gusto mo manatiling masaya sa araw na yon wag mo siya isama sa prenup ko kung hindi sure ako maghihiwalay ako at ako magiging rason ng break up niyo” banat ni Enan kaya super halakhak si Chelsea. “Alam mo Enan you are cool guy, kung lalake lang hanap ko talaga baka patulan kita” sabi ni Chelsea. “Pumapalusot ka pa, I am irresistible, wag ka nang in denial, kahit anong orientation nagakagusto sa akin” landi ng binata. “Kapal mo ha, sana may isang babae na katulad mo no?” banat ni Chelsea. “Meron pero akin yon…oh shoot..why did I say that? I meant kaibigan ko siya” sabi ni Enan. “Uy akin yon, so sino siya?” tanong ng dalaga. “Dulas lang, ano ka ba? Slip of the tongue” sabi ni Enan. “Alam mo dahil mabait kang kaibigan…wag kang malungkot dahil di ka tinanggap nung whatever na yon. Tayo gagawa ng paraan para maging model ka” sabi ng dalaga. “Uy Chel wag na no, di ako nababagay sa ganyan sa totoo” sabi ni Enan. “Hey kanina sabi mo sundin mo lang pangarap mo” “Wag ka na maarte, after ng shoot magpapaalam tayo na magshoot tayo sa beach front at dito. Basta I want to help you reach your dream since you are a good guy. Wag ka na umangal kung hindi uupakan talaga kita” banta ng dalaga. “Bakit kaya naniniwala ako sa iyo pag sinabi mo yon?” banat ni Enan. Bandang hapon sa beach front inaayos ni Enan yung shorts na nahiram niya sa ikakasal. “Doon ka sa tubig, dalian mo at low batt na” sabi ng dalaga. “O tapos?” tanong ni Enan. “Give me something sexy, be as sexy as you can” sabi ni Chelsea. “Are you kidding me? Ako?” tanong ni Enan. “Will you trust me! Alam ko ano ginagawa ako. Hala sige pose! Give me the sexiest that you can do” sabi ng dalaga. “Hoy kung inaakala mo magdadagsaan ang mga sirena dito para makuhanan mo sila nagkakamali ka. Baka yung Kraken ang masummon natin” banat ni Enan. “At least may naakit ka” banat ni Chelsea. “Sabagay bakit pa ako magiging choosy diba? At least may naakit, o sige na nga pero I am warning you. Kapag nakakita ka ng mga space ships bigla wag ka nang magtataka. Ganon ang kamandag mo” banat ni Enan. “E kung yang kayabangan ng pag role play mo gawin sa poses mo ngayon kaya? Ha? Hanggang salita ka lang, kung kaya mo sabihin paniwalaan mo at gawin mo din” sigaw ng dalaga kaya todo pose si Enan. “Good! Lublob ka tapos umahon ka, pag ahom mo humawak ka sa ulo mo tapos tumingala ka konti” sabi ng dalaga. “Hoy wag mo ako tuturuan, I was born for this. Basta kumuha ka ng kumuha diyan” sabat ni Enan. “O ayan sunset na, walk towards me, dahan dahan! Wag kang kenkoy, astigin at sexy ang dating dapat” sabi ni Chelsea. Bandang alas otso habang nagmamaneho si Enan pinaghahaplos ni Chelsea tiyan niya. “Grabe busog ako” reklamo ng dalaga. “Ako din, pero nahihiya talaga ako sa kanila. Sobrang bait pala nila” sabi ni Enan. “Grabe, aliw na aliw yung parents ng guy sa iyo” sabi ni Chelsea. “Tanong nga sa akin saan comedy bar daw ako nagtratrabaho e” kwento ni Enan. “Pero ang ganda nung isang kwarto nila na parang gawa sa Ivory, I know hindi Ivory pero ang puti sa kwartong yon tapos puti lahat ng gamit” sabi ng dalaga. “Sinasanay na nila in case mapunta silang langit ata. Dapat gawa din sila ng isa, pula naman just in case na mabigo” banat ni Enan. “Kaya mo pa sabihin yan after sa kabaitan na pinakita nila sa atin?” tanong ng dalaga. “It was just a joke, grabe ka naman. Buti pa sila nakaka appreciate ng mga jokes ko. Pero yung photo shoot natin sa white room na yon, parang mali. Ang kapal ng mukha ko, lilitaw talaga itsura ko don” sabi ni Enan. “Trust me, ako bahala. Tsk gusto ko ng ganon na kwarto, sanay na ako sa shadows and dark rooms pero gusto ko ng ganon na kwarto. Pero Enan trust me on this. Wag mo lang taasan expectation mo, with your permission I will post the photos I select sa web page ko at sa isang exhibit” sabi ni Chelsea. “Ganon naman e, hanap ka ng paraan na iba kung hindi gumana yung isa. If you still fail then keep trying” sabi ng dalaga. “Yeah, dreams will remain inside your head unless you start doing something to make them come true. If you fail at least they are still inside your head” banat ni Enan kaya laugh trip silang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD