Sa front door ng bahay nina Jessica nakatayo ang kanyang lolo at mukhang galit. “Alas diyes na” sabi ng matanda. “Sorry po” bulong ni Enan. “Alam mo naman na alas nuebe ang curfew ni Jessica. Wala ka bang relo?” tanong ng matanda.
“Sorry po talaga” sabi ni Enan. “Lolo..” bigkas ng dalaga pero inuga ng matanda ulo niya. “Hindi man lang kayo nagtext o tumawag para sabihin late kayo uuwi. Hindi ko gusto ito” sabi ng matanda. “Lolo will you listen to me, it is not his fault. Lolo something good happened” sabi ni Jessica.
“Really? Anong klaseng good? Yung ikakatuwa niyong dalawa lang o ikakatuwa ng lahat?” tanong ng matanda. “Lolo…galing kami sa recording studio kasi nagrecord si Enan ng duet nila ni Mikan para album” sabi ni Jessica. “E ano ngayon? Sapat nang rason yon para late kayo umuwi. Congratulations, pero late parin kayo” sabi ng matanda.
“Lolo..eh..pinagbigyan kami ni Mikan para gumawa ng recording. Gift sana namin kina mommy at daddy. Pero may dumating na producer tapos nakialam siya. Tapos lolo nagustuhan niya kami, ininvite niya kami ni Andoy mag perfrorm sa concert” kwento ni Jessica.
“What did you say?” tanong ng matanda. “Totoo po yon lolo. Tapos after mag meryenda bumalik kami kasi si Mikan gusto din ako kaduet. Prinactice namin yung kanta kaya natagalan kami. Bukas namin irerecord po…lolo kasama ako sa album tulad ni Enan. Tapos po nag dinner kami, nilibre ni Mikan kaya late na po kami”
“Di naman kami makatanggi lolo kasi sobrang happy ako na maisama sa album niya” sabi ng dalaga. “Shhhh..sshhhh keep quiet, saka mo na sabihin yung good news baka mamaya magising nanaman lola mo. Uumagahin nanaman yon kakakanta sa tuwa” sabi ng matanda. “Lolo sorry parin” sabi ni Enan. “Apology accepted, pumasok kayo at kumain” sabi ng matanda. “Di na po, pero bumili kami ng late night snack kaya dito po muna kami sa porch sana” sabi ni Jessica.
“Okay, ang hirap itago yung tuwa pero kailangan ko. Alam niyo naman bakit pero..” sabi ng matanda sabay biglang hinila yung dalawa at niyakap. Hinalikan niya sa noo yung dalawa sabay agad tumalikod at pumasok na sa bahay.
Sa porch area may isang maliit na round glass table, inalalayan ni Enan na maupo si Jessica kaya biglang natawa yung dalaga. “Wow Andoy anong nakain mo?” tanong ng dalaga. “Wala naman” sagot ng binata sabay naupo sa tapat ng dalaga. “Ikang sure ka na okay ka lang kumain ng fries na ganito kadami? Diba dapat figure conscious ka para sa pageant?” tanong ng binata.
“Masaya ako e, bakit ko pipigilan yung magpapasaya sa akin? Favorite snack natin to tuwing masaya tayo dati pero syempre ice cream ang pinaka favorite natin. Andoy..” sabi ng dalaga kaya nagkatitigan sila ng matagal. Mala slow motion naglabasan ang kanilang mga ngiti, sabay silang nagbungisngis at natuloy sa tawanan.
“Gising tayo Ikang” sabi ng binata. “I know, pero Andoy” sabi ng dalaga. “Ano yung sabi mo dati? Andoy pag mag concert tayo wag kang matakot, madaming tao pero dumikit ka lang sa akin kasi sanay ako sa madaming tao. Ako naman yung titignan nila kasi ako yung pinakamagandang babae sa buong mundo” kwento ni Enan kaya natawa ng husto si Jessica.
“Naalala mo pa yon?” tanong ng dalaga. “Syempre, basta may platform na mataas konti gusto mo umakyat tayo don tapos feeling mo concert na natin” sabi ni Enan kaya lalong natawa yung dalaga. “Andoy, ano nang nangyayari? Parang out of nowhere sasali na ako sa pageant, then may rerecording ako bukas tapos kasali tayo sa concert” sabi ni Jessica.
“Tinuro sa akin ng isang kaibigan ko, opportunities lahat yan. Wag lang natin ilagay sa ulo. Isipin nalang natin na bihira yung mga nabibigyan ng ganyan, wag din tayo mag expect ng malaki, ang isipin lang natin opportunity mga yon para maexperience natin sila” sabi ng binata habang pinaghahalo yung ketsup at mayo.
“Andoy, di ko naman nilalagay sa ulo ko. Natutuwa lang ako sobra kasi diba dati parang sinasabi sabi lang natin. Mga pangarap ng mga bata, pero eto na nangyayari na sila” sabi ni Jessica. “Kaya nga, diba? O ilang bang mga bata na nagsabi na gusto nila maging bombero pag laki nila? Wala naman ata nagkakatotoo” banat ni Enan kaya napahalakhak si Jessica.
“Baliw, iba naman yon. Kaya lang nila nasasabi yon e parang namangha sila, mga hero effects kaya lang nila nasasabi yon” sabi ng dalaga. “E yung tayo, ganon din ba tayo?” tanong ni Enan. “Yung iba” sagot ng dalaga.
Isang minuto lumipas napahaplos si Jessica sa gilid ng leeg niya sabay napangiti, “Uy kung makatitig ka naman” sabi niya pabulong. “Sorry, flashback lang konti nung bata tayo” sagot ni Enan. “Tungkol saan?” tanong ni Jessica.
“About us” sagot ni Enan kaya inabot ng dalaga yung kamay ng binata sabay pinalo pagkat nakakalusaw niya ang kakaiba nitong titig sa kanya. “Tumigil ka nga, para kang mangangain” pacute niya. “Ikang tuwing tinitignan mo ako naalala mo pa ba yung dating ako?” tanong ni Enan.
“Kung pipilitin ko. Bakit ikaw?” tanong ni Jessica. “Kaya nga kita tinititigan e, kasi parang nagmature ka lang pero ikaw parin yan” sabi ng binata. “Ikaw din naman, kahit na iba na itsura mo ikaw parin yung Andoy ko. Nag iba for the better” lambing ng dalaga.
“Di na pang alalay?” banat ni Enan. “Di na” sagot ng dalaga pabulong. “E ano na?” tanong ng binata. “Hmmm…basta” sagot ni Jessica sabay ngumiti. Kumuha si Enan ng fries, habang kumakain tinititigan nanaman yung dalaga.
“Andoy ano ka ba? Hindi na ako mawawala” sabi ni Jessica. Biglang tumayo si Enan at nilipat upuan niya para makatabi niya yung dalawa. Nagtakip ng bibig si Jessica at nagbungisngis sabay pinagsisiko kaibigan niya. “Huy, anong nangyayari sa iyo?” tanong ng dalaga.
“Yung hangin galing sa bandang ito, dito ako uupo para harangin siya” lambing ng binata. Buong katawan ni Jessica kumunot, pagkaupo ng binata sumandal siya at kumuha ng madaming fries at pinuno ang kanyang bibig.
Tinignan siya ni Enan kaya ang dalaga muntikan nang mabulunan pagkat natawa siya. “Ikang its very unbecoming of you” banat ni Enan kaya napapikit ang dalaga, pinagpapalo ang binata sa likod sabay inuga ang kanyang ulo.
“Bakit feeling mo tumabi ako sa iyo kasi mas malapit yung fries sa iyo? Ngayon nandito na ako binilisan mo pagkain?” hirit ni Enan kaya napanganga si Jessica at naglabasan yung ibang kinakain niya.
“O baka naman natense ka dahil tumabi sa iyo yung pinakagwapong lalake sa buong universe?” landi ni Enan kaya napahakhak si Jessica at tinitigan yung binata. “Alam mo Ikang naiintindihan ko yung dala dala mong problema, sadyang mahirap maging bestfriend ang isang katulad ko” hirit ni Enan kaya halos maiyak na si Jessica.
“Gumaganti ka ano?” sabi ng dalaga. “Hindi ha” sagot ni Enan. “Gumaganti ka e, ganyan ako nung bata tayo tapos ngayon ikaw na” sabi ng dalaga. “Ikang your time has passed, noong bata tayo seedling palang ako. Nagbloom na ako, eto na ako ngayon o”
“Ikaw nung nilabas ka sa tiyan ng mommy mo floweret ka na maganda, pagdaan ng panahon ayan ka na, tunay na bulaklak na sobrang ganda. Ako naman nung nilabas ako akala nila ebs siguro ako pero sa totoo nasa cocoon palang ako noon”
“Parang butteryfly ba, nagsisimula sa yucky kadiring uod tapos may I pasok sa cocoon para sa isang make over. Paglabas niya, may I spread the wings and fairy lang ang peg. Ganon ako Ikang, kinailangan ko magtago ng matagal sa cocoon kasi kailangan sure na handa ang mundo sa paglabas ko” banat ni Enan.
“Kaloka ka, in fairness funny ka na ngayon” sabi ni Jessica. “Pero Ikang, siguro panahon na para magpasalamat ako sa iyo kasi kahit nung uod palang ako naappreciate mo na ako” sabi ni Enan kaya nabura agad ngiti ng dalaga sa mukha niya.
Hinaplos ni Jessica pisngi ng binata, “Don’t be like that Andoy” lambing niya. “Ikang, magpakatotoo tayo, alam ko masyado kang mabait. Kaya gusto ko lang magpasalamat, siguro kung wala ka matagal na ako nag give up sa buhay”
“Totoo yan Ikang, kaya sana kung okay lang tanggapin mo sana…” sabi ng binata. “Ano?” tanong ni Jessica. Mabilis na naglabas ng ballpen ang binata sabay pinirmahan yung braso ng dalaga. “Andoy!” sigaw ng dalaga sabay natawa.
“Ayan, pangit dati yung signature ko kaya nagpractice ako. Eto na yung new signature ko at mapalad ka pagkat ikaw ang kauna unanhan na napirmahan ko gamit niyan” banat ni Enan kaya super halakhak ulit si Jessica. “Gusto mo dedication? Akin na” sabi ni Enan.
“To Ikang, thank you for believing in me. Love…” bigkas ni Enan sabay napatigil siya ng matagal. “Andoy” tuloy ng binata sabay nagtitigan sila. “Kulang” bulong ni Enan kaya muli siyang nagsulat. “Andoy ang pinakagwapong lalake sa buong universe kaya lahat ng kumuntra na alien nagdatingan pero do not worry kasi pinagtatanggol ng mundo ang mga number one fans ko, sila yung Avengers” banat ni Enan kaya umariba sa tawa si Jessica pagkat punong puno na ng sulat yung braso niya.
Pinagmasdan ni Jessica yung salitang love sabay napangiti. “Andoy you really don’t have to thank me, sa totoo I should be thanking you” sabi ng dalaga. “Ikang, malayo pa yung pageant, pwede mo ako kausapin sa Tagalog” banat ni Enan. “Makinig ka nga, moment ko din” sabi ng dalaga.
“As I was saying, ako dapat yung magpasalamat sa iyo. Alam ko naman masama ugali ko noon, madami naiinis sa akin pero buti nalang meron ka. Nasakyan mo ugali ko at lahat ng trip ko” sabi ng dalaga. “Pero di ka naman masamang tao” bulong ni Enan.
“Because you changed me. If I look back to when we were younger narealize ko ang maldita ko noon. Pero ikaw yung laging nandon na parang konsesnya ko most of the time. Ikang mas maganda pag ganito…Ikang mas okay kung ganito o ganyan…”
“Kaya nga nung nagkahiwalay tayo mga yon ang naging baon ko. Natakot ako Andoy pero dahil sa mga baon kong yon nagkaroon ako ng mga kaibigan. Akala ko wala ako magiging kaibigan pero meron pala, nagkaroon pa nga ako ng mga bestfriend pero syempre di naman kita pinagpalit”
“Ngayon na kasama ulit kita dumami pa lalo mga kaibigan ko. Tapos through them, my childhood dreams are coming true. Tulad kanina, so the bottomline…thank you Andoy. Salamat talaga” sabi ng dalaga na naging teary eyed.
“Ikang naman e, ayaw na ayaw kong nakikita kang ganyan diba?” lambing ng binata sabay yumakap sa dalaga. “Kung ano man meron ako dahil naman sa iyo” bulong niya sabay humalik sa noo ni Jessica.
Napangiti ang dalaga, dahan dahan tumingala at nahuli niya ang binata na nakatitig sa kanya. “Bakit?” tanong niya pabulong. “Nagmarka ang lipstick ko” banat ni Enan sabay kunwaring humahaplos sa noo ng dalaga. Nagbungisngisan silang dalawa, nanigas si Jessica nang nagslide ang mga kamay ng binata mula gilid ng mukha niya papunta sa kanyang mga pisngi.
“I..” bigkas ni Enan. “Andoy” bulong ng dalaga ng sobrang hina, t***k ng puso niya biglang bumilis. “I will always be here for you” kabig ni Enan sa nanginginig na boses. “I know, and you know I would be doing the same” sagot ng dalaga.
“Ah Ikang late na ata masyado..itong mga burger iref mo nalang tapos snack mo bukas” sabi ni Enan. “Ay oo nga pala, magmamaneho ka pa pauwi. Sige na ako nalang magliligpit ng mga ito” sabi ni Jessica. Tumayo si Enan, di siya mapakali kaya tingin siya ng tingin sa gate.
“Ikang sige na pumasok ka na” sabi niya. “E sino maglolock ng gate?” sagot ng dalaga. “Oo nga” sagot ng binata kaya nagsabay silang maglakad papunta sa gate. “Goodnight Ikang, wag mo na kainin yung mga burger. Kung uubusin mo yung fries e wag ka agad matutulog” sabi ni Enan.
“I wont, aantayin pa kita hanggang makauwi ka bago ako matulog. Andoy drive safe” sabi ng dalaga. Sabay silang gumalaw, balak lang nila pareho humalik sa pisngi ng kaibigan. Sa isang igkap nagkadikit ang kalahati ng mga labi nila, nanlaki ang mga mata nila pareho ngunit walang bumitaw.
One second nagtuloy pa silang sabay na tumuka saka doon lang nag atrasan at nagtawanan. “My bad” sabay nilang bigkas kaya muli silang nagtawanan. “Ikang wag kang gagalaw” sabi ni Enan kaya nanigas ng husto ang dalaga nang hawakan siya ng binata sa balikat. Halos maduling na mga mata ng dalaga nang lumapit ng lumapit mukha ng binata sa mukha niya.
Pumikit na si Jessica, napangiti siya nang dumampi na mga labi ng binata sa kanyang pisngi. “Goodnight” sabi ni Enan. “Drive safe Andoy ko” sagot ni Jessica pabulong. “I will, tawagan kita agad pagkauwi ko” sagot ng binata na biglang bumangga sa harapan ng kotse niya.
“Oh Andoy being clumsy” sabi ni Jessica. “Ha? Di ko napansin, nakaharang pala si Birdy. Sige na Ikang, sara mo na” sabi ni Enan. Sinara ni Jessica yung gate sabay sumandal doon at hinaplos dibdib niya. Sa loob ng kotse tulala si Enan habang haplos naman yung mga labi niya.
Sa porch naupo si Jessica kaya lumabas ang kanyang lolo. “Bakit hindi ka pa pumasok?” tanong ng matanda. “Lolo nahihirapan na ako mag give way” sabi ng dalaga kaya naupo ang lolo niya sa kanyang tabi at kumuha ng fries.
“Lolo sabi ko give way ako pero habang nakakasama ko siya nahihirapan ako lalo. Kanina..” sabi ng dalaga. “Accidental” bulong ng matanda. Tumawa si Jessica at pinagkukurot ang kanyang lolo. “Narinig ko yung gate kaya sumilip ako” sabi ng matanda.
“So you saw it…yes it was an accident pero lolo..” bulong ng dalaga. “Iha, if its meant to be then its meant to be. Kahit na sabihin mo handa ka mag give way kung hindi naman sasangayon sa iyo yung kapangyarihan na hindi natin nakikita matatalo ka parin”
“Mahirap kalabanin yan, hindi mo na nga nakikita kaya pa niya laurin at kontrolin yung nararamdaman mo. Ngunit hindi lahat ng tao pinaglalaruan ng kapangyarihan na yan, yung iba akala nila yun na yon ngunit niloko lang pala sila ng kanilang mga isipan”
“Matagal narin kayo pinaglalaruan ng kapangyarihan na yan. Mula pa ata nung bata kayo e pero ngayon lang na may edad kayo saka niyo lang naiintindihan ano talaga siya. Ang masama lang diyan iha kung hindi ganon ang nararamdaman ni Andoy”
“Mapaglaro ang pag ibig, kapag ang dalawang tao natamaan saka lang siya titigil sa paglalaro niya. Kapag napatunayan niyo na kaya niyo yung mga pagbibiro niya at paghihirap sa inyo susuklian naman niya kayo ng kaligayahan na walang kapantay”
“Kaya nung sinabi mong handa mo siyang talikuran, tignan mo anong nangyari, lalo siya nakipaglaro sa iyo” sabi ng matanda. “Lolo should I tell him?” tanong ni Jessica. “Iha I don’t see anything wrong with that, pag lola mo kausap mo malamang sasabihin niya hindi kasi babae ka”
“Pero kung totoo yang nararamdaman mo why not? Mas maganda na sabihin sa kanya kesa mamatay ka sa paghahanap ng paraan para iparamdam sa kanya. Pero Ikang, only admit it to him if you are really sure of what you are feeling”
“Tulad ng sinasabi ko mapaglaro ang pag ibig. Kung sigurado ka na yun nga talaga nararamdaman mo para sa kanya by all means aminin mo sa kanya pero pag may doubts ka, kapag yang nararamdaman mo ay pansamantala lamang o di ka talaga sigurado then sit back and enjoy the feeling of being in love”
“Even if there is no reciprocation you can still feel it and enjoy it but it won’t be as sweet when you are sharing it with that special someone” sabi ng matanda. “Lolo mahal ko na ata talaga siya e” bulong ng dalaga.
“Konting panahon pa iha, kapag kaya mo na sabihin sa akin na mahal mo na talaga siya ng buong puso saka muli tayo mag usap. Sa ngayon enjoyin mo nalang yung accidental kiss niyo” banat ng matanda kaya natawa si Jessica.
Samantala sa bahay nina Enan pagpasok niya ng pintuan agad siya sumandal dito. “Anak are you okay?” tanong ni Rosa.
“Ma…confirmed…”