Isang hapon sa loob ng kotse nakasimangot si Jessica habang si Enan tawa ng tawa. “Tigil” sabi ng dalaga. “Sorry Ikang, kasi lately yung mga kilos mo napaka elegant, pag nakikita kita parang may tumutugtog na old school opera music sa ulo ko” sabi ng binata.
“E nasasanay ko na yung pag training nila sa akin e” sabi ng dalaga. “Alam ko pero honestly bagay na bagay naman talaga sa ganda mo. Kaya lang parang naninibago ako, kasi dati pag pinapalo mo ako full force e ngayon ang sarap kasi walang force. Parang dumampi lang na hangin” landi ni Enan kaya nataa yung dalaga.
“O tulad niyan, yung tawa mo dati pareho tayo na walang paki sa mundo at kahit ilan nang langaw pumasok sa bibig natin. Pero ngayon oooh nagtatakip ng mouth tapos controlled yung tawa” hirit ni Enan kaya super bungisngis si Jessica at tatlong beses pinalo ang binata sa braso.
“Magquit na ako” sabi ni Jessica. “Uy wag, nagbibiro lang naman ako Ikang e. Nung bata tayo ganyan ka naman pero yung sobrang exaggerated lang. Ngayon parang natural na natural, bagay na bagay talaga sa iyo e. Kasi naayon naman sa ganda mo. No offense sa mga katulad ko pero yung mga katulad ko na babae tapos nag gaganyan, aysus mafeeling”
“Pero pag kayong maganda ang ganyan, wow…nakakabighani. Pag kauri ko nag ganyan, wow nakaka irita” sabi ni Enan kaya tawang tawa si Jessica. “Diba? Totoo naman e, yung pag kilos with elegance and poise parang nababagay sa mga magaganda like you pero pag katulad ko na gumawa, ay mafeeling, ay maarte, ganon agad sinasabi” tuloy ni Enan.
“Uy di naman, tama na nga. Saan ba tayo kasi pupunta?” tanong ni Jessica. “Secret” sabi ni Enan. “Andoy alam mo naman na ayaw na ayaw ko ng secrets diba?” lambing ng dalaga. “O pati yan, ang lambing lambing mo. Nakakainlove ka” sabi ni Enan. Napatigil si Jessica, ilang saglit natauhan si Enan at narealize ano yung nasabi niya.
“Hoy bakit tahimik ka?” tanong niya sabay lunok. “Ha? Wala naman, ito ang tawag na tampo with elegance” banat ni Jessica kaya natawa ng husto si Enan. “Wala na yung simangot at kurot?” tanong ng binata. “Wala na, ganito lang” pacute ng dalaga kaya nakiliti si Enan at inuga ang kanyang ulo.
“Fine, we are going to a recording studio” sabi ni Enan. “Are you kidding me?! Di nga? Hala ngayon na kayo magrerecord? Oh my God! Andoy!” sigaw ng dalaga kaya umariba nanaman sa tawa si Enan. “Nasan na yung poise and elegance? Naiwan ba natin?” biro ng binata.
“To naman e, syempre excited ako para sa iyo. Di ko pa alam pano yung excited with elegance and poise” banat ni Jessica kaya laugh trip sila. “Actually galing na ako doon kahapon, pinanood ko si Mikan mag recording. Today itetest namin yung duet namin at gusto ko sana nandon ka”
“Kaya eto ka. If okay yung testing magrecord na agad pero pag hindi at kailangan pa ng di ko alam ano tawag don parang musical arrangement ata basta yon” sabi ng binata. “Pwede ba kita ivideo mamaya?” tanong ng dalaga. “Pwede, para saan?” tanong ng binata. “Video memories, syempre big day today. Bilisan mo na mag drive kasi, ang bagal bagal mo naman e” banat ni Jessica kaya muli silang nagtawanan.
Pagdating nila sa recording studio todo dikit si Jessica sa binata. Sa hallway nakita ni Enan yung isang engineer, “O Enan, pasok ka lang. May kausap pa si Mikan” sabi nito. “Ay kuya, pwede ba kami pumasok sa aquarium?” banat ni Enan. “Hahaha syempre, sige lang pasok kayo” sabi nung engineer.
Pagpasok nung dalaga napakapit ng husto si Jessica sa binata. “Oh my God, Andoy recording studio talaga ito” sabi ni Jessica. Pilyong Enan pumasok sa booth at nagkunwaring lumalangoy kaya tawang tawa ang dalaga.
“Andoy! Isuot mo yung earphone tapos kunari kumakanta ka tapos kunan kita ng picture from here” sabi ni Jessica kaya sinuot ng binata yung earphone saka umakting na kumakanta. Napasilip si Mikan at yung sound engineer, naaliw sila sa dalawa na parang batang naglalaro.
“Mamaya nalang tayo ng konti, hayaan mo muna sila” bulong ni Mikan. “Sure, tawagan mo nalang ako. Doon lang ako sa next room” sabi nung lalake. Pumasok si Mikan kaya napatigil si Jessica, “Enan si Jessica naman, akin na Jessica at ako kukuha ng photo mo. Baka kung ano nanaman kalokohan gawin ni Enan sa photo e” sabi ng dalaga.
“Pwede?” pacute ni Jessica. “Oo naman, Enan siya naman” sabi ni Mikan. Naka ilang pose si Jessica, paglabas niya tawang tawa siya at agad namili ng litrato at inupload sa f*******:. “Naks, parang true ha” landi ni Enan. “Kayong dalawa, sige na kunwari nag duduet kayo” sabi ni Mikan.
Aliw na aliw si Mikan sa kanilang dalawa kaya laugh trip silang tatlo pagkat pagpost ni Jessica sa f*******: ang daming naniwala na nagrerecording talaga sila. Pumasok yung dalawang lalake kaya si Mikan dumikit kay Jessica. “Enan sound check ka na” sabi ng dalaga.
Pumasok si Enan sa booth, si Jessica di mapakali at sobrang excited kaya natawa si Mikan. “Relax, isasanay lang siya muna” sabi ni Mikan. “Enan, testing natin sa isang kanta” sabi ng engineer. Nag nod si Enan, si Jessica nahihiyang itaas phone niya kaya ngumiti si Mikan. “Sige lang, kunan mo lang siya” bulong niya.
“No New Years day, to celebrate” birit ni Enan with matching Stevie Wonder moves kaya napatawa niya ang lahat. “Sorry sorry, mula nung bata kami ni Ikang pag nag role playing kaming recording ganito ako lagi” sabi ni Enan. “Totoo, nakakainis yan. Basta mag recording kami ganyan ginagawa niya” bulong ni Jessica.
“Lahat naman ata ng bata natry na umakting ng ganon” sabi ni Mikan. “True” sagot ni Jessica kaya nagbungsingisan sila. “Sige lang Enan, kahit ano” sabi nung lalake. “I know your eyes in the morning sun, I feel you touch me in the pouring rain. And the moment that you wander far from me…” birit ng binata kaya nagulat ang lahat pagkat kuhang kuha niya talaga yung boses ng Bee Gees.
“Did you do something?” tanong ni Mikan. “Wala, boses niya talaga yon” sabi nung lalake. Lahat napatingin kay Enan, nakapikit siya at bigay na bigay sa pagkanta kaya hinayaan nila yung binata na magtuloy. Napatigil si Enan, namulat at ngumiti, “Sorry carried away lang” sabi niya sa mala dwendeng boses kaya laugh trip ang lahat.
Ilang minuto lumipas magkasama na si Mikan at Enan sa booth para itesting yung duet nila. Lumipas ang dalawang practice nagthumbs up yung isang lalake. “Ano? Wanna record it now?” tanong ni Mikan. “Ha? Okay na ba talaga?” tanong ni Enan.
Nakita nila si Jessica sa labas na nod ng nod. “Ikang okay talaga?” tanong ng binata. “Sobra” sigaw ng dalaga. “Okay, kayo bahala” sabi ni Enan. “Relax ka lang ha, isipin mo lang practice. You are starting to panic but that is normal”
“I need you to breath, eto yung lyrics just in case. If you feel you cannot continue just raise your hand” sabi ni Mikan. “Nakakahiya naman” sabi ni Enan. “Okay lang, ganito talaga. Alam mo nung first time ko napressure din ako kasi iniisip ko na I must not make a mistake”
“If you need to unwind sige lang” sabi ni Mikan. “No!” bigkas ni Jessica kaya natawa si Mikan. “Andoy ha, wag kang mag iinarte diyan. Sige subukan mo lang” banta ni Jessica kaya umayos si Enan kaya tawang tawa si Mikan.
Nung matapos yung pagrecord ng kanta super ngiti si Jessica at talon ng talon. Si Enan sobrang excited kaya agad siya lumabas. “Okay po ba? Kailangan ulit?” tanong niya. “It was perfect” sabi nung isang lalake. “Oo, teka lang at pakinggan niyo para kayo magsabi” sabi nung isa pa.
Pinakinggan nilang lahat yung record, si Jessica panay ang pag uuga kina Mikan at Enan kaya ang binata labis na natuwa. “Ako ba talaga yon?” tanong ni Enan. “Ikaw, grabe ang galing niyong dalawa” sabi ni Jessica. “Bakit parang ang ganda ng boses ko dito? Ibang iba sa banyo namin” banat ni Enan kaya napatawa niya ang lahat.
“Pag okay na siya don’t worry ikaw ang una kong bibigyan ng copy” sabi ni Mikan kay Jessica. “So ano pa gagawin nila? Okay na ba talaga?” tanong ni Enan. “Enan you did good, maraming salamat talaga” sabi ni Mikan.
“Uy sabihin niyo naman kung okay. Album niya ito kaya ayaw ko naman yung maging panira. Kung kailangan ulit game ako. Sabihin niyo lang. Ninerbyos pa ako kanina talaga e” sabi ng binata. “You sounded great, walang kaba. As in parang totoong singer ka” lambing ni Jessica.
“Oh wait before I forget, nakento ni Enan na gumawa kayo ng recording for your parents. Would you like to do a recording now dito para sa kanila?” tanong ni Mikan. “Are you kidding me? Dito?” tanong ni Jessica. “Yes, diba kuya okay lang? Tapos yung copy nila pwede sa usb nalang” sabi ni Mikan.
“Sure, anong kanta ba? May minus one ba sila or sila tutugtog? May mga instruments sa kabilang kwarto” sabi nung isang lalalake. “Oh my God, Andoy..di ko pa nabibigay yung ginawa natin” sabi ni Jessica.
“Gusto mo? Tara try natin” sabi ng binata. “Nakakahiya” sabi ni Jessica. “Sige lang, okay lang. Wala naman na kami gagawin, di namin akalain na one take lang pala to” sabi nung isang lalake. “Teka hiramin ko yung gitara sa kabila” sabi ni Enan.
“Mikan pwede ikaw nalang, kayo ni Andoy” sabi ni Jessica. “Enan tells me maganda boses mo. Lika sa loob, para masanay ka na doon habang wala si Enan” lambing ni Mikan. Sa loob ng booth, “O para masanay ka kanta ka” sabi ni Mikan.
“Ah..ah..alam ko mga kanta mo. Pero samahan mo ako” sabi ni Jessica. “Sige ba, ano alam mo?” tanong ni Mikan. “Alam ko lahat except syempre yung mga bago” sabi ni Jessica. “Okay sige, para matanggal kaba mo mag duet din tayo” sabi ni Mikan.
Kababalik ni Enan dala ang gitara, napatigil siya pagkat nagduduet yung dalawang dalaga. “Enan ang ganda pala ng boses ng girlfriend mo ah” sabi nung isang lalake. “Ha?” bigkas ng binata sabay lumapit sa likuran nila. “Okay lang kahit nawala yung artista, maganda din naman yung pumalit” dagdag nung isa.
Titig si Enan kay Jessica habang kumakanta ito, lalong nalito ang kanyang isipan pagkat may naramdaman siyang kakaiba. Tila nabingi siya, parang tumigil ang mundo niya at tanging nakikita niya sa mga sandaling yon ay si Jessica.
Natauhan nalang si Enan nung nagpalakpakan yung dalawang lalake. “Andoy okay ba?” tanong ni Jessica. “Sobrang okay” sagot ng binata. Lumabas si Mikan at si Enan naman ang pumasok. “Narecord niyo ba?” tanong ni Mikan sabay turo sa pulang ilaw. “Ay shoot, napindot ata” sabi nung isang lalake. “Paki play nga gusto ko marinig” sabi ni Mikan sabay kinabit yung isang earphone at sinuot ito.
Habang nag eensayo sina Enan at Jessica si Mikan naman napangiti. May pinindot siya para marinig ng lahat yung recording maliban yung dalawa na nasa loob ng booth. “Sino kaduet mo diyan?” tanong ng isang matandang babae na kapapasok lang.
“Ay hello po, bale si Jessica po. Yung nasa loob” sabi ni Mikan. “Ang ganda ng pagsama ng mga boses niyo. What are they doing inside?” tanong ng babae. “Ay sorry po, kasi po ah gusto po sana nila bigyan ng anniversary present yung parents ni Jessica. Sorry po kasi ako yung nag alok sa kanila na pwede sila magrecord” sabi ni Mikan.
“Will you turn the volume up, I want to listen to them” sabi ng matanda. Patungo tungo ang ulo ng matanda pero biglang may pinindot siya, “No no no, stop!” sigaw niya kaya nagulat sina Enan at Jessica sa loob ng booth. “Mali, sinasayang niyo mga boses niyo”
“Take it one octave higher, kaya naman ng mga boses niyo e. Come on let me hear it” sabi ng matanda kaya natuliro si Enan. “Ah..” bigkas ng binata kaya agad pumasok si Mikan. “Akin na, ako nalang” sabi ng dalaga. “Mikan sino siya?” bulong ni Jessica. “Just listen to what she says” bulong ni Mikan.
Tumugtog si Mikan kaya agad naman kumanta sina Enan at Jessica. “Stop! There are two ways you can attack that song, first it can be playful, parang bagong magnobyo at magnobya lang yung kumakanta. Its like being wishful. Second matagal nang mag nobyo at magnobya kaya medyo serious tone, This time it must sound as if you both are making a promise to each other, mamili kayo ng isa” sabi ng matanda.
“Ah..madam which sounds better?” sagot ni Enan. “Aba you tell me” sabi ng matanda. “Second one” sabi ni Mikan. “Okay second one, so the lady starts, the male seconds. May arrangement ba kayo o basta nalang kinakanta niyo ito?” tanong ng matanda.
“Kinakanta para sa parents ko po” sagot ni Jessica. “Okay, do you mind if I arrange it for you two? Can I?” tanong ng matanda. “Oh wow, say yes” bulong ni Mikan. “Sige po, thank you po” sabi ni Jessica. Naupo yung matanda, naglabas ng pad at ballpapen sabay tinignan yung dalawa.
“What is your name?” tanong niya. “Jessica po” sagot ng dalaga. “Jessica, let me hear you sing first, Mikan from the top” sabi ng matanda. Ilang minuto ang lumipas labis na namangha si Mikan habang nag gigitara pagkat sobrang ganda ng blending nung dalawa.
Agad agad lumabas sina Enan at Jessica para pakinggan yung recording at nagustuhan nila talaga ito. “That is not final yet, I will return tomorrow. Mas magandang arrangement ang gagawin ko now that I heard what you two can do. Kaya niyo bumalik bukas?” tanong ng matanda.
“Opo” sagot ni Enan. “Good, Mikan before I forget. As soon as I heard you were here iha pinuntahan kita para iinvite na magperform sana sa isang concert. Now parang blessing, kasi kulang ng front act, kayong dalawa would you like to front act? Yan lang ba kayo niyo kantahin?” tanong ng matanda.
Nanigas sina Enan at Jessica, si Mikan agad sumingit at ngumiti sa matanda. “Ay hindi po, they both can sing” sabi niya. “Good, so ano package deal ba kayong tatlo?” tanong ng matanda. “Ah sige po, sige po tatlo kami” sabi ni Mikan.
“Alright, my secretary will send your manager the papers. Pero you two come back here tomorrow, tapusin natin ito. Let me go ahead so I can work on this” sabi ng matanda sabay pakanta kanta siyang lumabas.
“What the hell just happened?” tanong ni Jessica. “Oh my God I am happy for the both of you. Isa siya sa top producers” sabi ni Mikan. “Andoy…nabangga tayo ano?” tanong ni Jessica. “Hindi e, totoo ata ito” sagot ng binata.
“Yiheee, tara tara meryenda tayo muna. Kuya sama kayo. Yiheee front act sila” landi ni Mikan. “Andoy..parang nung bata tayo nag aacting lang tayong mag coconcert” sabi ni Jessica.
“AnKang…parang tribal masyado. Indoy, parang bagyo naman” banat ni Enan kaya natawa si Mikan. “Andoy and Ikang, sounds cute, tara tara. Nanahan lang ako ni ma’am Josie, pero Jessica I was supposed to invite you to sing a duet with me too. Kasi may bago akong compose na kanta, the other day lang at gusto ko sana isama sa album”
“We blend well so what do you think?” tanong ni Mikan. “Andoy..nabangga tayo e..nahihilo ako” bulong ni Jessica. “Uy Ikang!” sigaw ni Enan. Mabilis yung binata na nasalo ang dalaga at agad kinarga. “Sorry, ngayon lang nagkaganito ito” sabi ni Enan. “Okay lang, I remember the first time they told me invited ako sa isang concert to perform, nahimatay din ako” sabi ni Mikan.
“Ikang gising na, di na ito role playing. Totoo na ito Ikang” lambing ni Enan.