Sa waiting area ng airport palakad lakad si Enan kaya hinila niya si Greg. “Pare ano problema mo?” tanong niya. “Wala, excuse me pre may tatawagan lang ako saglit” sabi ni Enan. Sa isang sulok tumawag si Enan at agad naman sumagot si Mary Grace. “Enan, natatawa na ako sa iyo ha” sabi ng dalaga.
“E kasi nga” sabi ng binata. “MU its part of the job, ganon talaga yon. We kissed, say it out loud para matapos na” sabi ng dalaga. “We kissed” bulong ni Enan. “That is it, tapos na ang usapan. Kinailangan sa eksena at ako nga dapat yung nagpapasalamat sa iyo e. Nadamay pa ako bigla” sabi ng dalaga.
“Pero sabi mo ayaw mo diba?” tanong ni Enan. “E nandyan na e, nandyan na yung opportunity so grab it nalang diba? Alam mo MU kapag may opportunity nag ganon na once in a lifetime take it agad” sabi ng dalaga. “Opportunity to kiss my crush ganon?” banat ni Enan.
“Hay naku, get over it. Ikaw pag sumikat ka madami ka pang mahahalikan, don’t tell me bawat actress ganito ka” sabi ng dalaga. “Sabagay, so are we good?” tanong ng binata. “Very, uy salamat talaga ha” sabi ng dalaga. “Ako nga dapat nagpapasalamat, you helped me. Siguro reward yan sa iyo kasi mabait ka at bonus nalang yung paghalik mo sa pinakagwapong lalake sa buong mundo, you are most welcome” landi ni Enan.
“Hahaha ewan ko sa iyo. Hey you are good kisser, I am sure lahat ng makakapareha mo pag sumikat ka magiging kampante din sa iyo. Anyway I have to go” sabi ni Mary Grace. “Shet Mags artista na tayo” bulong ng binata. “Uy not yet, we are actors oo pero yung term na artista as in sikat di pa. Pero at least may opportunity tayong mapalabas sa isang movie, big deal na yon. Malaking accomplishment na yon” sabi ng dalaga.
“Oo nga no” sabi ng binata. “MU be happy of the little things, kahit na Indie film man yon na hindi man siguro mapapalabas sa sinehan dito at least nakagawa ka ng movie. Can others say that? Sige na MU” sabi ng dalaga. “Okay bye” sabi ni Enan.
Sa waiting area nagkagulo ang mga tao nang makita yung isang artista. Alisto sina Enan at Greg na tinulungan agad si Joanna sa kanyang mga bagahe. Nagmadali sila lumabas sa tulong narin ng ibang security personel kaya pagpasok ng kotse nagmadali si Greg magpaandar ng sasakyan.
“Wow Jo mukha ka nang foreigner with your blond hair” biro ni Enan. “Hahaha uy hello namiss ko kayo. Greg looking good ha” sabi ng dalaga. “Thank you miss Jo, parang pumayat ka ata” sabi ni Greg. “Kaya nga e, babes Enan you look good too. Ano nakain niyo?” biro ng dalaga.
“Naman, umuuso lang kami babe” banat ni Enan. “Thank God I am home, grabe namiss ko ang Pinas. “Babe maganda ba talaga sa Paris?” tanong ni Enan. “Ay sobra, mamaya ako magkwento pagdating natin sa condo. Ay Greg guess what?” tanong ng dalaga.
“Sana nakuha niya” bulong ng binata. “Oh yes I got them, two pairs. One black then one red” sabi ng dalaga. “Yes! Bayaran kita mamaya” sabi ni Greg. “No need, naka sale naman sila. Grabe alam mo yung shoe size mo doon normal lang. Babe may kinuha din ako for you” sabi ni Joanna.
“Ano yung nabalitaan ko na may something kayo nung co-actor mo?” tanong ni Enan. “Awwww nagseselos ang babe ko. Baliw wala yon, pang press lang yon. You know para bumenta yung teleserye. Chaka chaka non no, as if naman papatol ako don” sabi ng dalaga.
“Aray, kung chaka siya, e pano na kami ni Greg. Intergalactic chakaness” sabi ni Enan. “Uy hindi ha, in terms of ugali yon. Uy salamat pala sa inyong dalawa ha. Wala na ako matawagan para sunduin ako e, hay grabe parang gusto ko tumira don sa Paris pero you know what iba parin ang Pinas” sabi ng dalaga. “Ang tagal mo din nawala ha” sabi ni Enan.
“Awww don’t worry babe, pupunan ko yung pagkukulang ko sa iyo” landi ng dalaga. “Dapat lang” sabi ni Enan. “Miss Jo salamat pala ha, ang sarap mag stay sa condo mo. Take turns kami ni Enan sa pagbabantay at ang ganda ganda ng kapitbahay mo don” sabi ni Greg.
“Sino? Si Michelle or si hmmm ano name nung bank teller?” tanong ni Joanna. “Yun! Si Harriet” landi ni Greg kaya napahalakhak yung dalaga. “Ang cute mo din pala pag kinikilig ka” sabi ni Joanna. “Parang Godzilla na nagpapabebe ano?” biro ni Enan kaya lalong natawa si Joanna.
“Oh Greg I got you something pala na pwede mo iregalo kay Lea” sabi ni Joanna. “Pare! Sinabi mo?” tanong ni Greg. “E wala na kami mapag usapan sa Skpe e” sabi ni Enan. “I really thank you babe, grabe ang homesick ko pero buti nalang you take time to talk to me sa Skype” sabi ng dalaga.
Pagdating sa condo agad nilabas ni Joanna ang mga regalo niya para sa dalawang binata. “Miss J sure ka?” tanong ni Greg. “Yes Greg, you are welcome” lambing ng dalaga sabay niyakap si Enan. “Pare, wag mo simulant please” sabi ni Enan.
“Bagay kayo” banat ni Greg kaya natawa si Joanna. “Matagal na namin alam yon. Nakarami na kami sa Skype” landi ni Joanna. “Hoy! Hindi totoo yon!” sigaw ni Enan kaya humalakhak yung dalaga. “Joke lang, may laman na puso ni Enan and I respect that. Uy Greg walang meaning yung tawagan namin na babe ha, katuwaan lang namin” sabi ng dalaga.
“Ah okay, pero bagay kayo talaga” banat ni Greg. “Wait, I heard something pala, is it true?” tanong ni Joanna. “Ano yon?” tanong ni Enan. Bumulong ang dalaga kaya natawa si Enan. “Pano mo nalaman?” tanong ng binata.
“Galing kaya ako sa kanya” sabi ni Joanna. “Really? Yung totoo?” tanong ni Enan. “Oo kaya, parang second mom ko na siya no. Si Charles nagsabi sa akin pero nung binasa ko email niya inaantok ako. Ngayon ko lang naalala so totoo pala. Congrats” lambing ng dalaga.
“Uy wala yon, teka naiintriga na si Greg pero sana” sabi ni Enan. “Oo gets ko, pero sobrang excited ako para sa iyo talaga” sabi ni Joanna. “Ahem, baka pwede malaman ano yon? I can keep a secret” sabi ni Greg.
“Isukat mo kaya yung shoes muna” sabi ni Joanna kaya parang bata si Greg na nahihiya. Habang nagsusukat si Greg hinila ng dalaga si Enan papunta sa isang tabi. “How did you survive her tests?” tanong ng dalaga. “I had help actually” sabi ng binata.
“Hala, uy eto lang ha. Wag ka masyado mag eexpect ha. Just keep your feet on the ground. Kilala kita so wala ka magiging problema alam ko pero babe ha don’t be like me. I could have learned more pero nauna yung…hay kaya galit siya sa akin. Si Charles lang pumapansin sa akin kasi parang magkapatid na kami non” bulong ng dalaga.
“Di ko alam yon ha” sabi ni Enan. “Sayang talaga, I really could have learned more from her. Kwento ko mamaya, yakapin mo nga ako babe” lambing ni Joanna. “Okay yung blonde hair mo ah, bagay siya” sabi ng binata. “Sabi nga nila, balik ko din sa dati” sabi ng dalaga.
“Wag muna, ganyan muna” lambing ni Enan kaya natili yung dalaga at pinaghahampas yung binata sa tagiliran. “Ikaw ha, itigil tigil mo yang charms mo baka papatulan na talaga kita. Ikaw din” banta ni Joanna.
“Sige na go take a bath, freshen up at bibili kami ng lunch ni Greg” sabi ni Enan. “Ayaw mo sumama babe?” pacute ni Joanna. “Sunod ako, iwawala ko lang si Greg” banat ni Enan kaya nagtawanan sila.
Pagpasok ng dalaga sa kwarto lumabas ng unit sina Enan at Greg. “O kumusta yung sapatos?” tanong ni Enan. “Okay na okay, pero pare sabihin mo lang kung kailangan ko na umalis para magka time kayong dalawa” sabi ni Greg.
“Sira, wala yon” sabi ni Enan. “Seryoso pare, I can keep a secret. Kung may something kayo ni miss Jo e sabihin mo lang alis na ako” sabi ni Greg. “Tol wala talaga ganon lang kami. Pare mga katulad natin mahirap magkaroon ng kaibigan kaya pag may kaibigan ka alagaan mo at sakyan mo yung trip niya”
“Ganon lang si Joanna, akala mo naughty pero hindi. Katuwaan lang yon. Akala ko ba gets mo na? Diba tayo pinagkatiwalaan niya kasi para tayong mga kapatid niyang lalake” sabi ni Enan. “E ako kapatid, ikaw parang iba e” biro ni Greg.
“Katuwaan lang talaga yon Greg. Walang namamagitan sa amin. Tuwing magka Skype kasi kami iyak siya ng iyak pare. Di ko na alam pano siya pakakakalmahin so ayon nagbiro ako at nilalandi ko siya just to cheer her up” sabi ni Enan.
“Ano naman iniiyakan niya?” tanong ni Greg. “Homesick mostly, kasi nga nasa ibang lugar siya. Oo maganda nga doon pero parang hindi daw siya malaya. Wala daw siya sa comfort zone niya. Tapos yung trabaho niya, ang hirap daw kumita ng pera”
“Porke kumikita sila ng malaki akala mo wala na sila problema? Meron din pre, ako nga kahit konting kita lang naiiyak pa ako minsan pag pagod na pagod na ako. Pag naawa ako sa sarili ko sa hirap ng kailangan ko gawin para lang kumita. Pero isipin mo lang yung rewards in the end at medyo okay na. Ikaw pasalamat ka may kaya kayo” sabi ni Enan.
“Sorry pre, akala ko talaga may something kayo” sabi ni Greg. “Wala talaga, kung meron man di sana di na kita sinama para sunduin siya. Ganon lang trip non, kasalanan ko naman pero I had to cheer her up. Nagstick na yung ganon na katuwaan so let it be” sabi ni Enan.
“Buti natitiis mo pare, I mean she is very attractive” sabi ni Greg. “Greg, kung katulad ako ni Shan no thanks. Wag kang gagawa ng ikakasira mo sa mahal mo. Yung sa amin ni Joanna wala talaga yon pre, tulad mo pare pag alam mo malungkot ako ano ginagawa mo?”
“O diba? Para lang mapasaya ako nag aadjust ka. Kayamanan natin ang mga kaibigan pare, sila yung tumanggap sa atin kaya gawin natin lahat para mapasaya sila” sabi ni Enan. “Pare nahihiya ako sa babe mo, dalawang sapatos ba naman nilibre” sabi ni Greg.
“Mag thank you ka nalang okay na. Tara na gutom na yon malamang” sabi ni Enan. Pagkabalik nung mga binata sa condo unit hinanda na nila yung pagkain. “Pare kumusta pala kayo ni Lea?” tanong ni Enan. “Ganon parin” sagot ni Greg.
“Nabigyan mo ng roses diba?” landi ni Enan kaya biglang pinagpapalo ni Greg likod ng kaibigan niya. “Bwisit ka, nagpanic mode ako. Sabi ko pinapahawak mo lang mga yon sa akin” sagot ni Greg. “Pero nakita ko na inabot mo sa kanya e” sabi ni Enan.
Napangiti si Greg kaya kinorner siya ni Enan, “Ikwento mo na, naka ready na ako kiligin” banat ni Enan. “Okay okay, so nagpanic ako kasi gago ka e. Tanong niya ano nangyari sa iyo, sagot ko natatae ka. Tapos tinignan niya yung roses, so inabot ko sa kanya” kwento ni Greg. “O tapos tapos?” tanong ni Enan. “Pare ang tagal niya tinignan, then kinuha niya, inamoy niya” sabi ni Greg. “O tapos ano sabi niya?” tanong ni Enan.
“Forgiven, pero next time kung suyuin ko daw siya yung makakain nalang” sabi ni Greg. “Ha? May kasalanan ka sa kanya?” tanong ni Enan. “Meron, di ko na sinabi sa iyo kasi papagalitan mo ako” sagot ni Greg.
“Bwisit ka naman pare, so yung roses parang suyo lang para patawarin ka?” tanong ni Enan. “Ganon na nga nangyari, hindi ko nasabi na gusto ko siya” sabi ni Greg. “Oh men, lalabas na kilig ko pero ano ba yan pare” sabi ni Enan.
“Okay lang yon, pare sa next time kaya ko na. Nagawa ko na diba? Wala lang follow through, basta pare sa susunod kaya ko na” sabi ni Greg. After lunch lumabas si Greg para bumili ng groceries para kay Joanna habang yung dalaga nakahiga sa sofa at niyayakap ni Enan.
“Nakita ko reaction mo kanina, parang hindi ka masaya para sa kanya” sabi ng dalaga. “Uy masaya ako for him, inggit lang ako kasi akalain mo parang naunahan niya na ako” sabi ni Enan.
“Ayusin mo nga yakap mo, ang lamya” reklamo ng dalaga kaya hinigpitan ni Enan yakap niya. “Ganyan, alam mo babe ano ba problema mo? Sinabi ko na sa iyo sa Skype na go for gold. Naiintindihan naman kita, last time was an act so do something now to make her feel na hindi na acting”
“If I had the guts to admit to you I liked you why can’t you do the same to Cristine? Dahil nanaman sa itsura mo? Ikaw may katigasan ka ng ulo e, ang galing galing mo magpayo sa kaibigan mo tapos ikaw olats ka. Bakit ganon?”
“Sa Skype sabi mo noon you really like Cristine and you are going to do something about it. Every time mag uusap tayo inaantay ko yung news na sinagot ka na, di ako nagtatanong kasi gusto ko manggaling mismo sa iyo. Pero wala, so ngayon nalaman ko same reason nanaman” sabi ng dalaga.
“Oo nga e pero lately nagulo isipan ko. Nakwento ko naman sa iyo yung dulas diba?” sabi ni Enan. “Si Jessica, uy alam mo nagagandahan ako don. Nakakatibo yang bestfriend mo ha” sabi ni Joanna kaya nagtawanan sila.
“Para kasing totoo e” sabi ni Enan kaya umikot yung dalaga at tinignan siya. “Oh my God, so you feel something for her?” tanong ni Joanna. “I am not sure, ayaw ko narin alamin kasi alam ko gusto ko si Cristine” sabi ng binata.
“Babe kung napapansin ng iba that means may katotohanan yon. Sorry I was not around so di ko masabi kung meron o wala. Pero based on your photos on f*******:…hmmm parang may something” sabi ng dalaga.
“Two times nagdala ako ng roses for her pero they ended up being left by the door. Parang nag aalay ako sa pintuan niya” kwento ni Enan kaya natawa si Joanna. “Grabe if doon pa ako nakatira across ng unit niya iisipin ko iniwan para sa akin mga yon” sabi ng dalaga.
“Now I don’t know if I am just scared of rejection or something inside me is holding me back kasi nga si Ikang” sabi ni Enan. “I don’t know how to help you my friend, pero kayanin ko, dapat kinakampihan ko si Cristine kasi I am friends with her”
“Pero syempre kaibigan din kita at dapat kampihan din kita. Well habang wala sila ako muna babe mo minus the benefits of course” landi ng dalaga kaya nagtawanan sila. “Babe, naging kaibigan mo si Cristine, sa tingin mo may totoong pag asa ako sa kanya?” tanong ni Enan.
“Ay wag ganyan ang tanong. Di maganda yan. If I say no so kay Jessica ka ganon? That is not good babe, timbangin mo sino mas mahal mo. Puso mo ang magtitimbang at hindi yung isisulat mo good qualities nila at bad saka ka mamimili”
“Your heart will tell you sino” sabi ni Joanna. “Bwisit naman kasi nadulas pa ako e” sabi ni Enan. “Puso mo yon babe, puso mo yung nagsalita. Binanggit niya pangalan ni Jessica” sabi ni Joanna. “She is just my bestfriend, kababata ko, oo noon lagi kami magkasama tapos matagal na nagkahiwalay” sabi ni Enan.
“Yan yung sinasabi ng utak mo, perhaps you are using those excuses to deny what your heart is trying to tell you. Babe, I don’t know Jessica but I know Cristine, kung ako lang si Cristine sasabihin ko pero babe..”
“Nagkakaganyan ka, may rason kung bakit. Wag kang matakot sa malalaman mo, do not use excuses, let the truth out. Like I said your heart will guide you. At lagi mo tandaan, pag nireject ka man nung dalawa nandito ako” landi ni Joanna kaya natawa si Enan.
“Hoy babe, single ka pa kaya ayusin mo naman yakap mo. This is our chance” banat ni Joanna kaya napatawa si Enan ng malakas at game na game naman niyakap muli ang dalaga. “You cheer me up when I am down, its my turn to do the same” lambing ng dalaga.
“Kwentuhan mo ako tungkol kay Jessica. Dali para makilala ko siya. Para narin nalaman ko kung meron o wala. Start from the very beginning so I can understand” sabi ni Joanna. “Mahaba habang usapan ito babe” sabi ng binata.
“Simulan mo na, pipikit lang ako pero magkwento ka” sabi ni Joanna. “Alam ko inaantok ka, why don’t you go to sleep muna then when you wake up saka kita kwentuhan” sabi ni Enan. “Dito ako, nap lang ako. Just keep embracing me” bulong ni Joanna. “Babe, naranasan mo ba yung late mo narealize mahal mop ala yung isang tao?” bulong ni Enan.
“Hindi pa naman pero yung isang friend ko oo” sagot ng dalaga. “So ano nangyari? Hiniwalayan niya yung boyfriend niya to be with the one he really loves?” tanong ni Enan. “Hindi, single siya noon. Nung nalaman niya nagpropose na yung bestfriend niya sa kanyang girlfriend doon niya narealize mahal pala niya” sabi ni Joanna.
“So ano na nangyari sa friend mo?” tanong ni Enan. “E di wala, nadepress. Ano pa ba magagawa niya diba? Ikakasal na yung mahal niya alangan na eepal pa siya no?” sabi ng dalaga. “Hanggang ngayon dala dala niya yung pagsisisi?” tanong ni Enan.
“Kahit di niya aminin oo” bulong ng dalaga. “So totoo pala yung saying na you realize the value of one person when they are gone…tulad ko din ata nung nawala si Ikang, parang lost ako kaya kung ano man siya sa buhay ko noon naging ako yon” bulong ni Enan.
“Oh so gwapo ka pala noon tapos nung nawala siya pumangit ka?” biro ng dalaga. “Kung itulak kaya kita para malaglag ka ng sofa?” tanong ni Enan kaya natawa yung dalaga. “Joke lang maganda si Jessica, so bakit nung nawala siya hindi ka gumanda?” hirit ni Joanna.
Tinulak ng binata yung dalaga kaya nagsisigaw ito at kumapit sa kanya. “Uy grabe ka hindi ka na mabiro. “Wag mo ako laitin kasi importante ka sa akin, pag mga taong importante ang lumalait sa akin mas masakit” sabi ng binata. “Sorry, napaka seryoso mo naman bigla. I was just trying to be funny like you, mahirap maging ikaw” sabi ni Joanna.
“Pasalamat ka pinanganak kang maganda” sabi ni Enan. “Sira, I was talking about you, yung ikaw. Ang galing mo magpasaya ng ibang tao, pero sarili mo di mo mapasaya” sabi ni Joanna. “Nakakabulag daw e” banat ni Enan kaya umariba sa tawa ang dalaga. “Bwisit ka nawala antok ko” sabi ng dalaga. “I hope I am not leading you on when I am embracing you like this” sabi ni Enan.
“Of course not, alam ko naman sino iniisip mo pag niyayakap mo ako ng ganyan. Torpe ka e, uy pero sa iyo lang ha baka mamaya pati si Greg niyayakap narin niya ako” banat ng dalaga kaya natawa si Enan.
“I spent a whole day with Cristine lately, we watched movies with Jelly and the whole time we were just leaning against each other. Sa isip isip ko gusto ko siya yakapin ng ganito” sabi ni Enan. Di sumagot yung dalaga kaya sumilip si Enan at nakita na tulog napa si Joanna.
Pumikit si Enan, sinubukan isipin si Jessica sabay hinigpitan yakap kay Joanna. Agad siya namulat sabay napalunok.
“Oh no”