Chapter 25: Selected

3201 Words
Magkasama si Enan at Mary Grace, pagdating nila sa waiting area ng office ni Celeste biglang kinabahan ang binata. “O you can do this” lambing ng dalaga. “Mags, hindi ata to para sa akin” bulong ng binata habang pinagmamasdan yung mga gwapo at magagandang aspirants na nag aantay. “Ano ka ba? She chose you herself, big deal na yon. I mean ininvite ka niya so may nakikita siya sa iyo” sabi ng dalaga. “Oo pangontra sa mga yan, tignan mo naman sila o” sabi ng binata. “You are just basing it on their appearance, so what if they all look good? E kung wala din lang pala sila ibubuga” sabi ni Mary Grace. Biglang lumabas si Celeste at may suot siyang tiger look sa mukha niya. “All of you inside this room” utos niya kaya lahat ng aantay nagsipasukan sa malaking kwarto. “You, ano inaantay mo special treatment?” tanong ng matanda kay Enan. “No madam” sagot ni Enan. Lumapit yung matanda at tinitigan si Mary Grace, “I told you not to ask for help didn’t I?” tanong ni Celeste. “Yes madam” bulong ni Enan. “You asked help from her am I right?” hirit ng matanda. “Yes madam” sagot ng binata. “O ano pa inaantay mo dito? Pumasok ka na doon” utos ng matanda. “E madam nag violate ako sa rules niyo” sabi ni Enan. “You did but it just shows na gustong gusto mo talaga ito. Ang kakaibhan mo lang dun sa mga pumasok na e honest ka. Sige na pumasok ka na, ikaw miss would you like to watch and be my assistant?” tanong ni Celeste. “Okay po, sure po” sagot ni Mary Grace kaya biglang pinabuhat sa kanya ng matanda yung makapal na folder. “Enan, ano pa tinatayo tayo mo diyan iho? Gusto mo buhatin ka pa papasok? Nagpapaimportante ka ba?” tanong ni Celeste kaya nagmadaling pumasok ang binata sa malaking kwarto. Ilang minuto lumipas tumayo sa harapan ang matanda, “I don’t like to waste time so let us begin the selection process. Once you fail a single test you are out. Is that clear?” tanong niya. “Of course it is, miss yellow with bangs, mister crew cut with blue shirt in front” sabi ng matanda. Pagtayo ng dalawa sa harapan naupo yung matanda, “Miss yellow ikaw si Sylvia, mister blue ikaw si Donald. I want you to both act the scene after the police made the arrest” sabi ni Celeste. “Madam can we open our folders?” tanong nung babae. “Of course, kung memorized niyo e di dagdag puntos sa inyo yon” sagot ng matanda. Agad nahanap nung babae yung eksena, yung lalake sumilip sa folder nung babae kaya bigla siyang tinuro ni Celeste. “You are out, mister neon green replace him” sabi ng matanda. Tulala yung lalakeng naka asul pero nakaturo yung matanda sa pintuan kaya napailing ito at lumabas na. Nabalot na ng takot ang lahat, papalapit palang yung lalakeng naka neon green pero tinuro na siya ng matanda. “Paimportante, layas” sigaw niya. Tatlong minuto lumipas pumalakpak yung matanda, you two stay at the right side. Next! Tangkad in blue, and you Enan in front” sabi ng matanda kaya kinabahan na si Mary Grace. “Tall boy you will be Henry, Enan you will be Bianca” sabi ng matanda kaya biglang nagtawanan ang lahat. Hindi kumurap si Enan, tinungo lang niya ulo niya sabay agad binuksan yung folder niya. “Aba parang alam mo ata yung eksena” sabi ni Celeste. “Madam iisa lang po yung eksena nina Henry at Bianca sa kwento” sabi ni Enan kaya napangiti yung matanda at tinungo ang kanyang ulo. “Okay begin when you are ready” sabi ni Celeste. Naunang bumitaw ng linya yung lalake, bungisngis ang lahat ngunit lahat sila natulala nang umakting talagang babae si Enan at tila nagpapacute. “Tall guy out! Tinatawanan mo kaeksena mo, out! Boy in beige in front, same scene” sabi ni Celeste. Maganda yung palitan ng dialogue nung dalawang binata, lahat namamangha pagkat babaeng babaeng ang pagkilos ni Enan kahit na lalake parin boses niya. Nung natapos yung eksena pumalakpak si Celeste, “Hmmm kayong dalawa mahusay” sabi niya kaya nagfist bump si Enan at kapareha. “Right side you two, next scene” sigaw ng matanda. Ilang minuto ang lumipas kalahati nalang yung natira kaya tumayo yung matanda at tinuro si Enan. “Ikaw si Sheryl, miss red, Dianne right? Ikaw si Marco” sabi ng matanda. “Miss violet, Anna ikaw si Raphael” sabi ni Celeste. “Ay bongga” sigaw ni Enan bigla kaya lahat nagulat. Napahalakhak si Celeste, si Enan pumunta sa gitna at umakting na agad na babaeng babae. Matindi yung eksena, pinag aagawan nina Marco at Raphael si Sherly, “Tama na” sigaw ni Enan sabay pinaghahaplos ang mga braso niya. “Please stop!” sigaw ni Enan. “Siya ba? Siya ba Sheryl?” tanong nung umeeksena na bilang Marco. “Wala sa inyo! Bakit hindi ba kayo makaintindi?” banat ni Enan. Namangha ang lahat nang lumuha pa ang binata, nung natapos yung eksena ang lakas ng palakpak ni Celeste. “You three! Marvelous, Anna tsk tsk para kang lalake talaga iha, Enan very good, did you all see how fast his tears came out? Dianne, medyo exaggerated but pumasok sa eksena ng maigi. Everyone clap for them” sabi ng matanda. Isang oras lumipas sumalang ulit si Enan, ngayon bilang lalake naman siya. Nakatanggap siya ng isang malakas na sampal kaya todo palakpak si Celeste. Iba yung sumalang para sa parehong eskena pero nagalit yung matanda. “Bakit mo inanticipate yung sampal? Hindi tuloy maganda yung kinalabasan!” “Layas! Enan in front, same scene” sabi ng matanda. Muling nasampal si Enan ng malakas kaya lumapit yung matanda, “Nakita niyo yon? Kahit na nasampal na siya kanina very real yung kinalabasan. Hindi niya inanticipate yung sampal. One more time, watch his acting closely” sabi ng matanda kaya kumunot noo ni Enan sabay hinaplos pisngi niya. “Yes Enan? May reklamo?” tanong ng matanda. “Madam, suggestion lang, pwede ba left handed naman” bulong ng binata kaya biglang nagtawanan ang lahat. “Iho tiisin mo, hala sige start” sigaw ng matanda. Ilang minuto lumipas nasa isang sulok si Enan at tinatapik tapik pisngi niyang nag iinit. Biglang nagalit si Celeste at pinalabas yung isang babae kaya tumayo si Enan at tumalon sa tuwa. “Thank God! Ang laki ng kamay non!” hiyaw niya. Napalingon yung babae, “Uy no offense ha, pero ang laki talaga ng kamay mo e” sabi ni Enan. Walang nakapigil, lahat natawa kasama na si Celeste. “Okay everyone take ten” sabi ni Celeste sabay naunang lumabas na tumatawa parin. Agad pinuntahan ni Mary Grace si Enan, “Mags parang hindi ko na magalaw one side ng mukha ko” sabi ng binata. Nagtakip ng bibig ang dalaga, bungisngis siya kaya tinignan siya ng masama ni Enan. “Tuwang tuwa ka pa ata” sabi niya. “Here you go” sabi ng anak ni Celeste kaya agad kinuha ni Enan yung ice pack at dinikit sa pisngi niya. “Sir, pinagtritripan ata ako ng nanay mo. Nagpatulong kasi ako kaya pinaparusahan niya ako” sabi ni Enan. “Hindi, nakasilip ako kanina at magaling talaga acting mo. Pag ikaw lagi napipili niya that means favorite ka niya” bulong nung lalake. “Tang..kahit di na ako favorite. Imba na mukha ko, pano na kung hahalikan ako ni Miss Universe? Hindi ko na mararamdaman, parang dumaan lang na hangin. Sayang yung memories” banat ni Enan. “If its any consolation, habang pumapasok ako dito lahat nung mga natira ikaw pinag uusapan. That is a good sign, they are threatened by you compared to when you started a while ago na parang pinagdududahan pa nila kung bakit ka nandito” sabi nung lalake. “See I told you tama yung tinuro ko sa iyo” banat ni Mary Grace. “Tama nga pero pang isang eksena lang yung sampal dapat, hindi paulit ulit” sabi ni Enan. “Anyway, may snacks sa labas” sabi nung lalake. “Lugaw sana, di ata ako makakanguya” bulong ni Enan kaya laugh trip si Mary Grace. Isa pang oras ang lumipas naglakad lakad si Celeste, “Congratulations. I can work with twenty people” sabi ni Celeste kaya nalito ang lahat pagkat nineteen nalang sila. “Babalik po yung isa?” tanong ng isang babae. “No” sabi ng matanda sabay nilingon si Mary Grace. Nanlaki ang mga mata ng dalaga sabay tinuro sarili niya, “In front, Anna in front too. Jomer ikaw yung bading na kaibigan, alam niyo na siguro yung eksenang ito” sabi ng matanda. Inabot ni Enan folder niya kay Mary Grace, “Galingan mo” bulong ng binata. “Pero..hindi..” sagot ng dalaga. “Chosen one ka din, masasampal ka din” landi ni Enan kaya natawa yung dalaga at inuga ulo niya. Nagkaroon ng catfight scene, sampalan at sabunutan talaga yung dalawang dalaga ngunit biglang nagalit si Celeste. “Jomer! Sayang ka! You are out!” sigaw ng matanda. “Pero madam, I was just being a gentleman” reklamo ng binata. “At sa totoong away na nagpapatayan na talaga yung dalawang babae maiisip mo parin maging gentleman? Bading yung role mo, walang gentleman gentleman doon. Kung silang dalawa hindi nagreact ikaw pa yung nag inarte! Get out!” sigaw ni Celeste. Pagkalabas ng binata ng pintuan naupo si Celeste, “Mga bruha maupo kayo” sabi niya kaya nagtawanan yung iba pagkat nakatayo at gulong gulo ang mga buhok nina Anna at Mary Grace. “First lesson, pag eksena walang lugar ang self feelings unless nasaktan na talaga o naaksidente” “Did you see how the two witches fought? Wala naman silang past, di naman sila magkakilala pero pag pasok ng eksena akala mo kung magkaaway talaga sila. Well its to be expected because Anna and Mary Grace are both stage actresses so I chose them for that exact scene to show the rest of you” “Nakita niyo yung galing nila? Tignan niyo sila, para silang mga prinsesa kanina pero nung action na, aba nag away talaga sila. They really pulled hairs, they really slapped each other, oo nasaktan sila pero they showed what it is like to be really angry. Diba ganon naman talaga pag galit ka, hindi ka maawat, kahit na nasaktan ka na gusto mo parin manakit” “Kapag nasa ekesena kayo it does not matter kung nasaktan mo kaeksena mo, mamaya na yung sorry sorry after take. Like what they are doing now, you see that they are whispering to each other saying sorry maybe o baka naman nagbubulungan na ituloy natin ito mamaya sa labas” sabi ng matanda kaya umariba sa tawa ang lahat. “Yung si Jomer sayang e, pero he showed signs of weakness. Sayang talaga pero magsasayang din ako ng oras para iwasto yung side niyang yon. Kung inaakala niyo ang pag aarista ay madali then think again. There is a reason why celebrities are paid big money, pero yung iba not deserving, itsura lang talaga dala nila. Ewan ko ba, yan ang gusto ko labanan” “Gusto ko ibalik yung pure acting, yung real acting skills. I will teach you all, hahasain ko kayo para di lang kayo panay itsura. Gusto ko kahit ano ipagawa sa inyo kaya niyo. At sana pag sikat na kayo wag kayo maarte, kung ano ipapagawa sa inyo gawin niyo, di porke sumikat ka na pwede ka na mamili” “Oh no, pwede ka mamili sa kwento kung maganda o hindi pero kung maganda yung kwento at pangit lang role mo, wag kang mag inarte! Isipin niyo yung buong movie at di lang sarili niyo. Anyway we have one last test” sabi ni Celeste. “You see masyado kayo marami, yung iba sa inyo isasali ko agad sa movie na gagawin namin. Yung iba irerefer ko sa mga kaibigan ko. Alam niyo naman siguro ano nangyayari sa mga nirerefer ko diba? Kinukuha sila, no questions asked. Basta dumaan sa akin kinukuha nila agad” “Well the movie that we shall be making is a love story, twisted love story to be exact. So ngayon na alam ko lahat kayo dito may real potential, this time I will not choose, may kahon kung saan nandon mga pangalan niyo, walang script kaya aadlib kayo. Yung specific scene galing sa akin at bahala na kayo pano niyo ipapalabas yon” “Example if I say girlfriend learns about boyfriend cheating” sabi ni Celeste. “Oh lord” bigkas ni Enan sabay haplos sa pisngi niya kaya umriba sa tawa ang lahat. “So be ready for anything, dapat mabilis kayo mag isip ng dialogue, I will only give you and your partner five minutes then you have to impress all of us” “Yes, all of us. Walang samaan ng loob, lahat dito magiging kritiko. Its part of learning, so if you are watching you better take note, isipin niyo what if ikaw yung nandon, pano mo mapapaganda yung eksena kung ikaw yung nandon pero, pero based on their scene yon” “Okay excuse me, iprep ko lang yung draw box” sabi ng matanda. “Hi guys, if ever sampal please use your left hand” banat ni Enan kaya laugh trip ang lahat. “Kung lalake, suntukin mo nalang ako sa tiyan tol” hirit niya. Pagbalik ng matanda agad siya naupo, “Ganito nalang para exciting, magbibigay muna ako eksena bago ako bubunot. Okay first gusto ko isang dramatic break up scene, both of you don’t want to but you have to. Do you understand? Okay so lets see sino…first we have Leo…then we have Jeff” sabi ng matanda sabay nanlaki ang mga mata niya. “Oh this is interesting” sabi ng matanda kaya nagtawanan na ang lahat. “Kaya yan, tara tol” sabi ni Jeff kaya nag usap yung dalawa sa isang tabi. Ilang minuto lumipas palakpakan ang lahat. “I am so much impressed. Yung dialogue niyo medyo kulang pero its okay, trabaho talaga ng writers yan. The acting, so impressed” “I really am impressed, naramdaman ko talaga yung eksena. Nadala talaga ako kaya Jeff and Leo, very good. O sana nainspire kayo sa kanila ha. Next, buntis problems. One big reveal na buntis sa boyfriend. So our actors will be Anna and…Toni…oh” sabi ng matanda. “Madam ako yung buntis ha” banat ni Toni na bading kaya laugh trip ang lahat. Isang oras ang lumipas di mapakali si Celeste, “Diyos ko ang saya saya ko. Ngayon lang ako nagkaroon ng talents na katulad niyo. Oh may isa pa pala, sorry Enan pero wala ka nang partner…well ibalik natin lahat sa box then teka ano bang magandang eksena yung hindi pa natin nagagawa?” tanong ng matanda. “”Mga pilay ho, pilay yung mga kamay” sabi ni Enan kaya napahalakhak yung matanda. “Okay okay walang sampalan. Any suggestions?” tanong ng matanda. “Madam, dramtic scene ng two lovers na sobrang dami nang pinagdaanan…yung eksena na katatapos lang nila makalusot sa isang malaking pagsubok tapos nakatayo parin sila” sabi nung isa. “Madam yun bang nakarating na sila sa tamang panahon, tama siya, yung tipon sila nalang yung nakatayo, a powerful ending scene na they went against all odds then finally sila nalang dalawa” sabi ni Gerard. “Hoy, umayos ka nga, pano kung ikaw yung nabunot ko? Gusto ko talaga yon? Sampalan nalang tsong” banat ni Enan kaya umariba sa tawa si Celeste. “Itong si Enan pang comedy ano? Okay we go with that scene…would you like to pick your partner from the box or ako nalang?” tanong ni Celeste. “Kayo nalang po, baka kasi pag lalake nabunot ko sisihin ko sarili ko. At least pag kayo iisipin ko para future” banat ni Enan. “Alright, and your lucky partner will be….” “Wait madam, may suggestion ako” sabi ni Anna. “Yes go ahead” sabi ng matanda. “Wala nang usap usap, since we all know the scene, go agad. Walang script” sabi ng dalaga. “Kayo ha, nakibalita ata kayo sa ibang old students ko ha. Ganyan din pinapagawa ko sa kanila pero sige, this is a lesson too in complimenting each other” “Saluhan ito, walang script kaya kung ano yung binitawan nung isa kailangan saluhin mo at gawan mo ng paraan din. Sige sige, so your partner is…Enan” sabi ng matanda kaya nagtawanan ang lahat. “Bakit ko ba sinoli pangalan mo dito, sorry. Forgive me kasi naeexcite ako sa inyo eto na…” “Mary Grace…medyo unfair kasi magkakilala sila pero sige na. You two in front” sabi ng matanda. Lahat tahimik, magkalayo sina Enan at Mary Grace at parehong nakayuko ang kanilang ulo. Sabay silang nagtitigan, lahat ng manonood napapanganga na at napapakapit pagkat sabay na silang naglakad palapit sa isa’t isa. Nung talagang nagkaharap na sila mala slow motion na sumandal si Mary Grace sa katawan ng binata, si Enan ang unang yumakap, yumakap din ang dalaga saka sila pumikit. Tinungo ni Celeste ulo niya, mala slow motion tumingala si Mary Grace kaya nagtitigan sila ng binata. Pigil hininga ang lahat, parang tumigil ang mundo habang nagkakatitigan sina Enan at Mary Grace ng sobrang tagal. Mala slow motion din lumabas ang kanilang mga ngiti kaya ang lahat napapagaya ngunit nung lalong nagkalapit mga mukha nila lahat nagpigil ulit ng hininga. Napapatayo na si Celeste, nakahanda na pumalakpak mga kamay niya ngunit nadala din siya sa eksena. Nanliit ang mga mata nung dalaga nang magkiskisan ang kanilang mga ilong. Sabay bumuka mga labi nila at nagkiskisan ang mga dulo. Nung tuluyan nang magdikit mga lips nila may mga natili kaya tinaas ni Celeste kamay niya para manahimik sila. Nagtuloy talaga sa halikan sina Enan at Mary Grace, lahat namangha, lahat kinikilig pagkat sobrang ganda at puno ng emosyon ang kanilang kissing scene. Nung tumigil yung dalawa nanatili yung kanilang sobrang lagkit na titigan at doon na pumalakpak si Celeste. “Marvelous!” sigaw ng matanda kaya lahat nagpalakpakan. “You know what, mukhang makukuha ko kayong lahat after all. I am going to make two movies, half of you will star in the other one, half in the other one…but you two…you two will star in the other one. Its decided” “Clear your summer schedules! Gagawin ko kayo lahat artista”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD