Chapter 24: Advisers

3356 Words
Isang hapon magkasama sina Mary Grace at Enan sa auditorium. “So how did it go?” tanong ng dalaga. “Ayun, second time na parang nag iwan ako ng mga alay na bulaklak sa pintuan niya” sabi ni Enan. “Nanaman? Pero nagkausap kayo right?” tanong ng dalaga. “Oo, actually I spent the whole day up the evening with her watching movies” sabi ni Enan. “Yiheee, o di okay naman pala” sabi ni Mary Grace. “Hindi e, parang yung dati lang e. Ganon na kami noon e, parang ang nangyayari lang e bumabalik lang yung nakaraan” sabi ng binata. “E diba yun ang gusto mo?” tanong ng dalaga. “Ha? Ah oo pero ang ibig ko sabihin pala e, parang noon pero as friends nalang. Gets mo? E ang gusto ko yung..yun yung meron non” sabi ni Enan. “Love?” tanong ni Mary Grace. “Oo, syempre” sabi ni Enan. “Alam mo ang gulo mong kausap. Why don’t you make yourself useful first and help out in the decorations” sabi ni Mary Grace. “Oo ba” sabi ni Enan sabay tumayo sa gitna ng stage at nagposing. “Ano ginagawa mo?” tanong ng dalaga. “Binibigyan ko kayo ng inspiration. Narinig ko kapag may magandang tanawin daw nagaganahan magtrabaho ang mga tao. Kaya eto, bibigyan ko kayo ng inspiration” landi ng binata kaya natawa si Mary Grace at mga kasama niya. “Uy grabe naman kayo, sinasayang niyo yung energy niyo sa pagkiilig kilig, iconvert niyo na sa work output yan. Sensya na ganito na talaga ako kaya siguro out of control ang mga katawan niya dahil sa matinding attraction sa akin” hirit ni Enan kaya halos mabaliw na ang lahat sa auditorium. “MU naman e, nakita mo nga panay babae kami, sige na” lambing ni Mary Grace. “Okay fine, ibaon niyo nalang yung nakita niyo mamayang gabi. Nasan ba yung mga boys at semi boys?” tanong ni Enan. “Sila yung in charge ng pagbili ng mga kailangan” sabi ng dalaga. “Dapat kayo yon, diba yung mga nana yang ganon tapos yung tatay ang hard work” sabi ni Enan. “Trust me mas okay ito, at di mo maasahan mga yon sa decorations. Madami sila bubuhatin so kami talaga dito” sabi ni Mary Grace. “So you mean to say nanganganib ang buhay ko dito pala, panay babae ang nandito. Oh no, ngayon ko lang nasesense yung pagnanasa niyong matindi sa akin” biro ng binata kaya halakhakan yung mga babae. “Okay, lahat ng kailangan buhatin leave it to me, kayo na bahala sa pagdikit dikit ng anek anek at wala ako pasensya diyan” “Miss short hair cutey ako na magbubuhat, kayo na yung gupit gupit chorvah. Miss curly loves bitawan mo na yan. Uy natutuwa sila kasi alam nila mapapagod ako mamaya at mapapawisan kaya walang kumontra ano? Para mamaya maghubad ako ng pantaas para fully loaded pagpapantasya niyo sa akin mamaya” landi ni Enan kaya pinaghahampas siya ni Mary Grace ng folder sa pwet habang umariba sa tawa ang lahat. “Uy girls, since MU is helping us out baka matulungan din natin siya” sabi ni Mary Grace. “Uy Mags wag naman” sabi ni Enan ngunit hindi na niya napigilan ang dalaga magkwento. Ilang minuto lumipas may sumigaw ng torpe kaya napailing si Enan. “Grabe ex mo natotorpe ka?” tanong nung isa. “Malamang may kasalanan yan kaya ganyan” dagdag nung isang kasama nila. “Mags! Tignan mo na” reklamo ni Enan. “Cheater ka ba?” tanong nung isa. “Of course not” sabi ni Enan. “Then why are you acting so torpe and scared. Alam mo we get the torpe thing sa guys kasi pati naman kami girls natotorpe minsan” “Ang di ko magets naging kayo, nagbreak kayo so bakit natotorpe ka pa?” tanong nung isang babae. “Ah..kasi parang start all over. Natorpe noon so natotorpe ulit” sabi ni Enan. “Wushu, umamin ka na. May kasalanan ka kaya nagkakaganyan ka” hirit nung isang babae. “Wala akong kasalanan” sabi ni Enan. “Medyo gets ko yung situation mo kasi nangyari yan sa amin ng boyfriend ko. Nag break kami five months ago, then niligawan niya ulit ako so kami ulit. Oo nahirapan siya at parang ganyan kasi may ginawa siyang masama” sabi nung isang babae kaya tinapik ni Enan noo niya. “Baka merong iba kaya hindi torpe yan kundi hesitant” sabi nung kulot. “Aha tahimik, that means merong iba” sigaw nung isa kaya nagtawanan yung mga girls. “Si Mary Grace ano?” hiyaw nung isa kaya nagulat si Enan at Mary Grace. “Uy hindi ako! Yung bestfriend niya” sabi ng dalaga. “Ay patay ka, bestfriend pala” sabi nung kulot. “Teka nga, uy hindi ha” sabi ni Enan. “Wait, e naging sila noon ni Cristine, is your bestfriend the reason why nagbreak kayo?” tanong nung babaeng may maiksing buhok. “No! Si Ikang we just got reunited. Nung naging kami ni Cristine, I have never seen Ikang for a very long time. Last time ko nakita graduation namin ng elementary” sabi ni Enan. “Okay sabihin na natin nag break sila for a private reason, ngayon gusto mo balikan pero sabi mo nga reunited ka with your bestfriend, ayan na yung sagot” sabi nung isang babae. “Alam niyo lalo niyo lang ako nililito e. Wala naman talaga sa equation si Ikang, pero lately sabi ni Mikan ganyan din e. Ayan tuloy nagulo isipan ko pero alam ko hindi e pero parang oo pero honestly hindi ata” sabi ni Enan. “Ayan na, he is not making sense so that means yun ang rason” sabi nung kulot. “Wait lang, kaya ako nagkakaganito kay Cristine kasi natatakot akong mareject” sabi ni Enan. “Uhuhmmm, napasagot mo na noon tapos takot ka mareject. Hey its okay, pwede mo aminin sa amin. At least alam namin hindi ka cheater, ang tanong hindi nga ba?” tanong nung maliit na babae. “Of course not, eto rason bakit kami nag break. She had to prioritize her work. Para sa family niya, galing sila sa hirap so she had to focus on the new contract na malaki na pwede makatulong sa future ng family niya. Ayon sa contract she had to be single para hindi sagabal sa pagpair sa kanya sa leading man” paliwanag ni Enan. “Aray ko” sabi nung kulot. “Awww, so kung ganon pala bakit mo pa siya liligawan ulit. Sagabal din lang yung contract diba?” tanong nung shor haired cutey. “Well she spoke up sa isang interview, I have a feeling na pag isasampal nila yung contract sa mukha niya ilalabas niya yon in public” “Negative yung reaction ng mga tao sa mga producers and networks na gumagawa non so sabi ko eto na chance ko” sabi ni Enan. “Wait lang ha, if that is the case then ano problema niyo? I mean you both separated because of the contract diba? So kung non issue na pala siya e di sana di ka naghihirap ng ganyan” “Diba mga sis, wala nang balakid, tuloy nalang yung naputol. Bakit ka nagkakaganyan kung wala na palang problema?” tanong nung kulot kaya naipit na si Enan. Hindi niya gusto sabihin sa kanila yung totoo kaya nag isip siya ng palusot. “Si Ikang kasi, bestfriend e. Iba ang kamandag ng bestfriend lalo na pag tinamaan ka” landi nung isang dalaga. “Kami ng boyfriend ko ngayon, mag bestfriend lang kami dati” dagdag nung isa kaya napailing si Enan. “Hey don’t be a prick and pursue your ex if you like someone else” sabi nung isa. “Oo sinabihan narin ako ni Mikan niyan. Pero aaminin ko natotorpe lang ako, yun lang. Takot lang ako mareject” sabi ni Enan. “Bakit ka takot mareject kung naging kayo noon. Yung break up niyo hindi naman masasabi na bad break up, may rason naman at mukhang okay ka din naman don e” sabi nung kulot. “Si Ikang ang may sala” banat nung isa kaya natawa na si Enan. “Hey, hayaan na natin. Focus sa work” sabi ni Enan. “Kung hindi si Ikang niya e di Mary Grace. Lagi sila magkasama lately e” sabi ng kulot. “Uy hindi sila nagreact, aha!” sigaw nung cutey with short hair kaya pabirong dumikit si Mary Grace kay Enan at sumandal, “Oo na oo na, para matapos na” sabi niya. “Honestly its not Ikang” bulong ni Enan. “E di ako” banat ni Mary Grace kaya natawa si Enan. “Just kidding, siguro di ka lang nila kilala. Parang unusual kasi yung case mo. Sorry ha, di ko inexpect na magkakaganon” sabi ng dalaga. “Alam mo yung Ikang issue, the first time na nabanggit ni Mikan yon saka lang pumasok sa isipan ko e. The more natutukso ako ng iba sa kanya parang lalo akong napapaisip” kwento ni Enan. “Oh my, so that means meron talaga” sabi ni Mary Grace. “Isa ka pa, kampihan mo ako at sabihin mo wala” sabi ng binata. “Wala, kasi ako diba?” pacute ni Mary Grace kaya nagtawanan silang dalawa. “Wag kang ganyan Mags, mamaya maniwala utak ko, crush pa naman kita matagal na” sabi ni Enan kaya natahimik si Mary Grace at kunwari nalang hindi niya narinig sinabi ng binata. Alas syete ng gabi na sila natapos, bumaba sa stage si Enan at pinagmasdan yung ginawa nila. “I don’t get it, walang sense yung design” sabi niya. “Kasi po wala pa yung ibang parts. Etong ginawa natin parang back draft design lang” sabi nung kulot. “Tara na, sila na bahala dito bukas. Our work here is done” sabi ni Mary Grace. “Sabi ni coach parating na daw siya, may dala siyang dinner for all of us” sabi nung isa. “So maybe while waiting, baka naman pwede tayo pagbigyan ni Enan” pacute nung isang babae. “O sige, pila lang ha. One kiss lang sa cheek” banat ng binata kaya laugh trip yung mga dalaga. “Baliw, sample naman diyan. Sige na” udyok ng kulot. “Oo nga, isang kanta lang” kantyaw pa nung isa. “Why not, sige ba. Sige maupo kayo sa audience at ako aakyat sa stage” sabi ng binata. Pag akyat ni Enan agad siya sumigaw sabay tumawa. “Nag eecho mwahahahaha! So ano gusto niyo opera?” tanong ng binata. “Wag naman, yung bago naman. Wala ka ba alam na bago?” tanong nung kulot. “Shhhhh maupo lang kayo diyan” sabi ni Enan sabay palakad lakad siya sa stage. “Alam niyo ba tuwing nasa entablado ako, its feels like home. I was born for this” sabi ng binata kaya bungisngisan yung mga dalaga. “Alam niyo every night nananaginip ako, ang nakikita niyong lalakeng saksakan ng gwapo sa harapan niyo ngayon e nagiging batang lalake na inambunan ng malas sa itsura. Saksakan ng malas kasi nung umulan ata ng kapangitan e siya yung nasa labas noon. Ang pangalan niya ay Fernando” kwento ni Enan. “Teka diba name niya is Fernando?” bulong nung kulot. “Shhhh” sagot nung isa. “Tuwing natutulog ako I become that little boy, naranasan ko yung masasakit na titig, titig na may pangutya at kargado ng lait. Kapat binibigkas na yung lait labis akong nasasaktan” “Pero nabuhay pa naman ako kahit papano, kahit na sinalo ko na lahat ng kapangitan e tinuloy ko lang yung paghinga pero may times na parang gusto ko nalang idonate yung oxygen na para sa akin sa iba” sabi ni Enan kaya lahat ng babae nagiging teary eyed na. “Anyway, doon sa panaginip ko normal naman akong bata sa totoo pero nagiging extra ordinary kasi nga aside from daily life normal problems dumadagdag pa yung panlalait at di magandang pagtrato sa akin” “So sa totoo ang hirap maging ako. Hindi ko nga kilala sarili ko sa totoo kasi para lang makibagay sa tao kailangan ko magpanggap. Kailangan ko gawin yung mga bagay na gusto nila para lang matanggap ako. Pero meron isang babae na tumanggap sa akin at naging kaibigan ko. Siya si Ikang” “Sabi ko kahit isa lang kaibigan ko masaya na ako kaya lahat ginagawa ko para mapanatili na magkaibigan kami. “Naka attend narin ako ng birthday party, kasi birthday ni Ikang. May dumadalo narin sa party ko kahit si Ilang at parents niya” “Umokey ako noon talaga hanggang sa nagkahiwalay kami. Humirap buhay ko, bumalik sa dati. Kaya para matanggap hinasa ko yung pagiging patawa. Yun kasi yung pinakamadaling paraan para mapangiti mo yung iba, para naman hindi lagi simangot at titig panlalait natatanggap ko. Ang sarap makakita ng nakangiti sa iyo” “Kaya lang pag naubusan ka ng bala, masasakit na bala naman nila ang kailangan ko tanggapin. Nasanay din ako, nagkaroon ako ng armor laban sa panalalait, di man niya natatanggal talaga yung sakit pero at least sanay na” “Nagkakacrush din ako, sa mga katulad niyong magaganda ngayon sa harapan ko. Pag ikaw ay type ko lahat ng hilig mo kailangan ko matutunanan. Para mapansin mo ako, oo napapansin ako pero wala parin talaga. Ang dami kong inaral, ang dami kong sinubukan, kaya lalo ko nakakalimutan sarili ko. Sa totoo hindi ko talaga kilala sarili ko” “Di ko narin alam ano talaga mga hilig ko kasi yung mga hilig ng iba yun na ang kailangan na maging hilig ko” sabi ni Enan kaya luhaan na yung mga dalaga sa harapan niya. “So everytime I wake up from that dream and see myself in the mirror. I say, shet buti nalang saksakan ako ng kagwapuhan” banat niya kaya kahit luhaan umariba sa tawa agad yung mga dalaga. “Thank God for I am blessed, hindi ko naman talaga sinasadya na tumayo mag isa sa gitna ng field nung umulan ng kagwapuhan e” “Can you blame me? Mahirap lang intindihin itsura ko kasi naghalo halo na talaga lahat ng kagwapuhan. Sometimes it takes some time to see it pero once nakita mo na…wala nang atrasan…pagnanasahan mo na ako magpakailanman” hirit ni Enan kaya lalong nagtawanan yung mga dalaga. “Alam niyo ba sinubukan ko mangharana minsan? Ang masama hindi lang yung nililigawan ko ang tinamaan, akalain mo buong baranggay nila gusto ako sagutin. Kasama na yung mga lola!” banat ni Enan kaya yung iyaw sa awa ng mga dala naging iyak mula sa tindi ng tawa. “Aaminin ko mahirap maging ako, please lang sa mga may nobyo sa inyo pumikit nalang kayo. Resist temptation please” landi ni Enan kaya halos mabaliw na yung kulot. “O siya kanta ba? Sige, pero please di ko masyado gagalingan ha, kaya niyo ba ipromise na magpipigil kayo?” banat niya. “Isa pa pala, yung batang sinasabi ko, mahusay siyang makiramdam. Kasi nga lagi siyang tahimik, sa nais niya may mga makaibigan na marami e mapagmasid siya. Inaaral niya kilos at ugali ng mga tao para alam niya pano makibagay” “Ngayon Mags…crush lika dito” sabi ni Enan. Biglang nagtilian yung ibang babae, nagtayuan sila at pinagtutulak si Mary Grace para pumunta sa stage. Nung magkatabi na sila ni Enan lalong tumindi yung panunukso at tilian nung iba. “Crush, alam ko kahit di mo sabihin, may pinagdadaanan ka. Ako man ang madaldal tuwing magkasama tayo pero ramdam ko na may pinagdaaanan ka” “Hindi ko alam ano ginawa niya sa iyo, hindi ko din alam ano yung sakit na nararamdaman mo pero humahanga ako sa iyo. Ay di ko ba nabanggit na matagal ko na siyang crush? Oo eversince first year college, pero normal lang naman magkacrush diba?” “Alam ko normal yon kasi lahat ng babae may crush sa akin” banat ni Enan kaya laugh trip ang lahat. “Crush anong favorite song mo?” tanong ni Enan. “Ha? Uy kahit ano na” sabi ni Mary Grace. “Nahiya ka pa, alam niyo labis akong nagpapasalamat kay crush kasi katulad niya sina Ikang at Tiny” “Nung una niya ako nakilala nandon agad yung good vibes. Wala yung nauna yung lait thoughts at diri moves bago ko siya naging kaibigan. First meeting palang kaibigan na agad turing sa akin. Kaya kung napapansin niyo lagi kaming magkasama, I feel comfortable with her, with people like her” “Lately kahit may pinagdadaanan siya nakakayanan niya ako tulungan sa problema ko. Pero crush wag kang ilusyonada ha, di porke crush kita ibig sabihin tayo na kasi alam ko naman you are attracted to me” banat ni Enan kaya super halakhak si Mary Grace at pinagpapalo yung binata. “Crush, di maganda yung nagsasarili, mabubulag ka daw” banat ni Enan kaya nagwild na at halos mamatay sa tawa yung iba. “Joke lang, Mags, one day you will find that guy who will never take you for granted” sabi ni Enan kaya nagulat ang lahat nang bigla nalang umiyak yung dalaga. Agad humawak si Enan sa pisngi ng dalaga, “Mags, tutulungan kita mag move on pero ipromise mo na wag na wag kang maiinlove sa akin?” hirit ni Enan kaya habang umiiyak biglang natawa ang dalaga. “When youre down and troubled, and you need a helping hand” biglang birit ni Enan. Lahat nanigas, tinayuan ng balahibo sa sorbrang swabeng boses niya. “Close your eyes and think of me and soon I will be there to brighten up even your darkest nights” kanta ni Enan kaya pumikit talaga si Mary Grace at napangiti nang hawakan ng binata kamay niya. “You just call out my name, and you know wherever I am I’ll come running…” tuloy ni Enan. Nung natapos si Enan muli niyang hinawakan pisngi ng dalaga. “Di mo na kailangan isama lagi yung bading mong kaibigan para ipakita sa kanya naka move on na kahit hindi pa” “Ako nalang, ako ang ultimate move on companion. Alam ko ayaw mo na siya balikan, ang gusto mo lang maramdaman niya yung namiss niya, gusto mo marealize niya ano nawala sa kanya. Kaya ako nalang, ako ang magiging move on comapanion mo” “Hindi niya lang marerealize ano nawala sa kanya, at ikaw go on with your life. Araw araw ka nagpapakabusy dito. Hindi mo maaring mabaon sa limot ang sakit, kahit na magpakabusy ka, kahit na pagurin mo sarili mo para mas madali kang makatulog ang sakit nakatatak sa memorya ng puso” “The moment maging idle ka, wala ka magagawa pag puso ang nag emote. Damay damay na kaya move on narin. Pasalamat ka di ako naging boyfriend mo, wala nang move on move on pag ako. Pero buti nalang level 1 gwapo lang ex mo, madali mag move on. Pag Intergalactic level like me…” “Walang move on, forever mo dadalhin yan. Kahit sa next life depressed ka parin” sabi niya kaya kahit kokonti sila napuno ng ingay at katatawanan yung buong auditorium. “Basta Mags, kung kaya mo magpigil, I will become your bestfriend” sabi ni Enan. “Pano kung hindi?” sagot ng dalaga kaya nagulat ang mga kasama niyang babae. “Expected na yan, if ever nakapagpigil ka huh” “Ikaw na ang kauna unahang hindi tinatablan ng aking kamandag. Kidding aside Mags, I got your back” lambing ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD