Chapter 23: Sisa

3340 Words
“Aanhin ko naman ang forever na ngiti? Ha? Jelly magsalita ka? Aanhin ko ang ngiting wagas na magpakailanman kung hindi ko din siya makakasama?” tanong ni Cristine. “Magandang simula sa araw ang good morning. O kaya ayusin mo muna itsura mo kasi yang buhok mo para kang nakipag gera kay Valdemort” sabi ni Jelly. “Baliw ang peg para suotan din niya ako ng stray jacket” tampo ni Cristine kaya natawa yung bading. “One size lang yung jacket na yon, nakita mo naman kanino niya sinuot diba?” landi ni Jelly. “E kung lumabas kaya ako sa kalsadang nakahubad tapos magpagulong gulong ako sa grasa?” tanong ni Cristine. “Gusto ko din ng side car! Gusto ko ng stray jacket! Ayaw ko ng ngiting wagas, oo gusto ko pero gusto ko din yung dalawa! Bwisit! Dapat nung nilapit niya face niya hinalikan ko na” sabi ni Cristine. “Hay naku, the bae bae moves niya lang yon, walang meaning yon” sabi ni Jelly. “Anong wala? Yung side car meron! Pano ko lalabanan yon? Ha? Si labs ko ang sidecar nung Jessica na yon. Dapat manalo siya para di na niya kailangan ng side car” sabi ni Cristine. “Aangkas naman pag nanalo, oooh imagine angkas tapos susuotan ng stray jacket” landi ng bading. “Jelly you are fired” sabi ng dalaga. “Nagbibiro lang ako. Ano ka ba? Well at least nagtugma kayo sa isang bagay. Dun kay Mags” sabi ni Jelly. “Oo nga e, you see that nakakaramdam din siya e. At isa pa, bakit siya magiging affected kay Mags kung wala something something diba?” “Diba? That means affected siya so…” sabi ni Cristine. “Bigyan siya ng stray jacket! Bigyan siya ng sidecar! Igiling giling, igiling” banat ni Jelly kaya kinuha ni Cristine yung plastic plate sabay binato sa kanya. “Aray! Bakit ka nanakit?” tanong ng bading. “Bigyan ng first aid yang bakla! Bigyan ng kabaong! Che! Kampihan mo ako bakla ka! Pangit!” sigaw ng dalaga sabay pumasok sa kanyang kwarto. Muling lumabas si Cristine sabay naupo sa may dining area. “O ano?” tanong ni Jelly. “She really feels something for him, so ano Jelly mag give way ba ako?” tanong ng dalaga. “At saan ka naman nakakita ng Kraken na mabait?” banat ng bading. “Ako” bulong ng dalaga. “Ang Kraken palaban, at sino ba yung kasama mo dito nung isang araw? Dinalhan ka pa ng foods. O diba? If may something sila sa tingin mo ba papayag yung dragon sa ganon? That means wala namamagitan sa kanila, maybe she likes him pero how about him?” “Yung sinabi naman niya about side car e mula pa nung bata sila. Nagkahiwalay sila, ngayon kung Juan Tamad ang peg ng Kraken e di sa dragon mapupunta yung stray jacket” sabi ni Jelly. “May point ka, pero affected siya kay Mags e. Sino ba kasi yon? Pero affected siya so that means yung Mags na yon delikado” “Oo magbestfriend sila, pero narinig mo sinabi ni Jessica, ibig sabihin alam ni Jessica ano mga gusto ni Enan. At since bestfriend sila she can sense na may something something si Enan at yung Mags na yon. Masisiraan ako ng bait!” sigaw ni Cristine. “Wushu gusto mo lang mabigyan ng stray jacket” sabi ni Jelly. “He was here, he hugged me, sinubuan niya ako pero just like old times. Badtrip! Ang alam niya just friends like old times. E minahal ko na siya noon pa e” sigaw ng dalaga kaya nagulat yung bading. “E bakit di mo sinabi?” tanong niya. “Tsk, oo acting yung umpisa pero nung tumagal nahulog ako. Sabi niya minsan lang mahuhulog tapos in his arms na” tampo ng dalaga. “Hello contract!” sigaw ng bading sabay humalakhak. “Bwisit ka! Pinagsisisihan ko na yon! Gumawa na nga ako ng paraan diba?” sabi ni Cristine. “Uy may kumatok, baka si Enan” sabi ni Jelly kaya tumakbo papuntang kwarto si Cristine. “Tell him to wait, mag aayos lang ako” sabi ng dalaga. “Joke lang” banat ng bading kaya nanlisik yung mga mata ng artista. “Uy Cristine, wait, wait lang kasi di ko naman sinasadya” sabi ni Jelly. “Mataas tong condo, kasya ka sa bintana. Kakayanin kita itapon palabas” banta ni Cristine. “To naman di na mabiro” sabi ni Jelly. “Pagdating kay Enan wag kang magbibiro. I love him! I am in love with him! I want to be with him!” sigaw ng dalaga sabay pumasok sa kwarto at nagwala. 1 May narinig talagang katok si Jelly kaya nagtungo siya sa pintuan. Sa kwarto naman tuloy ang pagwala ni Cristine, unan niya pinanghahampas niya sa cabinet hanggang sa may biglang yumakap sa kanya mula likuran. “Bitawan mo nga ako bakla ka! I know kung fu! Kung-fuin ko mukha mo gusto mo!” hiyaw ng dalaga. “Masyado kang harsh” sabi ni Jelly na sumulpot sa harapan ng dalaga. Napatigil si Cristine, may nakayakap parin sa kanya kaya dahan dahan siyang napalunok at tinitigan yung bading. 1 Ngumisi si Jelly sabay nag beautiful eyes, sumandal si Cristine at napapikit nang marining boses ni Enan. “What’s wrong? Why are you so mad?” lambing ng binata. Mala slow motion lumingon ang dalaga, nang magkatitigan sila tila bibigay mga tuhod niya. “Hi” bulong niya. “Hey, bakit galit na galit ka?” tanong ni Enan. “Ah..practice para sa..isang role” palusot ng dalaga. “Akala ko ba athlete ka sa next project?” tanong ng binata. “Ah iba to, bale practice palang if kaya ko siya o hindi. Pag kaya ko then papayag ako” hirit ni Cristine. Inikot ni Enan ang dalaga para humarap ito sa kanya, “It seems you just woke up still you look pretty. Hey why don’t you fix yourself, antayin kita sa labas. May dala akong breakfast” sabi ni Enan. “Okay..” bulong ni Cristine. “Tali mo ulit buhok mo” bulong ni Enan kaya napangiti ng husto ang dalaga. “Tara na Enan, ihanda na natin yung breakfast” sabi ni Jelly. Paglabas nung dalawa ng kwarto agad dumikit si Enan sa bading. “Is she okay? Totoo bang practice sa role yon?” bulong ng binata. “Oo, may inooffer sa kanya, hayaan mo na” sabi ni Jelly. “I see, sensya na pala kung maaga ako. May lakad kasi ako mamaya diyan sa malapit” sabi ng binata. “Hulog ka ng langit, at least hindi na ako magluluto ng almusal. So ano naman yung lakad mo?” tanong ni Jelly. “Kung sinabi ko ba sa iyo kaya mo itago bilang sikreto?” tanong ni Enan. “Of course, I am your BFF too you know, baklitang friend friend” biro ni Jelly. “Ikakasal na kasi ako e” sabi ni Jelly kaya nanlaki ang mga mata ng bading sabay napahawak sa puso niya. “Ayon, base sa reaksyon mo ibig sabihin maganda yung pagkadeliver ko ng linya ko. Kapani paniwala ba?” tanong ni Enan. “Ano? Joke yon? Ano?” tanong ni Jelly. “Linya lang yon mula sa isang script. Pero Jelly atin atin lang, kapag may nakaalam na iba babalikan kita” banta ni Enan kaya napalunok yung bading sa takot. “Epektib ba? Natakot ka talaga?” tanong ni Enan kaya napakamot na si Jelly. “Ano ba nangyayari sa iyo?” tanong ni Jelly. “Di mo pa ba magets?” tanong ni Enan. “Mag aartista ka?” bulong ng bading. “Hindi naman, pero parang ganon. Basta wag mo ipagsasabi” sabi ni Enan. “Ah kaya ka laging nandito kasi gusto mo magpaturo kay Tiny?” tanong ni Jelly. “Of course not, kaya ako lagi nandito kasi sobra ko siyang namiss. Bakit Jelly hindi ba maganda yung pamamalagi ko dito?” tanong ng binata. “Uy wala ako sinabing ganyan. Alam mo mas okay nga nandito ka lagi, tulad ng dati kasi naaliw si Cristine. Alam mo naman maliit ang circle of friends niya, trabaho tapos uwi para magpahinga, pero pag nandito ka siyempre naaliw siya” sabi ng bading. “May ginawa ba siya sa itsura niya? Parang gumanda siya lalo e. O baka naman labis ko lang siya namiss? Sensya na, nasanay narin ako lagi siyang kasama noon. Baka namiss ko lang siya sobra” sabi ni Enan. “Namiss ka din niya, kasi naman ang korny ko diba? E ikaw lagi mo siya napapatawa, kaya may times na tulala siya tapos maalala ka niya” sabi ni Jelly. “Talaga? Naalala niya ako? Jelly may gusto sana ako itanong sa iyo, kasi kilalang kilala mo si Tiny kaya ah…” bigkas ng binata nang bumukas ang pintuan ng kwarto ng artista. “Ano pinag uusapan niyo?” tanong ni Cristine. “Saka na” bulong ni Enan saka humarap sa magandang dalaga. “Much better?” pacute ni Cristine. “Sinabi ko naman mag ayos lang, Tiny naman are you trying to make me fall in love with you?” banat ni Enan kaya napanganga ng husto si Jelly habang ang dalaga nagtakip ng bibig sabay nagpigil ng kilig. “Ikaw talaga nambobola ka nanaman” sabi ni Cristine sabay inayos yung pagkatali ng buhok niya. “Siya nga pala Enan, school day today, wala ka ba klase?” tanong ni Jelly. “Ah may something yung school, nakalimutan ko ano tawag don kaya wala kami classes today” sabi ng binata sabay todo alalay kay Cristine na makaupo. Nakikiliti ang dalaga pagkat nakatayo si Enan sa likuran niya at nakahawak sa kanyang balikat habang kausap niya si Jelly. “Upo ka na” lambing ng dalaga. Hinila ni Enan yung isang upuan saka naupo sa tabi ng dalaga. Dinikit pa niya talaga upuan niya sa upuan ni Cristine kaya natatawa si Jelly pagkat namumula na ang artista. Daldal ng daldal si Jelly para madistract si Enan, ang binata nakikipag usap naman habang pinagsisilbihan si Cristine. “O sige na kain na” sabi ni Jelly sabay ngiti. Nung natauhan si Enan medyo gulat siya pagkat super dikit pala siya kay Cristine at kanan na kamay niya nakahawak pa sa likod ng dalaga. “Ah malayo ka sa table ata..ilapit kita” palusot ni Enan. “Sakto lang” sagot ni Cristine. “Oh okay” sabi ni Enan sabay pasimpleng inaalis kamay niya sa likuran ng dalaga. “Tiny nasabi ko kay Jelly kanina na sorry pala kung pasulpot sulpot nalang ako dito lagi ha” sabi ng binata. “Ano ka ba? Okay lang, more than okay sa totoo” sabi ng dalaga. “More than okay?” tanong ni Enan kaya pigil hininga si Jelly at tinitigan ang kanyang alaga. “Oo, you can come here anytime you want. Kahit na wala lang, talk, or makipagkulitan, okay lang sa akin” sabi ni Cristine. “Ganon ba? Pano kung aakyat ako ng ligaw?” tanong ni Enan kaya super nanigas si Cristine at Jelly. “Ligaw?” tanong ng dalaga pabulong. “Tiny, di ko na kaya itago sa iyo talaga..” bulong ng binata kaya napakapit na si Cristine sa lamesa. “Sabi nila di daw maganda itago ang feelings, sabi nila let it out so Tiny…” “Balak ko sana ligawan si Jelly” banat ni Enan. “Maldito!” hiyaw ng bading sabay pinag ekis ang mga kamay niya parang krus. Humalakhak si Cristine at pinagpapalo ang binata sa dibdib ngunit t***k ng puso niya nagshoot up pagkat akala niya kung siya yung liligawan ng binata. “Jelly, sorry at narinig mo yon, pero totoo” hirit ni Enan. “Tumigil ka! Akala ko siya yung liligawan mo” sagot ng bading kaya napatigil ulit si Cristine. “Excuse me, I have to go. Masakit Jelly, sobrang sakit” drama ni Enan kaya tumawa ng malakas si Cristine sabay niyakap braso ng binata para maupo ulit siya. “Kumain ka na nga, nagpapatawa ka nanaman e” sabi ng bading. Biglang humarap si Enan kay Cristine sabay tinuro ang gilid ng labi ng dalaga. “E nandito narin lang ako e di palabasin ko ngiti at tawa niya na namimiss ko. O diba? Ayan o” sabi niya kaya sumandal si Cristine at kinurot ang binata. “Ikaw talaga, wag mo iapply sa akin yang bae bae moves mo” sabi ni Cristine. “E di naman tinatablan si Jelly, so ikaw nalang” banat ni Enan. “Nasusuka ako, wag na wag mong susubukan sa akin yan tol. Ano gusto mo gulo?” banat ni Jelly sa boses lalake kaya laugh trip silang tatlo. Ilang minuto lumipas biglang bumanat si Jelly, “Hoy Enan, baka matunaw siya. Kung makatitig ka naman sa kanya akala mo kung ten years kayo di nagkita” sabi niya. “Excuse me alam niya na tinitignan ko siya, napaliwanag ko na sa kanya last time bakit. Kesa naman ikaw titigan ko, oo namiss din kita pero between you two, sa kanya ako no” sagot ni Enan. “Ano yan insulto ba? Iniinsulto mo ako?” tanong ni Jelly. “Hindi, namiss din kita sa totoo. Namiss ko si Arlene din, pero napaka awkward naman pag ikaw yung tititigan ko ng matagal o kaya si madam Arlene. Single ako, single siya, e di siya nalang para walang issue” banat ni Enan. Sumandal si Cristine, kinurot ng sobrang lakas yung binata sa tiyan sabay kinagat pa ito sa dibdib. “Aray ko Tiny!” hiyaw ni Enan ngunit di makapigil si Cristine pagkat doon niya naialalabas yung kanyang pagkakilig. Pagbitaw ng dalaga laugh trip si Jelly, “Awww you look like you are in serious pain” landi niya. “Basta siya kaya ko tiisin. Uy! Siya nga pala nasan yung supot?” tanong ni Enan. Agad niya pinuntahan yung supot sa kusina at pagbalik niya may dala na siyang box of chocolates. “Wow, panghimagas” sabi ni Jelly. Dumiretso si Enan sa tabi ni Cristine, pagkaupo niya agad siya humarap sa dalaga. “This is for you” sabi niya. “Akala ko dessert natin” sabi ni Cristine. “Ah hindi, kasi kahapon nasa grocery kami nakita ko ito. Naalala kita kasi remember sa dressing room mo may ganito ka dati?” “From your suitor sabi mo kaya ayaw mo galawin pero napansin ko kasi noon lagi mo siya tinitignan. Alam ko naman itsura ng natatakam. Tagal na non alam ko, di ko alam kung natakam ka lang that time or favorite mo siya pero..this is for you. Siguro naman kakainin mo kasi galing sa akin” lambing ng binata. Niyuko ni Cristine ulo niya, binubuksan na niya yung box pero hinawanan ni Enan mga kamay niya at nilayo yung karton. “Mamaya na, finish breakfast first” sabi niya. “Okay, ey…sabi mo wala ka klase ngayon so wanna hang out here? May mga DVD movies akong naka stock lang diyan” sabi ng dalaga. “Baka kailangan mo magpahinga” sabi ni Enan. “No, stay” sabi ng dalaga. “Okay, after breakfast sasaglit ako sa labas, sakto maliligo ka” sabi ng binata. “Saan ka pupunta?” tanong ng dalaga. “Manonood tayo ata ng madami e di bibili ako ng snacks” sabi ni Enan. “Gagawa na ako listahan” banat ni Jelly sabay umalis. “Uy baka may lakad ka today, wait sabi mo may lakad ka ata diba?” tanong ni Cristine. “Palusot ko lang yon, nakakahiya naman sabihin na gusto ko lang pumunta dito” sabi ni Enan. “So wala kang lakad na iba?” tanong ni Cristine. “Wala talaga, I really came here to see you and give you this” sabi ng binata. “You remember the snacks I like right?” tanong ni Cristine. “Oo naman” sagot ng binata. “Sige, don’t take long ha. Para masimulan natin agad” sabi ng dalaga. “Tapos ka na?” tanong ni Enan. “Oo, save space para sa snacks…wait..up to what time ka pwede?” tanong ni Cristine. “Naman, gusto mo agad lagyan ng hangganan” sabi ni Enan. “Hindi, para naman alam ko ilang papanoorin natin” sabi ng dalaga. “Tiny, di maganda yung may schedule, basta manonood tayo. So sige na ligo ka na at daan na ako sa grocery nearby” sabi ni Enan. Pagkaalis ng binata nagtatalon si Cristine sa tuwa, “Alam mo mali ako e, dapat sinabi ko may lakad ako para dalawa lang kayo dito” sabi ni Jelly. “Uy wag, dito ka lang” sabi ng dalaga. “Bakit ayaw mo ng alone time with him?” tanong ni Jelly. “Gusto ko pero dito ka lang, makinood ka” sabi ni Cristine. “Hindi kita maintindihan, ayan na nga chance niyo magsama na kayo lang dalawa” sabi ni Jelly. “Baka kasi mabigla ko siya, alam ko dati yung foundation ng aming relationship was based on an act. For me it was not along the way, pero sa kanya we were just friends kasi nga dahil sa usapan na acting lang” “Jelly kailangan kita dito, baka di ako makapagpigil, baka mabigla ko siya. Ayaw ko ng ganon. Yes I love him but I have to erase the past, I have to make him feel na totoo at hindi lang frienship” “Jelly anytime sasabog na ako, kailangan nandito ka baka makalabas na talaga yung Kraken love mode” sabi ni Cristine kaya napahalakhak yung bading. “Fine, pero alam mo ang sweet niyo sa isa’t isa” landi ng bading. “Tulad noon, pero sabi ko nga nangibabaw noon yung act” “Eeeesh, ang dami nangyari noon pero alam niya acting. Yung alam niya lang na tunay yung friendship. Ang sweet niyang kaibigan, pero hindi ko na siya gusto bilang kaibigan, upgrade! Upgrade! Boyfriend!” sigaw ni Cristine sabay ginulo gulo buhok niya. “Hoy Kraken, maligo ka na. Baka mamaya nandyan na siya” sabi ni Jelly. “Ano isusuot ko? Tulungan mo nga ako muna. Ano ba yung okay? Tandaan mo nga yung damit ko na gustong gusto niya. Teka pano ko itatali buhok ko mamaya e basa? Gusto niya nakatali buhok ko” sabi ni Cristine. “Basa nga mamaya e! Maiintindihan niya yon! Kahit ano isuot mo okay lang. Pag maiksi magagalit siya! Yung disenteng shorts at blouse, ikaw ata ang nakalimot” sabi ni Jelly. “Excuse me! Pag in love a overpowered yung utak ng puso! Mental block! Subukan mo din kasi mainlove!” bulyaw ni Cristine. “Nasubukan ko na! Naubos nga pera ko, gagita ka pinaalala mo pa” sabat ni Jelly. “One sided kasi yon” sabi ni Cristine. “E ano tawag mo sa iyo? Two sided? E di kayo na sana sa totoo. Pero hindi diba? Kung maka one sided ka, hala sige ligo na! Ano ba sinusuot ng gwardya ng di makapagpigil na Kraken? Kailangan ko ba battle armor?” landi ni Jelly. “Tse! Ayusin mo yung salas, iset up mo yung DVD. Ayaw ko magsayang ng oras pag nandito na siya. Ginto ang bawat segundo pag kasama ko siya! Ginto!” sigaw ni Cristine. “Hindi nabibili ng ginto ang stray jacket at side car” banat ni Jelly. “Bakla! Che! Isusumbong kita sa boyfriend ko mamaya pagdating niya” sigaw ni Cristine. “Kung maka boyfriend wagas” sabi ni Jelly. “Sinasanay ko na! Itaga mo sa bato Jelly, magkakatotoo yan”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD