Chapter 22: Side Car

3108 Words
“Pare ano ba ginagawa natin dito?” tanong ni Greg. “Naghihinala na ako kay Ikang. Nung dinalaw ko siya dalawang beses sumasakit katawan niya. Tinanong ko kung sumali siya sa frat pero hindi daw. Sabi ng source ko lagi niya nakikita dito si Ikang lately” sabi ni Enan. “Tara na sugurin na natin, pero pare pano kung mga babae sila?” tanong ni Greg. “Ako bahala, isang kindat lang aamo sila” banat ni Enan. “Nagtanong pa kasi ako e, ayun pare bukas yung side door…pero diba si Jelly yon?” tanong ni Greg. Nakita ni Enan yung bukas na side door ng isang bahay, agad siya sumugod kaya nagulat si Jelly. Nanigas yung bading, napalunok sabay dahan dahan umatras. Nagmadaling pumasok si Jelly at nagsisigaw kaya napatigil sa ensayo si Ikang. “Jelly! Ano problema mo?” tanong ni Cristine. “Siya” sabi ng bading kaya pagtingin ng lahat sa pintuan nagulat sila pagkat pumasok bigla si Enan. “Uh oh” bulong ni Arlene, inalis agad ni Jessica yung libro sa ulo niya sabay nginitan si Enan. “Wait, I can explain” sabi niya. “Why didn’t you tell me?” tanong ni Enan. “Ah e kasi..” bigkas ni Jessica kaya nilapitan na ni Arlene si Enan. “She wanted it to be a surprise” sabi niya. “Andoy wag kang magalit” sabi ni Jessica. “O nandito si Cristine, magka frat sila?” tanong ni Greg na kapapasok lang. “Frat?” tanong ni Cristine. “E kasi masakit daw katawan lagi ni Jessica kaya akala ni Enan sumali siya sa frat. Buti nga di namin dinala yung mga baseball bat, kutsilyo at chains” banat ni Greg. “Andoy..” lambing ni Jessica kaya pinagmasdan ni Cristine yung titigan nung dalawa. “So she is having problems with her walking?” tanong ni Enan sa kaibigan ni Jelly na bading. “Ikang talaga..” sabi ni Enan sabay kinuha yung isang libro sabay tinabihan kaibigan niya. “O tara sabay tayo, wait ako muna pala. Ganito kasi yan Ikang. Manood ka maigi ha” sabi ng binata palambing. Nilagay ni Enan yung libro sa ulo niya, lumapit yung bading ngunit sinenyasan siya ng binata na lumayo. “O basics muna tayo ha, wala muna yung project project. Lagi mo tandaan kailangan may semi cross, wag naman masyado o paekis ekis” “Nasa tamang stepping lang yan, watch me” sabi ni Enan kaya lahat nagulat pagkat marunong talaga siya. “Tignan mo Ikang, I am not looking down” sabi ng binata sabay talagang rumampa na mala beauty queen. “Diyos ko, marunong” sabi ni Jelly kaya inuga ni Greg ulo niya. “Ikang kapag iniisip yung footing mo lalo kang magkakamali, lika sabay tayo. Diretso lang tingin, wag ka matakot kasi nandito ako sa tabi mo. Basta sabay lang tayo maglakad, we start with the right to cross in front a bit ha. Wag mo sobrahan kasi mapapatid ka talaga lalo na pag ihahakbang mo na yung left mo” paliwanag ng binata kaya lahat ng bading nagtakip ng mga bibig sa gulat. Naglakad yung dalawa, si Arlene gulat na gulat kaya biglang pumalakpak pagkat nakuha agad ni Jessica yung paglakad. “See, o wag masyadong over confident muna, kailangan sanayin. Ramdamin mo bawat step mo, let your legs gets used to it” “Hindi dapat ang utak ang magkontrol, kailangan masanay na talaga legs mo para bahala na ang muscle memory mamaya. Okay lang na mapatid patid ka, hayaan mo sarili mo mag adjust, combo yan ng utak at muscle memory pero in the long run muscle memory mo nalang magdadala sa iyo” paliwanag ni Enan kaya napahalakhak si Jelly sabay tinignan ang kasama niyang bading. “Bruh, scientific ang peg niya, delikado ka bruh” biro ni Jelly. Limang minuto ang lumipas tumigil sila, “Rest ka muna pero Ikang stand up straight, keep your posture and pag naka relax mode ka keep one leg cross in front of the other. Yung sakto lang para may I project ka. Hands sa hips, alam ko pagod ka pero hinga sa ilong, control para di halatang tired ka” sabi ni Enan kaya bungisngisan na lahat ng tao sa bahay. “Pare, natatakot na ako sa iyo” banat ni Greg at doon na sumabog sa tawanan ang lahat. “Enan marunong ka?” sigaw ni Jelly. Inalis ni Enan libro sa ulo niya sabay initsa kay Greg. Rumampa ang binata, super sexy yung lakad niya kaya super laugh trip ang lahat sa mangha. “Pak! Para sa bayan! Ganern!” bigkas ni Enan sabay pause, hands sa hips saka prinoject ang dibdib niya. Taas noo siya with one leg naka cross sa harapan kaya palakpakan yung mga bading. “Ikang watch, pag ganito project, tignan mo silang lahat then taas noo saka lakad ulit” “Pero ito ang importante, kailangan dalhin ng upper body mo para madistract sila. Kasi may times na mali yung pagplacing mo ng legs mo sa pauses, so smile smile, turn heard turn head then project the chest…pak! Hindi na halata mali yung unang hakbang ko! Pak! Titig naman sila sa dibdib ko kahit wala ako boobs” “Pak! Hindi ako marunong umikot kaya pak! Kukurba nalang ako kesa matumba pa ako! Pak!” banat ng binata kaya super laugh trip ang lahat. “Marunong ka!” hiyaw ni Cristine sabay super palakpak siya. Lahat pumalakpak kaya si Enan super pose ulit, pa nod nod with smile kaya umariba sa tawa si Greg. “Andoy bakit marunong ka ng ganyan?” tanong ni Jessica. “Hindi ka kumakanta sa bar ano? Sa gabi sumasali ka sa miss gay pageants ano?” sigaw ni Greg kaya natawa si Enan. “Pangarap ni Ikang talaga maging beauty queen, nung nagkahiwalay kami hindi ko alam pano siya hahanapin” “Inabangan ko nalang lahat ng news tungkol sa mga beauty pageants. Nung umuso ang Internet nanood ako ng mga parang contest na shows, oo mga foreigner pero malay ko kung sikat na siya. Sa mga show na yon tinuturuan yung mga contestants pano maglakad, pano mag project, pero wala si Ikang. Nung may Asian akala ko siya pero hindi” “Kaya sabi ko baka hindi pa siya sumali, so habang nanonood ako ng ganon inaraal ko din. Baka kasi magkita ulit kami ni Ikang tapos kailangan niya tulong ko. Tulad noon, siya yung motor ako yung side car” “Makalimutin yan, tapos pag nagpanic lalong makalimutin at minsan nerbyosa. Kaya ako yung laging sidecar niya, ako yung nandon lang para mag remind sa kanya mga nalimutan niya. Pag contest na kakalas na yung sidecar para tumakbo na yung motor na mag isa tapos pag tapos na kabit ulit pag talo siya. Pero pag nanalo siya inaangkas niya ako” paliwanag ni Enan. Biglang naging teary eyed si Jessica kaya tumakbo siya papasok ng banyo. Nagpunas ng luha sina Arlene at Jelly habang si Cristine nagpilit na ngumiti ngunit nakaramdam siya ng sobrang sakit sa dibdib niya. “Sundan mo” sabi ni Greg. “Hindi, hayaan mo siya. Anyway, di ko alam sino may pakana nito pero wag niyo na uulitin ito” “I know you all meant well, pero never keep secrets from me. Lalo na ganitong kalaki” sabi ni Enan. “It was her idea, she didn’t want you to get involved kasi daw busy ka din” paliwanag ni Cristine. “Tiny, parang di mo ako kilala. Busy din naman ako noon pero I always had time for you” “Ang bilis mo naman makalimot Tiny” sabi ni Enan. “Sorry na” lambing ng dalaga. “Wala yon, hoy Greg! Itago mo yang phone mo, subukan mo lang ako kunan ng…ay tado ka!” hiyaw ni Enan. “Uploading!!” sigaw ni Greg sabay tumakbo palabas ng bahay kaya hinabol siya ni Enan. “How did he find us?” tanong ni Arlene. “Hinala ko si Shelly” sabi ni Jelly. “Shelly?” tanong ni Cristine. “Oo, last time humingi ng favor si Shelly kay Enan. Siguro to return the favor nag spluk ang gagita” sabi ni Jelly. “Hello! Sabi ni Greg akala nila frat, so bakit naman si Shelly agad ang tatanungin ni Enan?” tanong ni Arlene. “Ay baka hindi siya, oo nga pano nalaman ni Enan na nandito tayo?” tanong ng bading. “At isa pa, he was surprised to see us pagdating niya so that means he didn’t know we were involved. Pero alam niya tong lugar” sabi ni Cristine. Lumabas si Jessica kaya lahat napatingin sa kanya. “Jessica may kabit kabit thingy ba kayo ng phone ni Enan?” tanong ni Jelly. “Ano?” tanong ng dalaga kaya super halakhak si Cristine. “Bruha, hindi sila naka iPhone” sabi ng artista. Pagpasok ni Enan inuga niya ulo niya, “Enan how did you find us?” tanong ni Cristine. “Ah si boss Del, nagpatulong ako sa kanya. Depserate na ako kasi e. So pinatriangulate ko cell number ni Ikang” paliwanag ng binata. “Wow, you can do that?” tanong ni Jessica. “Ah si boss Del, big boss siya sa Telecom na sponsor namin” sabi ni Cristine. “Grabe ka naman Andoy” sabi ni Jessica. “E ayaw mo sabihin sa akin yung totoo. I am not sorry, sige na focus na. Dito lang ako sa tabi at manonood” sabi ng binata. “Nasan na si Greg?” tanong ni Jessica. “Dito, takot ako pumasok, inupload ko video ni Enan. Hoy Enan ang dami nang nag comment sa Youtube channel natin” sabi ni Greg. “Che! Di kita knows, bakulaw ka!” sigaw ni Enan kaya laugh trip yung iba. “Ikaw pag gumawa ka ng hidden video tungkol sa akin di naman ako nagrereklamo ng harsh. Bakit pag ikaw naisahan ko ganyan ka umasta?” tanong ni Greg. “Siraulo ka pag naging viral yan at inimbatahan ako sa Jessica Soho humanda ka at sasabihin ko inspired ako sa kaibigan kong baklang si Gregilou” hiyaw ni Enan. “I out kita nationwide bakulaw ka” hirit ni Enan kaya halakhakan ang lahat. “O sige na para makabawi ka maglalakad din ako ng ganon para sa viewers natin” sabi ni Greg. “Tara dali dali, sabayan natin si Ikang. Para dalawa ang side car niya” landi ni Enan kaya tawang tawa yung iba pagkat parang bata yung dalawa. “You two have a Youtube channel already?” tanong ni Cristine. “Ay oo, kagagawa namin, inupload ko doon yung mga old videos namin. So far may two thousand followers kami. Balak namin gawin soon parang talk show, uy Tiny baka pwede ka namin invite sa first episode namin” sabi ni Enan. “Please miss Cristine, please” makaawa ni Greg kaya natawa bigla yung artista. “After you si Mikan, o ha star studded kami. Si Ikang after na niya Manalo ng pageant, pero hindi pala dapat before para before and after. Jelly invite ka din namin, basta we have big plans” sabi ni Enan. “Anong nakain niyo?” tanong ni Jelly. “Wala katuwaan lang, anyway saka na yon. Please focus on Ikang. Ikang continue with your practice, tamang tama nandito kami ni Greg for distraction kaya kailangan mo magfocus talaga ha. Pag dating ng pageant super kabado ka kaya pag naka survive ka sa amin ni Greg ngayon chicken feed nalang yung pageant” sabi ni Enan. “Pak! Para sa mga bakulaw” banat ni Greg with matching beauty pose kaya ang tagal nila bago nakapagsimula dahil sa tindi ng tawanan. Isang oras lumipas tuloy ang tawanan pagkat sobrang hinhin nina Greg at Enan kumilos. “Hoy umayos nga kayong dalawa” sigaw ni Jelly. “Bruha, kailangan may role models si Ikang. Kasi kailangan niya masanay na gumalaw with charms and finess. Ikang magbabago na ang buhay mo, kailangan sanayin mo na talaga. Ganito ang tamang pag upo” sabi ni Enan sabay konting haplos sa pwet, mala slow motion na naupo saka nagcross legs. “Greg, nagcrack ata..narinig ko” banat niya kaya maiyak iyak yung iba sa tindi ng tawa. “Wala na pare, hindi na matutuloy ang intergalactic bae bloodline mo pag nagcrack” sabi ni Greg. “Oh no, but if this is my destiny so be it. I will be the first and last of my breed. I am so sorry entire universe, so take advantage now while I am still alive” landi ng binata. “Tama sila, pag naka surive ka kasama yang dalawang yan, pag salang mo sa pageant wala nang makaka distract sa iyo” sabi ni Jelly. “Greg buti naman okay ka lang sa mga gusto niya ngayon. Dati naalala ko parang ayaw mo” sabi ni Jessica. “Miss Jessica, dati masyado akong uptight, sabi ni Enan sa akin enjoy ko lang buhay ko” “Dati kasi calculated galaw ko para iwas bad vibes, dati limitado nagagawa ko dahil sa hiya pero ngayon okay lang mabash. Okay lang malait, at least pinapansin ka nila. Turo sa akin ni Enan na ang mga basher laging meron, kaya wag ko daw hahayaan sarili ko na bigyan lang sila ng bala para sa bad vibes” “Ipakita ko din daw true colors ko, ipakita ko din daw different sides ko just in case mamangha din daw sila. Kaya sinusundan ko yapak niya, happy happy lang, kung hindi nila ako matanggap well at least nag enjoy ako sa buhay ko. Yan ang turo ng side car mo sa akin, isang araw magiging side car din ako ni Lea” paliwanag ni Greg. “Wow Enan, I am so proud of you. Nakak inspire ka na ng ibang tao. Hal aka baka kunin ka ni Lord” biro ni Jelly. “Jellina Jellina, if sunduin man nila ako makikiusap ako na maiwan muna ako para mag spread ng intergalactic na napagnanasa. Unahin ka nalang nila, madami ka naman nang nabigyan ng sapatos, very charitable person ka lalo na sa mga matatangkad na lalake” banat ni Enan. “Che! Ikaw ang mauna!” hiyaw ng bading kaya laugh nanaman sa loob ng bahay. “Alam mo maganda ipasok sa show niyo yang mga quotes quotes na gawa niyo. I am sure papatok channel niyo” sabi ni Cristine. “Tulad nung quote tungkol sa parachute, nabasa ko lately kilig siya” sabi ni Jelly. “Nabasa ko din yon pero kalokohan yon. Pwe, sana ako nalang parachute mo, ulol! Ginusto mo pa talaga ma malaglag siya para maging parachute ka. No way! Simula’t sapul di na kailangan ng parachute, sabihin mo nalang ganito” sabi ni Enan sabay tumalikod. “Action!” sigaw ni Greg kaya slow motion lingon si Enan with matching nose swipes at kindat. “Babe, you will suffer one major fall in your life..when you fall for me. After that you ain’t falling from my arms ever” banat ng binata kaya nagtilian ang lahat sa bahay. “Whoooo! More more!” sigaw ni Jelly. Todo lapit si Enan kay Cristine sabay hinaplos konti labi ng dalaga. “Maniniwala ka ba sa akin na kaya ko lagyan ng permanent smile mukha mo?” sabi ng binata. “Pano?” tanong ni Cristine kaya nanlaki ang mga mata niya, lahat napatigil hininga nang super naglapit yung mukha ng dalawa. Kung dumikit konti labi ni Enan sa labi niya tumili ng sobrang lakas si Cristine, tumalikod, tumalon sabay super natawa. “Prweba” banat ni Enan sabay turo sa artista kaya nagtawanan ang lahat pagkat super ngiti si Cristine habang nagtitili parin. Bago makasimangot si Jessica biglang yumakap si Enan mula sa likuran. “Miss, sa buhay wag kang matakot gawin ang gusto mo. Kahit na sabihin nila na ikaw ay baliw. Ako naman ang magiging stray jacket mo sa huli e” banat ni Enan with matching super higpit na yakap kaya hiyaw ng hiyaw si Jessica at sinabayan siya ng pagtitili ni Cristine. “Ivideo niyo yan! Ulitin niyo tapos ilagay niyo sa channel niyo! I am sure tatabo kayo ng views” sigaw ni Arlene sa tuwa. “Really? Gawa gawa ko lang mga yon e” sabi ni Enan. “Hoy natili ako at kinilig ako kahit di kita type. Malaking bagay na yon” sabi ni Jelly. “Done!” sabi ni Greg kaya nagulat ang lahat. “Walanghiya ka! Nagvideo ka talaga?” tanong ni Enan. “I learned from the master, huh, magaling na din ako magpasimple tulad mo. Two videos uploaded, title, Intergalactic Bae moves…wait edit …starring miss Cristine..” sabi ni Greg. “And miss Jessica future beauty queen” dagdag niya. “Oh no, madami nang gagamit ng ganon na lines mamaya. O tama na ang break time, tuloy ang pagpractice ni Ikang” sabi ni Enan. “You know what mas masaya pag laging nandito tong dalawa” sabi ni Jelly. “Uy busy din si Enan” sabi ni Jessica. “Nonsense, basta ibigay niyo ang practice schedules sa akin. Ikang wag ka nang kokontra” sabi ng binata. “Greg send mo link sa messenger” sabi ni Cristine. “Oo nga no, madami siyang fans” sabi ni Greg. “Dali na, yung two videos ha. Sino pang gusto niyo ifeature sa show niyo? Madami akong friends sa showbiz” sabi ng artista. “Yung crush ni Greg!” sigaw ni Enan. “Hoy wag! Pare naman” hiyaw ni Greg kaya naghubalan ulit yung dalawa palabas ng bahay. “Hoy bruha, permanent naman na ata yang ngiti sa mukha mo talaga. At ikaw Jessica, para kang estatwa, wala na stray jacket mo” banat ni Jelly kaya nagtawanan yung dalawang dalaga habang nagkakatitigan. “Swerte ni Mags” banat ni Cristine. “Kaya nga e, kaclose mo din yung boss Del? Tara huntingin natin yung babae na yon” biro ni Jessica. “Jelly kumukha ka ng pala at body bag” utos ni Cristine kaya napahalakhak si Arlene. “Seryoso ako” sabi ni Cristine. “Sako nalang pwede na, tara tara icontact mo na si Mister D para matapos na” hirit ni Jessica sabay biglang nag appear yung dalawang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD