Chapter 21: Torpedoes

3418 Words
Sa entrance ng isang park sa loob ng isang private subdivision nagmamasid sina Enan at Greg. “O ayun siya pare, go na” sabi ni Enan. “Pare pwede ba ikaw nalang magbigay nitong roses?” makaawa ni Greg. “Pare ano ka ba? Mas okay pag ikaw mismo nagbigay sa kanya” sabi ni Enan. “E may mga kasama siya e” sagot ni Greg. “Ang labo mo, sabi mo kagabi samahan kita sa kanila kasi nalaman mo na gagawa sila ng group project sa may park. Tapos sabi mo this is it, o asan na yung matapang na kausap ko kagabi?” tanong ni Enan. “Pare please I beg you, pare please tulungan mo ako ngayon tapos kahit ano hingiin mo” sabi ni Greg. “So gagawin mo ako tulay? Pare delikado yon. Alam mo ba ako yung worst bridge. You want to know why? Kasi sa akin maiinlove si Lea. Pare naman, kahit pa sabihin ko galing kay Greg pero pag nakita na ako mag twinkle twinkle na ang mga mata niya dahil sa taglay kong kamandag” sabi ni Enan. “Akala ko kaibigan kita. Di mo pa ako matulungan ngayon” drama ni Greg. “Kaibigan, nandito naman ako ah. Eto ako o sinamahan kita, ako yung molar support mo” sabi ni Enan. “Moral support” nilinaw ni Greg. “Ogag Molar kasi papakainin mo ako mamaya diba? Masasabak ang mga molars natin kasama na yung ibang ngipin” banat ni Enan. “Hinatayin ko nalang pag mag isa siya” sabi ni Greg. “Pare look, mas mararamdaman niya na totoo ka pag binigay mo yang roses habang kaharap niya classmates niya. Pare alam ko ano kinakatakutan mo, pareho tayo pare” “Oo siguro tatawanan ka, siguro mandidiri yung classmates niya pero si Lea ang focus. Natatakot na mapahiya siya? So pano na pag sinagot ka niya? Di na kayo gagala o lalabas? Pare kung gusto mo siya ipakita mo kahit madaming nakaharap. Wag mo lang ipapakita pag kayo lang. Mas makatotohanan pag lantaran pare” sabi ni Enan. “Sige, so pupunta ako don, ibibigay ko then ano sasabihin ko?” tanong ni Greg. “Pupunta ka don, syempre titignan ka ng lahat. Acknowledge mo yung classmates niya with a smile, make sure tignan mo sila isa isa then nod your head slightly para pag galang pare” “Tapos iharap mo yang roses, humarap ka kay Lea then titigan mo siya ng siguro three seconds. Then iabot mo sa kanya ng maayos, smile at her then that is it. Slowly turn and walk away slowly, pag nakalayo ka konti lumingon ka and smile at her” turo ni Enan kaya napangiti ng husto kaibigan niya. “Uy okay yun ah, pero wala ako sasabihin?” tanong ni Greg. “Pare magic yan, magtetext yan sa iyo at pag nagtext siya wag kang babalik, tawagan mo siya then tell her gusto mo lang ibigay sa kanya yon at ayaw mo maka distorbo sa project nila. Then tell her, if in case you need help text me and I will do everything I can to help” sabi ni Enan. “Astig yun, sige sige pare pakibigay nalang please” sabi ni Greg kaya tinapik ni Enan noo niya. “Lika nga dito” sabi ni Enan sabay tinabi ang kaibigan niya. “Buksan mo pantalon mo” utos ng binata. “Ano? Para ano?” tanong ni Greg. “Titignan ko kung may itlog ka pa. Naiwan mo ata sa bahay o kaya nalusaw habang natutulog ka” banat ni Enan. “Pare naman its so difficult” sabi ni Greg. “Yan nararamdaman mo maganda yan, ibig sabihin gusto mo talaga siya. Listen to me, pag ganyan ka you will lose this opportunity. Ano gusto mo? Mamaya may manligaw na sa kanya, gusto mo yon?” tanong ni Enan. “Hindi” sagot ni Greg. “Then do something” sabi ni Enan kaya kinabog ni Greg dibdib niya sabay umalis. Sumilip si Enan, nakita yung kaibigan niya na papunta sa grupo ni Lea. Ilang metro nalang biglang tumalikod si Greg sabay tumakbong palabik sa entrance. “Pare naman, nandon ka na e” reklamo ni Enan. “Hindi ko kaya, pare yung heart ko ang bilis, yung legs ko ayaw mag cooperate tapos nahirapan ako huminga” sabi ni Greg. Nagtungo sila sa malayo at naupo sa isang bench. “Lumayo ka nga sa akin, baka sabihin ng mga tao ako nagbigay ng roses sa iyo” sabi ni Enan. “Pare wag ka na magalit sa akin please, first time ko talaga makaramdam ng ganito e” sabi ni Greg. “Oo alam ko pero takpan mo nga yang roses o kaya itago mo. Dude, di maganda tignan e” “Pareho tayong lalake tapos ikaw may hawak na ganyan” sabi ni Enan. “Mga ibang higante sa basketball hinaharap ko pero itong babae na mas maliit sa akin takot na takot ako” sabi ni Greg. “Okay lang pare, we can try again next time” sabi ni Enan. “At least accomplishement narin yon diba?” banat ni Greg. Pigil tawa si Enan, tinapik niya balikat ng kaibigan niya sabay nag nod. “Oo pare, at least nakalapit ka” sabi niya. “Nakakatawa lang, okay lang naman pag magkasama kami. Pag nagbabasketball kami pero pag may roses na ako para sa kanya hindi ko na siya malapitan” sabi ni Greg. “Parang may agimat itong mga roses ano? Parang inaalis niya yung lakas ng loob mo” hirit niya kaya natawa na si Enan. “Siguro dapat ibang flowers dala ko, itong roses malakas makasipsip ng powers” banat ni Greg kaya lalong natawa si Enan. Habang nagtatawanan sila may tumapik sa kanilang mga balikat. Sabay lumingon yung mga binata at nagulat sila nang makita nila si Lea. Tumayo si Enan, “Hi Lea” bati niya sabay tumakbo ng sobang bilis palayo sa park. Nung nakalayo siya lumingon siya at nakita niya si Greg na kumakamot sa ulo habang inaabot yung mga rosas sa dalaga. Napangiti si Enan, naglakad na palayo ng tuluyan hanggang sa napatigil siya. Tinignan niya yung kotse ng kaibigan niya sabay nilingon ulit yung park. Nakita niya na nakaupo yung dalawa sa bench kaya nagdesisyon nalang siyang maglakad. Sa may entrance ng subdivision nag antay siya ng masasakyan. Sumilong siya sa shed sabay biglang napaisip. Palakad lakad si Enan, pahaplos haplos siya sa tiyan niya pagkat makakaramdam siya ng kiliti. Inuga niya ulo niya, naglakad ulit sabay kinapa ang kanyang ari. “Di ako si Greg” bigkas niya sabay nang makakita ng taxi agad pinara ito. Dalawang oras lumipas sa front lobby ng condo building ni Cristine tulala yung binata. “Sir nandon siya sa unit niya” sabi ng receptionist kaya napalunok si Enan. “Ah oo, magdadala lang ako ng foods” bigkas niya sabay nagmadaling pumunta sa elevator. Pagbukas ng pintuan hindi makapasok si Enan, natawa siya sabay nagpalakad lakad muna hanggang sa nagkaroon siya ng lakas ng loob. Sa loob ng elevator hindi niya mapindot yung tamang floor ni Cristine kaya para siyang bata na naglaro at pinagpipindot ang lahat ng botones. Pagbukas ng elevator sa floor ni Cristine nanigas si Enan kaya pinagpipindot niya yung close. Huminga siya ng malalim, umakyat yung elevator kaya sa top floor siya bumaba. Nagpalakad lakad sa hallway yung binata, “Tama ka Greg, hindi maganda ang nadudulot ng mga rosas” sabi niya. Tinignan niya yung mga dala niyang rosas, tinatawanan ang sarili sabay naglakas loob pumasok sa elevator. “May itlog ako, dalawa” sabi niya sabay pindot sa floor ni Cristine. Pagbukas ng pintuan agad siya lumabas, “You will not overpower me” sabi niya sa mga rosas. Habang papalapit sa pintuan ni Cristine nahirapan na siya maglakad. Sobrang bagal na siya, patigil tigil ngunit pagdating sa harap ng pintuan ni Cristine nanginginig na talaga siya sa nerbyos. Nipalag niya muna yung supot ng take out food, kamao niyang isa dumikit sa pintuan para kumatok ngunit hindi niya ito magawa. Sumandal nalang sa pintuan si Enan sabay niyuko ang kanyang ulo. Samantala sa loob ng condo biglang nagising si Cristine, tinignan ng dalaga yung relo, muli siya pumikit ngunit bigla siyang naupo at di mapakali. Bumangon na yung dalaga, nagsuot ng pula na rose sabay lumabas ng kwarto. Nagtungo siya sa kusina para kumuha ng baso ng tubig, sinilip niya kwarto ni Jelly ngunit wala yung PA niya doon. Babalik na sana siya sa kwarto niya nang makarinig siya ng sobrang hinang katok sa pintuan. Napatigil yung dalaga, akala niya imahinasyon niya kaya nag anatay siya ng kasunod na katok. Sa labas ng pintuan kakatok ulit sana si Enan ngunit naduwag na siya. Aalis na sana siya nang marinig niya nagbubukas yung mga lock kaya agad agad siyang nanigas. Pagbukas ng pintuan nagkatitigan agad silang dalawa, parehong napangiti at tanging nagawa ni Enan ay iangat yung dala niyang pagkain habang tinatago yung mga rosas sa likuran niya. “Hey” bati ni Cristine, “Hi, sorry if I woke you up. Napadaan kasi ako tapos naalala kita. Lampas one na pero nagbakasali ako na hindi ka pa naglunch” sabi ng binata. “Hindi pa” sagot ni Cristine pabulong sabay lalo niya binuksan yung pintuan. Umatras yung dalaga, pumasok si Enan ngunit nilaglag niya yung rosas sa labas. “Ako na magsasara” sabi ng binata kaya habang sinasara ni Enan yung pintuan si Cristine naman panay ang ayos sa kanyang buhok at punas sa kanyang mga mata baka may mga muta pa siya. “Ang dami mo atang dala” sabi ni Cristine. “Ay bakit wala si Jelly?” tanong ni Enan. “Wala e, akin na ako na maghahanda” sabi ng dalaga. “No, ako na” sabi ni Enan. “Okay, I hope you don’t mind, kasi sakto magfreshen up sana ako e” sabi ng dalaga. “Sure, ako na bahala dito” sabi ni Enan. Pagpasok ni Cristine sa kwarto niya nakahinag ng maluwag si Enan. Di mapakali si Enan sa pagpwesto ng mga plato. Unang posisyon para magkatabi sila ngunit inayos niya at ginawa niya para magkatapat sila. Paglabas ni Cristine ng kwarto napalunok ang binata. “Bakit?” tanong ni Cristine. “Ah..bihira kitang makitang nakatali ng buhok kasi..” sabi ni Enan. “Pangit?” tanong ng dalaga. “Ganda ganda mo nga e, I mean lagi naman pero parang refreshing tignan na nakatali buhok mo” sabi ni Enan. Ngumiti si Cristine, lumapit sabay biglang nilipat yung isang plato para magkatabi sila. Todo alalay si Enan para makaupo ang dalaga, nang maupo narin siya inayos ni Cristine upuan para medyo magdikit sila. “So saan ka galing at napadaan ka?” tanong ni Cristine. “Diyan lang sa tabi tabi, may inasikaso lang konti na permits. Hirap kasi maging Intergalactic Bae, dami permit na kailangan” banat ni Enan kaya natawa si Cristine with matching sandal sa binata. “Anong permits?” hirit ng dalaga. “Well permit to possess undeniable handsome face. Permit to carry total awesomeness. Mostly mga insurance talaga” landi ni Enan kaya walang tigil na natawa si Cristine habang nakasandal sa binata. “So okay na?” lambing ng dalaga. “Oo naman, lahat ng permits meron na at do not worry insured na ako. Hirap kasi bigla nalang may nahihimatay dahil sa kasisigaw, madami nadedehydrate kakahabol sa akin, ang hirap talaga maging ako” banat ni Enan kaya muling napahalakhak si Cristine. “O kain na, habang mainit pa” lambing ng binata. “Just like old times” bulong ni Cristine. Habang ngumunguya napatingin siya kay Enan at nahuli niya itong nakatitig sa kanya. “Ah..eh inaantay kita lumunok kasi gusto ko tikman mo ito. Wala kasi ganito sa plato mo” palusot ng binata habang nilalapit yung fork niya na may pirasong tocino. “Ah oo may taba pero konti lang naman” bulong ni Enan kaya todo titigan sila, bumuka si Cristine sabay kinain yung piraso ng tocino. Nag nod ang dalaga sabay ngumiti, pareho silang napayuko at tila nilalaro ang kanilang pagkain. “Did Jessica tell you we went for a massage?” tanong ni Cristine. “Oo nakwento niya. Salamat pala ha for being nice to her” sabi ni Enan. “No need to thank me, I like her and did she tell you lalabas kami again soon?” tanong ng dalaga. “Hindi naman, karamihan ng kwento niya tungkol sa iyo” “Ang ganda ganda mo daw, ang kinis kinis ng balat. Sorry ha kasi medyo hindi ako nakikinig sa kanya kasi alam ko naman na lahat yon e” sabi ni Enan kaya pigil kilig si Cristine. “Ikaw talaga, oh by the way niyayaya niya ako sumama sa biking niyo pero nahihiya ako e” sabi ni Cristine. “Bakit ka mahihiya? Sama ka para tatlo tayo” sabi ni Enan. “Okay lang ba talaga? Gusto ko din kasi magbiking, well I see a lot of friends posting their biking escapades sa f*******:” kwento ng dalaga. “Pero iba yung amin ha, paikot ikot lang sa sub, parang fitness lang. Siguro oo one time off road din pero not now. Medyo beginner pa si Ikang kasi” sabi ni Enan. “Ako din, I know how to ride a bike pero di ako bihasa” sabi ni Cristine. “Nandon naman ako e, dumating na ba yung bike mo?” tanong ni Enan. “Nandyan na” bulong ng dalaga. “O yun naman pala e, pwede ko na siya kunin then iwan ko kina Ikang. Then pag biking day sunduin kita dito para sabay tayo pumunta don sa kanila” “Alam ko busy ka so anytime gusto mo magbike sabihin mo lang” sabi ni Enan. “Okay, ey, naiilang na ako kanina mo pa ako tinitignan” sabi ni Cristine. “Sabi ko nga di ako sanay nakikita kang ganyan” sagot ng binata. “Sanayin mo” bulong ni Cristine sabay niyuko ang kanyang ulo at tinitigan ang kanyang pagkain. “Balak ko nga” sagot ni Enan kaya pagtingin ng dalaga nakayuko na ang binata. Pareho silang napangiti, habang ngumunguya nagtitigan sila. “Alam mo naninibago din ako, kasi lagi ko kasabay si Jelly kumakain lalo na dito sa condo” sabi ng dalaga. “Kung namimiss mo siya pwede naman ako mag kunwari na Jelly” banat ni Enan. “Wag, like I said just like old times”e sabi ng dalaga. “Siya nga pala bakit di pa showing yung movie mo?” tanong ni Enan. “Hay naku, yung co actor kong bago kasi. Si Belinda, gusto niya same billing kami, di naman ako nagreact, ang nagreact yung ibang staff” “Sabi ni Belinda yung alaga daw niya ang next big thing so dapat lang same billing” sabi ni Cristine. “Ah sorry Tiny, ano yung billing?” tanong ni Enan. “Ah, yung pangalan. Gusto niya same size ng names sa billboards and posters. Dapat nga sa huli siya at maliit lang with tag introducing, pero gusto niya sa unahan daw” “I really don’t care actually, ang nagreact lang naman yung ibang co actors and co actresses na matagal na sa industrya” sabi ng dalaga. “Tiny, kung yun lang naman ibigay mo na billing spot mo. Tiny will always be Tiny, kahit na maliit pa name mo don or nasa huli” lambing ng binata. “Sige sabihin ko” sagot ng dalaga. “Di mo naman kailangan yang billing billing na yan. Nandon naman na face mo sa poster siguro so sapat na yon. Pag nakita naman ng mga tao yon, ay si Tiny, habang siya unknown so ayon siguro kailangan pa nila basahin name niya” sabi ni Enan. “Isa pa ang kulit ng taong yon, he does not know the meaning of no ata” sumbong ng dalaga. “Umayos ayos siya pag ako siya” bulong ni Enan kaya napangiti si Cristine. “I did something bad” bulong ng dalaga. “What?” tanong ni Enan. “That guy gave me a stuffed toy, ang laki na panda. Ang ginawa ko nung pauwi na kami, pinatigil ko yung car, pinamigay ko yung panda sa street kid tapos nagselfie kami” kwento ng dalaga kaya natawa si Enan. “Aray, did you post it?” tanong ni Enan. “Jelly did” sabi ni Cristine. “Well binigay niya sa iyo, so sa iyo yon kaya may karapatan ka gawin ano gusto mo don” sabi ni Enan. “Nagtext siya actually asking why I did that. Sabi niya I gave the stuff toy to you so when you need a hug you can hug it and remember me. Kapal niya diba?” sabi ng dalaga. “Tiny pagpasensyahan mo na, I am sure lahat naman ng nahuhumaling sa iyo magiging ganon kadesperate” sabi ni Enan sabay humarap sa dalaga. “I mean look at you, sino ba naman hindi magkakagusto sa iyo. Ang ayaw ko lang siguro e bago sila maulol na ganon sana naman kilalanin ka muna nila” “Sana naman malaman nila na there is more inside compared to what they see. I was lucky to maybe to see what you have inside kaya medyo nagrereact ako ng ganito. Malas nila, pero Tiny kung gusto mo samahan kita mag apply ng permit at insurance. Insurance panlaban sa lahat ng mababaliw sa iyo” “Tulad niya, malapit na siya makulong sa mental. Kailangan insured ka” banat ni Enan kaya super namula ang dalaga sabay nagbungisngis. “Ikaw talaga…” sabi ng dalaga sabay napatigil nang haplusin ng binata pisngi niya. “Naawa na ako sa kanya, nararamdaman ko yung nararamdaman niya” bulong ng binata. “What do you mean?” tanong ni Cristine. “Ah..syempre ang turo sa akin ng parents ko be happy with what you have. Pero wag mo ipagmayabang, isipin mo din yung less fortunate. I spent time with you, I got to know you, eto nga ako o kasama kang kumakain, blessing na ito” “So iniisip ko yung guy na yon, ganon lang yon. Tapos may no pa siya, so that means he will never experience this blessings that I have. Kaya di ako maka react sa kanya talaga Tiny. Siguro if I see that guy all I can do is…” sabi ni Enan. Biglang dumilat ang binata kaya napahalakhak ng husto ang dalaga. Inulit ni Enan yung sobrang landing pagdila na tila nang iinggit kaya halos mabaliw na si Cristine. “Loko loko ka, ang galing ng drama mo tapos didilatan mo din lang pala” sabi niya. “Sorry naman, I am lost for words and proper emotions to console him. Pwede naman ganito” sabi ni Enan sabay nag super maamo at naawang facial expression siya. Ilang saglit mala slow motion niya nilabas dila niya kaya umariba sa tawa ang dalaga at nasemi hug ang binata. “Tiny” bigkas ni Enan kaya nagtitigan sila. “Minsan ang mga suitors nakakaramdam din naman sila. Did you ever need a hug? Do you need a hug? If you ever need a hug just to let things out…Arstistahin Bear is always here” bulong ng binata. Ngumit ang dalaga, niyuko ang ulo niya at sumandal noo niya sa balikat ng binata. Lumapit si Enan at niyakap ang dalaga kaya napayakap narin si Cristine sa kanya. “Just like old times” bulong ni Cristine. “No Tiny, iba na to” “Intergalactic hug na ito. Yakap na mula sa nagsanib sanib pwersa mula sa iba’t ibang mga planeta at bitwin” sabi ni Enan kaya super bungisngis ang dalaga. Nagbulong si Enan, “Ano? Di ko naintindihan” sabi ni Cristine. “Intergalactic nga kaya alien language narin, umoo ka nalang” banat ni Enan. Pumikit si Cristine sabay hinigpitan yakap niya kaya hinaplos ni Enan likuran ng dalaga. “Lumevel up man ako, ako parin yung tao na binigyan mo ng nickname na labs” bulong ni Enan ngunit hindi parin ito naintindihan ng dalaga. “Just say yes” bulong ni Enan. “Yes”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD