Pagbukas ng pinto ng condo nagulat si Chelsea nang bilang bumeso si Enan. “Chelsea, good day” bati ng binata kaya bungisngis si Sally. “Naka drugs ka ba?” tanong ni Chelsea na umtras. “Oh come on Chelsea, oh by the way this is my beautiful…hmmm…image consultant, Sally. Sally this is my photographer Chelsea” pakilala ni Enan.
“Hello” bigkas ni Chelsea sa sobrang among boses sabay inabot kamay niya. “Hi” sagot ni Sally sabay nagkamayan sila. Humawak si Enan sa mga kamay nila saka pinaghiwalay ang mga ito. “Come on girls, you both know that my time is precious. We should begin capturing my magnificent images right away while I am fresh. Actually it does not matter, kahit na haggard ako I still look good” sabi ni Enan na basta nalang pumasok.
“Nakainom ba siya?” bulong ni Chelsea kaya natawa si Sally. “In character lang” sagot niya. “Oh wow Chelsea…wow! Salina tignan mo!” sigaw ni Enan habang pinagmamasdan yung mga blown up na mga larawan na nakaframe at nakadikit sa bawat wall ng unit ni Chelsea.
“Oh wow” bigkas ni Sally kaya lumapit si Chelsea at ngumiti. “Sayang wala na dito yung mga magaganda talaga, nabili na sila e” sabi niya. “So binebenta mo mga ito?” tanong ni Enan. “Oo pag may interested” sagot ng dalaga. “Magkano naman ang mga ganyan?” tanong ni Sally.
“Well if gusto nila sa kanila lang yung image na yon then mahal siya, pero pag copy lang then its way cheaper” sabi ng dalaga. “So pano mo malalaman pag yung isang kuha mo e may bibili na gusto niya siya lang may copy?” tanong ni Enan.
“Well, nung una grabe sige benta ako then later hinayang kasi meron yung lalapit at gusto niya siya lang may kopya non. E hindi ko na mabenta kasi nakabenta na ako ng copies. So ang ginawa ko now is pag may bago ako dinidisplay ko siya sa website ko. Mahirap din kasi talaga kasi meron yung mag gusto lang magka copy, syempre if I wanna earn bigger then antayin ko yung isang tao na mag aalok”
“Sugal din e, if I wait then wala pala sayang yung mga may gustong kumuha ng copies nung una. Swerte if interested pa yung iba” sabi ni Chelsea. “Pano ka nagstart sa ganito?” tanong ni Enan. “f*******:” sabi ni Chelsea. “Seryoso ka? So nagpost ka doon then may gustong bumili?” tanong ni Sally.
“Well dati ang saya ko na sa mga likes, one day may nag message asking if binebenta ko. Hala wala akong alam pero makulit siya so ayun I sold my first image and I was very happy. Then yung isang image ko sumikat, nasali sa isang site ng beautiful photographs, doon na talaga naengganyo na gawing career ito. Hobby ko lang talaga itong photography dati” sabi ng dalaga.
“Wow, do not worry Chelsea, you can take my photograph, sisigla itong condo mo pag napuno ito ng mga artistic images ng Intergalactic Bae. Pero syempre at risk itong condo mo pagkat madaming nagnanasa sa akin ang susubok nakawin ang aking mga imahe” banat ni Enan kaya super bungisngis si Sally habang si Chelsea napahaplos nalang sa noo.
Sa loob ng isang kwarto napatigil si Enan, may tatlong camera na naka set up at tutok sa isang white wall. “Okay we can start in five minutes, tatapusin ko lang set up ko” sabi ni Chelsea. “Bakit tatlo yung camera?” tanong ni Sally. “Salina, kulang pa nga yan e, kasi pag tayo ko sa gitna, bawat angulo ko worth taking. Sad lang kasi tatalo, alam mo para sa tulad ko mga isang daan na camera” banat ni Enan.
“Well may tama sinabi niya” sabi ni Chelsea. “See Salina, alam na alam ko ito. I was born for this” sabi ni Enan. “Ewan ko kung nakainom ka o naka drugs ka pero sana mamaintain mo yang angas mo hanggang huli para di tayo mahirapan” sabi ni Chelsea. “Oh I am just warming up” landi ni Enan.
Ilang minuto lumipas sumalang na si Enan, “Sally ah..” bigkas ni Chelsea. “Sure, just tell me what to do” sabi ng dalaga. “Ayun salamat ha, okay Enan, I want you to relax, be comfortable, we are going to take casual shots” sabi ni Chelsea. Inayos ng binata sarili niya, biglang nagflash yung mga camera kaya nagulat yung binata.
“Teka di pa ako ready” reklamo niya. “That is the point, I want the raw Enan” sabi ni Chelsea. “Sabi mo sanay ka, e bakit ka gulat?” banat ni Sally. “Hoy Salina pagdating sa rampa o ganito sanay ako, kanina I was on private mode. Hala sige ngayon kunan mo ako Chelsea, kunan mo ang Intergalactic bae” banat ni Enan. “I said natural, raw, walang acting muna” sabi ng dalaga.
Limang minuto ang lumipas naupo muna si Enan, “Okay, now become that bae bae, pero ano kaya magandang unang suot niya?” tanong ni Chelsea. “This one, long sleeves polo, I had him bring two, one loose then one fitted a bit, I also brought a make up kit” sabi ni Sally.
“No make up, kailangan natin siya ipakita raw and untouched. We are going to showcase his physique. Let’s go with the tight one first” sabi ni Chelsea kaya nagpalit si Enan saka sumalang sa gitna ng set. “Enan focus on the center camera” sabi ni Chelsea sabay lumipat siya doon sa camera na naka focus sa left side ng binata.
“Sally come here, ito ang strong side ni Enan” sabi ni Chelsea. “Ay oo nga no, ngayon ko lang narealize ito” sabi ni Sally. “Anong strong side?” tanong ng binata. “From this side gwapo ka” sabi ni Chelsea. “Really?” tanong ng binata.
“Sabi ko focus sa center camera!” sigaw ni Chelsea. “Oo Enan, tama siya ata…wait” sabi ni Sally sabay lumipat sa camera naka focus sa right side ng binata. “O ano?” tanong ni Chelsea. “Oo mas gwapo siya diyan” sabi ni Sally.
“So ano pag may kikilalanin ako dapat side view ako konti? Hi I am Enan, sorry may stiff neck ako at stiff body so pasensya na kung ganito ako” biro ng binata kaya nagtawanan yung mga babae. “Hay naku, don’t you even notice why some girls do the same pose on all their photos? Pag alam nila ano side nila pinakamaganda ganon lagi pose nila” sabi ni Chelsea.
“Ay oo nga, madami akong kilalang ganon” sabi ni Sally. “Baka nahuli lang mag evolve yung right side ko, kaya naman pala pangit ako kasi not balanced pero this is good news. Pag pumantay right side ko huh, humanda kayong lahat!” banat ni Enan. “Teka, kanina saksakan ka ng gwapo tapos ngayon ganyan ulit, sabi mo bae bae mode diba” reklamo ni Chelsea.
“Fine” sabi ni Enan sabay nagserious pose siya. “Nice, hold that pose” sabi ni Chelsea sabay pindot sa remote at sabay kumuha yung tatlong camera. “Now give your best serious look, tiger look” sabi ni Chelsea. Tinaas ni Enan konti isang kilay niya, biglang natili si Sally.
“I am actually impressed you know how to pose” sabi ni Chelsea. “I told you I was born for this” sagot ni Enan. “Now hands on hips, expose your chest, flaunt it but not too much” sabi ng dalaga. “Ah Enan, konting bangis pa” sabi ni Sally. Taas noo konti yung binata sabay karga ng konting angas, “Perfect!” sigaw ni Chelsea.
“Open your arms a bit just like saying here I am, this is me” sabi ni Chelsea. “Enan konting tilt ng head to the right, lips closed too” sabi ni Sally kaya napatingin sa kanya si Chelsea. “Oh sorry sorry nakikialam ako” sabi ni Sally. “No, actually tama ka, do what she said it’s a good pose for you” sabi ni Chelsea.
“Hey, para di ka mahirapan I got this” sabi ni Enan. “Sige nga, show me what you got then” hamon ni Chelsea. “Just keep clicking” sabi ng binata sabay binuksan polo niya hanggang tiyan. Parang nag strip tease si Enan, mala slow motion tinanggal polo niya sabay astang siga na hinagis ito parahap papunta sa camera.
Pumalakpak bigla si Chelsea habang si Sally natili at napahalakhak. “Ulitin mo yung bato! Ulitin mo, I was not ready for that. Wait iset ko yung camera sa burst” sabi ni Chelsea kaya inulit ni Enan yung pagbato ng polo niya. “Oh damn! This is a good take” sabi ng dalaga. “Huh, you aint seen nothing yet” sabi ni Enan.
Sinuot niya yung loose na polo, di na niya ito sinara. First pose sandal sa wall, exposed left chest niya at yung titig niya sobrang siga. “Give me something sexy” sabi ni Chelsea. “Ano yan insulto? Hindi ba sexy na ako kahit balot, eto exposed na balat orgasmic na dapat ito ha” banat ni Enan kaya napahiyaw si Sally habang si Chelsea napataas ang mga kilay.
“Okay okay, give me second, I will become a reproductive organ” biro ni Enan. “Whoooo” hiyaw ni Sally habang si Chelsea napapangiti nang sumandal si Enan, look up with exposed chest. Biglang tingin diretso ang binata na tila susunggab kaya umatras si Sally at natili ng husto.
Suksok thumbs sa front pants at hinihila kunari pababa yung pantalon, “Nasira ata aircon” sabi ni Sally sabay pinaypayan na sarili niya. Tanggal polo si Enan, inusli right arm, hawak niya yung polo, tiger look siya sa center camera sabay bitaw sa polo.
Slow motion humakbang palapit sa center camera, tinaas ang mga kamay sabay humawak sa likod ng kanyang ulo. Sunod sunod na kuha ng camera, umatras si Enan, tumalikod at nilagay ang mga kamay sa baywang niya.
Mala slow motion na head turn, lumapit sa wall sabay tinaas ang mga kamay at humawak. “Good” sigaw ni Chelsea pagkat nafocus yung magandang hubog ng likuran ng binata. Humarap ulit si Enan, mala oblation pose siya kaya pumalakpak si Chelsea. Limang minuto lumipas napagod ang binata kaya nag break sila.
“Okay lang ba na pawis na pawis siya kanina?” tanong ni Sally. “Yeah, natural na natural ang dating. Sige lets take a break at mamaya yung formal attire. May snacks sa kitchen, help yourselves at icheck ko yung mga kuha” sabi ni Chelsea.
“Wait, Chelsea yung mga naka display…kaya mo ako gawan din ng ganon?” tanong ni Enan. “Oo, may idea ako actually” sabi ng dalaga. “Pwede mo ba ako gawan? Bigyan mo lang ako ng copy masaya na ako tapos bahala ka na kung may bibili man” sabi ni Enan.
“Actually some of my images hati kami ng model” sabi ni Chelsea. “Wala ako pakialam sa kita, basta gusto ko kunan mo ako, yung good side ko, parang remembrance ko lang. Kung may mag interes its all yours” sabi ng binata.
“We can do that pero baka magconflict kasi. Di ko alam yung mga rules and reguations ng papasukan mo. Mahirap na baka ma technical ka pa kasi” sabi ng dalaga. “Magkano ba kung magpapakuha ako?” tanong ng binata.
“Silly, kukunan kita pero yung image private. Yours only but I will keep one, syempre baka sumikat ka kaya ahem, dito naganap yung magic” sabi ni Chelsea. “Oo ba, sugar coat ka lang, kasi hindi mabebenta ano?” sabi ng binata.
“Hoy! Kung yung mga pose mo katulad ng kanina bibili ako. Just being honest” sabi ni Sally. “Ayan, turuan mo nga yan. Masyado siyang negative. Grabe alam mo yung mga walang wala itsura mas matindi ang confidence. Eto ewan ko ba, okay naman siya e pero ganyan” sabi ni Chelsea.
“Sorry, forget it nalang. How about a drink?” tanong ni Enan kaya lahat sila nagtungo sa kusina. “Magkano ang place ganito?” tanong ni Sally. Ngumiti lang si Chelsea kaya naupo si Enan at inubos laman ng bote ng juice.”Let me guess, lahat ng kita mo sa photos at gigs, ito na yon ano?” tanong ng binata.
“Well, aaminin ko may mali ako noon. Nung medyo sumikat nangarap ako ng agad ng mataas. Muntikan nang nawala ito sa akin. There was a time na walang wala akong kita, kinabahan ako kasi di ko na alam saan ko kukunin pambayad ko dito at sa kotse ko” kwento ng dalaga.
“Pero this place is yours now ano?” tanong ni Sally. “Yes, I am happy to say its mine. Fully paid siya pero yung kotse ko, konti pa. Kaya Enan I am so sorry if strikto ako sa iyo, I was like you before, yung naïve din, di ko naman sinasabi na nandon na ako pero hey siguro naman yung naabot ko na ganito will make you listen to me now” sabi ng dalaga.
“Yup, so let me guess, yung isang image siguro umaabot ng fifty thousand?” tanong ng binata. “You can say that” sabi ni Chelsea. “Are you serious?” tanong ni Sally. “Kung painting nga aabot ganon din, pag sikat aabot milyon pesos e. Yung most expensive ko was the nude girl by the stairway”
“Someone bought the original for five hundred thousand” sabi ni Chelsea. “Holy…e ikaw yon e!” sigaw ni Enan kaya natawa si Chelsea. Tumakbo si Sally papunta sa salas, “Oh my God, ikaw nga pala ito” sigaw niya. “Hahaha grabe si Enan palang nakahula ng tama” sabi ni Chelsea.
“Grabe ang ganda ng pagkakuha, e kung ikaw yung model sino yung kumuha?” tanong ni Sally. “Remote, nandon ako sa bahay ng parents ko, wala sila and as I was watching TV nagustuhan ko yung shadows na ginagawa ng stairway. So I did something crazy, sinet up ko cam ko then naghubad ako”
“Ang tagal bago ko nakuha yung tamang shot, I wanted to make sure my front was covered by the shadows. Sabi ko akin lang yung shot na yon, when I got this place, that was when I framed it. One time may bumisitang client, nakita niya and he fell in love with it. Of course di ko sinabi ako yon”
“Ayun, sa totoo yun ang sumalba sa akin talaga. Yung pera, binayad ko agad for this place. Funny ano? Ako din pala makakasolve ng problem ko. That crazy stunt of mine actually saved me” kwento ni Chelsea.
“Ang ganda ng kuha, parang its teasing, parang gusto ko mag x-ray vision sa shadow para lang makita yung boobs and…grabe ang ganda” sabi ni Sally. “Nakita nga ng parents ko yan, thank God di nila ako namukhaan, well I made sure din kasi sa pose ko di ako marecognize. Si Enan palang nakahula” sabi ni Chelsea.
“Pano mo nalaman na siya?” tanong ni Sally. “Kanina nung tinititigan koi to parang naiilang siya sa akin, at first look pag hindi mo alam sino yung model wala ka talaga maiisip. Pero pag may idea ka na sino yung model ayun lilinaw konti” sabi ni Enan kaya tumawa si Chelsea.
“Hey Enan, you want lets take your art shot now? May idea talaga ako para sa iyo” sabi ni Chelsea. “Oo ba, iframe mo din dito ha. Pero bigyan mo ako dapat kopya” sabi ng binata. “Oo naman” sabi ng dalaga.
Ilang minuto lumipas sa set sumigaw na parang babae si Enan at napatalon pagkat surprise siyang binuhusan ni Sally ng malamig na tubig. “Salina! Ano nakain mo?” sigaw ng binata. “Hahaha sorry, utos niya e” sagot ng dalaga. “Sorry element of surprise nga e, don’t worry nakuha yung gusto kong expression na maipalabas from you” sabi ni Chelsea.
“So yon na yon?” tanong ni Enan. “Nope, kasama sa portfolio mo yung shot na yon, yung next yung art shot mo” sabi ni Chelsea. “Siraulo ka din, dapat may warning naman” sabi ng binata. “If may warning you will expect it, gusto ko natural reaction. So now take off your pants and wear the towel” sabi ni Chelsea. “Are you kidding me?” tanong ng binata. “No, I don’t mind getting the floor wet, ikaw din lang naman maglilinis mamaya. So ano gusto mo tong art shot o hindi?” tanong ng dalaga sabay pinatay yung mga mga ilaw sa kwarto.
Sinara naman ni Sally lahat ng kurtina kaya kinabahan si Enan. “Hoy kayong dalawa, be professionals. Alam ko kanaisnais ako pero self control naman kayo” biro niya. “Gusto mo o ayaw mo?” tanong ni Chelsea. “Gusto” sabi ni Enan. “Do it” sabi ng dalaga.
Sampung minuto ang lumipas nailang si Enan. Sobrang baba yung twalya kaya napakamot siya. “Ikaw ang maging professional, stand still. Sally pasok” sabi ni Chelsea. “Hoy! Ano yan?” Bakit yan?” tanong ng binata nang makita niya si Sally kinakadkad yung five gallons na tubig.
“Sorry wala ako timba dito, sa banyo sana tayo pero hindi pwede mag set up doon. Sally get him wet, really wet” utos ni Chelsea. “Alam mo yang artistis na utak mo may sira din e, shadows nalang, di ko alam ang syokoy pose” banat ni Enan kaya laugh trip sila.
Isang oras lumipas habang nagmemeryenda sina Enan at Sally sa kusina biglang pumasok si Chelsea, “tapos ko na, you wanna see it?” tanong ng dalaga. “Patingin nga” sabi ni Sally kaya naupo yung dalaga at pinakita laptop niya.
“Enan! Oh my God!” sigaw ni Sally sa tuwa. Speechless si Enan, titig lang siya sa laptop kaya siniko siya ni Chelsea. “Uy hala bakit ka naiiyak?” tanong ni Sally. Nagpunas ng luha si Enan sabay inuga ulo niya, “Uy hala bakit buddy?” lambing ni Sally.
“Tsk, ano ba yan? Ang gwapo ko diyan e” sabi ng binata kaya nagtawanan yung dalawang dalaga. Biglang niyakap ni Enan si Chelsea at talagang napaiyak siya kaya nagulat yung mga dalaga.
“Uy stop it, wala naman ako ginawang magic, ikaw kaya yan” sabi ni Chelsea. “Tsk, para akong artista talaga diyan, grabe gugunaw na talaga mundo pag pinalabas yan sa mga exhibits e. Naiinlove ako sa sarili ko bigla” banat ni Enan.
“Intergalactic bae? Ayan na yon” sabi ni Chelsea, “yeah I cannot agree more. Artistahin na artistahin” sabi ni Sally. Tinitigan ni Enan yung laptop, namangha siya sa ganda ng kuha ng kanyang larawan.
Wet look, basang basa siya at dumadaloy pa talaga ang tubig sa kanyang mukha at katawan. Malapitan yungkuha kaya kuhang kuha mula ulo niya pababa at parangnakahubad siya talaga pagkat hindi nakikita yung twalya.
“The water are all the tears you have shed, but this photo is you coming out and showing everyone who you really are. Sarado ang mga mata mo para may emotional side din, parang you will never know if I am shedding tears or not but here I am, this is me, this is me” paliwanag ni Chelsea.
“Ganda ng kuha, sobrang ganda ng lighting, sakto lang to make the flowing water stand out. Sakto yung black and white, very well flaunted yung strong side ng face mo at nice body mo” sabi ni Sally.
Ngumiti si Enan sabay hinaplos yung screen.
“Artistahin”