Sa loob ng auditorium may auditon na nagaganap, sina Enan, Clarisse at Greg nasa audience area para suportahan si Violet. “Ayan na siya tol” bulong ni Greg kaya napatingin yung dalawang binata sa gilid ng auditorium. “Sabi ko na nga ba e, you two are just like the rest of the guys here” sabi ni Clarisse.
“Hello, we are here to support Violet” sabi ni Enan. “Yeah right, you two just came here to look at Mary Grace” sabi ng dalaga. “Hindi totoo yan, sinong Mary Grace?” sabi ni Greg. “Ayun the prettiest member of the acting guild” sabi ni Clarisse.
“Clarisse, oo tama ka, we are also here to look at our crush. Oo crush namin ni Greg yan matagal na” sabi ni Enan. “Fine, girl crush ko din siya sa totoo” sabi ni Clarisse. “Ano daw?” tanong ni Greg. “Girl crush daw, meaning may girl crush si Clarisse sa kanya pero si Clarisse babae parin” sabi ni Enan.
“Right, hindi ibig sabihin tawid bakod na ako. I just find her very pretty, napaka elegant, kung lalake man ako siya yung liligawan ko” sabi ng dalaga. “Bakit pag babae nag oopen up ng ganyan okay lang? Pero pag tayo iisipin agad nila na alam mo na” sabi ni Greg.
“Greg are you trying to say you have a man crush on me?” landi ni Enan. “Ogag, basta, meron times minsan pag kunwari nanonood ako ng movies tapos may gwapong lalake, humahanga ako, its more of inggit pero parang ganon narin diba?” sabi ni Greg.
“There is nothing to be ashamed of when you admit to things like that” sabi ni Clarisse. “Uy si Violet na” sabi ni Enan. Sumalang sa stage si Violet para sumayaw kaya yung tatlo palipat lipat ang tingin mula sa kanilang kaibigan at mga judges. “Nag nod sila, nag nod sila” bulong ni Greg. “Oh my God, please please Violet wag kang magkakamali” dagdag ni Clarisse.
Nung malapit na matapos yung sayaw binomba nung tatlo mga kamao nila pagkat panay nod ng mag hurado. Pumalakpak pa yung mga hurado kaya nagpigil yung tatlo sa pagwawala ngunit panay bigay nila ng thumbs up sign kay Violet.
“Yes, may rason na tayo laging manood ng mga play” banat ni Greg. “Ah ganon pala, para makita si Mary Grace” sabi ni Clarisse. “Multi purpose, support Vi at syempre masilayan si crush. Yun lang naman e, para lang masilayan, happy na kami ni Greg don” sabi ni Enan.
“Baka maconvert ako” biro ni Clarisse kaya laugh trip silang tatlo. Tumayo yung isang hurado sabay napatingin sa crowd. “We are still lacking some actors, maybe some of you here would like to try out. Nothing to lose, malay niyo may hidden talent pala kayo” sabi niya.
“Greg ikaw, try mo. Hidden talent daw e. Kasi pag ako lantaran naman yan e. Hindi hidden sa akin, my talent is inborn, ano tawag don? Innate?” landi ni Enan. “You two, would you like to try out?” tanong ng hurado. Napalingon yung isa pang hurado sabay napatawa ng malakas.
“Tangi..” bigkas ni Clarisse sa inis ngunit hinawakan ni Enan braso ng dalaga. “Madami na tayo taga bukas ng kurtina” sabi nung huradong isa. Tumayo si Enan at nilapitan yung huradong mapanglait. “Sometimes in order to make people like you shut up is to prove them wrong” sabi ng binata.
“Oh, so do you know who you are talking to?” tanong ng hurado. “Does it matter if I know you are not? Does being whoever you are give you the right to judge others? Does that right come as a bonus to where you are right now?” banat ni Enan kaya napatayo yung hurado at nakipagtitigan sa binata.
“You have no right to speak to me that way mister, you are only a student here” sabi ng hurado. Lalong lumapit si Enan, seryoso ang titig niya kaya kinabahan na yung mga manonood at ibang hurado.
“You may compare me in terms of achievement, yes you may have achieved a lot but that does not give you the right to look down at others. I breathe the air you breath, I walk on the ground you walk on. You may think you are walking on clouds but that is just your ego making you feel that way”
“Its just a pity, you were not blessed with eyes that see beyong the physical aspects of a person. Your eyes as normal as mine, what you see is the same image I see when I look at myself through the mirror…that does not give you the right to judge me for the mirror cannot tell who I really am”
“The mirror cannot say what I can or cannot do. What makes you think you can do what the mirror cannot? Your achievements mean nothing if you lost your humanity along the way. If you cannot respect me then I will not respect you but you are older, way older…sir” banat ni Enan.
Nanginig yung hurado at napaatras kaya umentrada yung isang matandang babaeng hurado. “Will you give this young man a script, will someone from the guild act with him on stage” sabi niya kaya lahat nagulat.
Walang kumibo kaya tumayo yung matandang babae at hinawakan braso ni Enan at dinala siya sa harapan. “You young miss will you act with him?” sabi niya kaya lumapit si Mary Grace. “Holy cow” bigkas ni Greg, “Oh my God what is happening?” tanong ni Clarisse.
“Ah madam its okay, I can just leave” sabi ni Enan. “No, if you want people like him to shut up then do as I tell you” sabi ng matanda. “I will help you” sabi ni Mary Grace kaya napalunok si Enan. “What stage plays have you watched?” tanong ng matanda. Inuga ni Enan ulo niya kaya napaisip yung matanda.
“Beauty and the Beast..ah ah no offense” sabi ni Mary Grace. “Non taken” sabi ni Enan. “So you know that play?” tanong ng matanda. “No” bulong ni Enan. “Adlib, adlib tayo, basta sundan mo lead ko” sabi ng dalaga. “Okay, you two go talk, I will give you two minutes then I want to see you two on the stage right away” sabi ng matanda.
Bumalik sa pwesto yung matandang hurado, “Are you kidding me Celeste?” tanong nung mayabang na hurado. “Oh this is not his audtion for your school, he is going to audition for me” sagot ng matanda kaya nagulat sina Greg at Clarisse.
“Ano daw? Sino ba siya?” bulong ni Greg. “I have no idea” sagot ni Clarisse. Sumalang sa stage sina Enan at Mary Grace kaya tinaas ng matandang babae kamay niya para tumahimik na ang lahat.
Nakatalikod si Enan, si Mary nasa likuran niya at hinahaplos ang kanyang likuran. “Enan kausapin mo ako, anong nangyari?” tanong ng dalaga. “Mary, hindi na. Please lumayo ka na. I am sorry, I am so sorry” bigkas ni Enan. “Bakit ka nagkakaganyan? Nawala lang ako ng dalawang araw ganyan ka na” sabi ni Mary.
“Mary sinundan kita” sabi ng binata sabay tumingala at pinikit niya ang kanyang mga mata. “But you said you cannot leave this place?” tanong ng dalaga. “I could but not all people are like you. Everytime I leave this place I just get hurt, they look me at me as a monster”
“But I had to follow you, I had to make sure you were safe. There I saw how happy you were with your friends” sabi ni Enan. “But I am happy with you, I am happy being with you” sabi ni Mary.
Dahan dahan humarap si Enan sabay niyuko ang kanyang ulo. “You belong to be out there. You deserve to be free” sabi ni Enan. “What happened? Is this jealousy speaking? I am not seeing anyone else, they are just my friends. You told me you followed me so you saw everything”
“You saw that after we partied I came back here right away. I came back to you Enan” sabi ng dalaga. Tinignan ni Enan yung dalaga sabay hinaplos pisngi nito. “Mary I saw how happy you were out there, out in the world where you truly belong”
“Napakahirap sabihin nito ngunit makinig ka sa akin. Itong mundo ko ay maliit lamang, tayo lang ang nandito. Maaring pagdating ng panahon mahihibang ka na at pangarapin mong bumalik sa iyong tunay na mundo. Nanaisin kong sumama ngunit ang pagsama ko ay magdudulot lamang ng madaming problema para sa iyo”
“Mary, ako’y nagpapasalamat sa iyo. Kahit sandali natutunan ko magmahal, naramdaman ko pano ang magmahal at pano din mahalin ng isang tulad mo. Maraming salamat sa pagtanggap mo sa akin, labis akong natutuwa pagkat meron katulad mo na may kakayahan na tignan ako gamit ang kanyang puso at hindi ang mga mata”
“Mary go” sabi ni Enan sabay tumalikod. “Are you breaking up with me?” tanong ng dalaga sabay napaluhod. “Umalis ka na dito Mary, maging malaya ka. I will love you forever, you will always remain here inside my heart. Go Mary, go back to where you belong…I just have one request”
“If you could just smile everyday…so just in case I come to take a peak to check on you I may be able to see your smile…” bigkas ni Enan sabay yuko ng ulo. Tumayo yung matandang hurado sabay pumalakpak ng sobrang lakas. Si Clarisse nagpunas ng luha, tumayo din kasama ng ibang manood at pumalakpak.
Pilyong Greg tumayo sa likuran ng mayabang humado, binangga pa upuan nito kaya lumingon yung matanda. Tinitigan siya ni Greg, ang binata pumalakpak ng sobrang lakas kaya humarap yung hurado at nanliit sa hiya at takot.
Paalis na ng stage si Enan ang hilain siya ni Mary. Nagulat yung binata nang humarap sila sa crowd, nag bow yung dalaga kaya si Enan napangiti at napakamot na nagbow narin. Pag exit nila ng stage tinapik ni Mary si Enan. “Mali mali tayo don, grabe napaka intense mo” sabi ng dalaga.
“Ha? Ako? Di ko nga alam anong pinagsasabi ko e” sabi ng binata. “Uy grabe kayo ha, parang real, pwede gamitin yung mga linya niyo” sabi ng isang estudyante. “Sabi ko ako magdadala pero siya nagdala e” sabi ni Mary. “Ah..e sabi mo be spontaneous e, sorry” sagot ni Enan.
Samatala sa judges area tinungo ng isang hurado ulo niya, “Yeah I think I can give him a chance” sabi niya. “No, like I said that was an audition for me so he is mine. Sorry your friend here wasted the chance to get him, he is mine” sabi ni Celeste.
Tumayo yung matandang babae at nagtungo sa back stage. Nung makita niya si Enan tinawag niya ito at naglakad sila sa labas. “May potential ka, if you are interested call me. Here is my card, call me anytime” sabi ng matanda.
“Ah madam, e pasensya na po pero yung nangyari po kanina mali ko yon. Medyo allergic na kasi ako sa taong ganon kaya di ko na po alam, nagsnap na po ata talaga ako” sabi ng binata. “I don’t care about what happened, I am interested at your skills. Like I said may potential ka, wag mo sasayangin”
“Kaya pag isipan mo, itago mo yang card ko na yan. If you want to give it a shot then call me. I am not saying you are good but you can be good, you can be great. Konting fine tuning lang at guidance” sabi ng matanda. “Ah madam, saang stage play po ba?” tanong ni Enan kaya biglang natawa yung matanda. “Oh no no dear, stage plays are things of my past, I have moved on”
“Think about it, you will fit perfectly on the movie that I am planning to produce” sabi ng matanda kaya nanigas si Enan at talagang natulala. “Enan right? It was nice meeting you, it was a blessing meeting you today. Honestly wala ako dapat dito pero I am thankful that I came. I have to go ahead, I will be expecting your call” sabi ng matanda.
Parang zombie na naglakad si Enan sa hallway, bigla siyang sinugod nina Clarisse, Violet at Greg kaya natauhan yung binata. “Anong sinabi niya?” tanong ni Violet. “Ha? Ewan ko, hindi ko alam anong nangyari talaga” sabi ni Enan.
“Pare! Naka face to face mo siya, nahaplos mo pa cheeks niya. Anong feeling?” tanong ni Greg. “Ay pare grabe ang kinis ng kutis niya tapos grabe pare ang ganda niya pala pag malapitan” kwento ni Enan. “Hay naku, boys will be boys” sabi ni Clarisse.
“Hayaan mo na, matagal nang crush ni Enan yon” sabi ni Violet. “Anong matagal nang crush? Ako nga nagpakilala sa kanya, I mean ako nagbanggit sa kanya about Mary Grace” sabi ni Greg. “Talaga? Kasi bago pa kami naging close ni Enan sinusundan na niya ng tingin yon e” kwento ni Violet.
Napatawa si Enan kaya tinulak siya ni Greg, “Liar ka, pakunwari ka pa noon na sinong Mary sinong Mary tapos matagal mo palang crush?” sabi niya. “E hindi ko pa alam name niya noon, ikaw nagsabi ng name niya” sagot ni Enan. “May boyfriend na yon” sabi ni Violet.
“Pare alam mo layogenic lang siya, malayong mas maganda pa sina Clarisse at Violet sa kanya” banat ni Enan kaya nagtawanan yung mga dalaga. “Ah ganon, so pag may boyfriend ang babae pumapangit?” tanong ni Clarisse. “Uy Clarisse, gumaganda ka ah. Grabe ang laki ng ginanda mo” hirit ni Enan kaya napahalakhak ang dalaga.
“Tara celebrate tayo, congrats Vi ha” sabi ni Enan. “Oo nga Vi, ang galing mo kanina” sabi ni Clarisse. “May boyfriend na talaga siya?” tanong ni Greg. “Hello Lea, uy alam mo ba si Greg…” drama ni Enan kaya tinulak ulit siya ni Greg.
“To naman o, crush lang. Ano bang masama don? Si Lea parin love ko” sabi ni Greg. “Naks, yung term, love na agad. Niligawan mo na ba?” tanong ni Enan. “Well nasa getting to know each other stage pa kasi kami” palusot ni Greg. “Vi, alam mo na ha” sabi ni Clarisse.
“Tulungan ka namin Greg” alok ni Violet. “Talaga? Sige nga, ito kasing si Enan walang kwentang kaibigan. Ayaw magturo” reklamo ni Greg. “Pero ilibre mo kami muna” banat ni Violet kaya napahalakhak si Enan. “Sige ba, tara tara” sabi ni Greg.
“O Enan saan ka pupunta?” tanong ni Clarisse. “Ewan ko” sabi ng binata. “Hey ano ba sinabi ni madam Celeste?” tanong ni Violet. “Wala naman, ah sabi niya lang na proud siya kasi I stood up against that bully. Yun lang” palusot ni Enan.
“Oo mayabang talaga yon daw, porke madami nang awards feeling mataas na. Ewan ko ba kasi bakit kinuha pa ni sir Andrew yon as judge. Well I understand kasi tong acting guild ng school award winning kaya gusto salahin yung mga members pero masyado na yung mayabang na yon”
“Last year nung nanood ako may nilait siyang students, as in pinaiyak niya talaga sila” kwento ni Violet. “Nanood ka last year? Wait don’t tell me dapat last year ka nag audition pero natakot ka sa kanya ano?’ tanong ni Clarisse. “Oo kaya, pero this year sabi ko I really want it so bahala na” sagot ni Violet.
“Enan ano problema? Oh let me guess tinamaan ka kay Mary Grace ano?” tukso ni Clarisse. “Hindi ah, iniisip ko kung mali yung ginawa ko kanina. I think I need to go back and apologize to him” sabi ng binata. “Wag na pare” sabi ni Greg. “Alam mo, yeah I think kahit na ganon siya go to him” sabi ni Violet.
“Sige mauna na kayo” sabi ni Enan. “Sa may pares ha, sunod ka don. Diba don mo kami ililibre Greg?” lambing ni Violet. “Oo naman, pare sumunod ka ha. Orderan na kita” sabi ni Greg. “Sige sunod ako agad” sabi ni Enan.
Pagpasok ni Enan sa auditorium nakita niya sa malayo yung mayabang na hurado. Lalapitan na niya sana ito nang biglang sumulpot si Mary Grace. “Uy MU” bati ng dalaga. “MU?” tanong ni Enan. “Mister university” lininaw ng dalaga kaya natawa si Enan.
“Uy di naman, teka lang ha kailangan ko ata mag apologize don” sabi ni Enan. “Wag na no, ey Mary Grace” sabi ng dalaga kaya nagulat si Enan nang makita yung kamay ng dalaga. “Enan” sagot niya kaya nagkamayan sila.
“Kalimutan mo na yang mayabang na yan, tara” sabi ni Mary Grace kaya nalito yung binata. Sinundan ni Enan yung dalaga palabas ng auditorium, nahihiya siya tumabi dito ngunit yung dalaga ang tumabi at ngumiti.
“Di ka susunduin ni boyfie?” tanong ni Enan. Bungisngis yung dalaga saka nagtakip ng bibig. “Di ko boyfriend yon pero shhhh. Actually he is gay” bulong ng dalaga. “Ha?” bigkas ni Enan. “Actually I was just helping him out, kasi nga natatakot siyang mag out, nahahalata na siya so as a friend sinasamahan ko siya lagi”
“Nung kumalat rumors about us being a couple nakatulong din sa akin kasi to get rid of hmmm you know” sabi ng dalaga. “Oh, baka sabunutan ako ng boyfie mo ha” biro ni Enan kaya napahalakhak yung dalaga.
Samantala sa loob ng kainan napanganga si Greg, “Tignan mo yang matinik na hayop na yan” bigkas niya. “Greg kadiri ka, don’t talk while your mouth is full” reklamo ni Clarisse. “Ayan o, tignan niyo” sabi ni Greg kaya pagtingin nila sa bintana nagulat sila nang makita si Enan at Mary Grace na magkasama.
“Idol talaga, matinik. Pero madamot, ayaw magturo. Tignan mo o, they just met, nag eksena lang sila tapos ganyan na?” reklamo ni Greg. “Oh well” bigkas ni Clarisse sabay nagsimangot. “He deserves to be happy” sabi ni Violet.
“Pano niya ba ginagawa yan?” tanong ni Greg. “Kung artista nga kaya niya pasagutin e, magtatanong ka pa?” sabi ni Clarisse pagalit. “Kayo naman talaga, baka sinamahan lang niya” sabi ni Violet. “Uy papunta sila dito, act normal” sabi ni Greg.
Si Enan lang yung dumating kaya nagpasimple yung mga kaibigan niya. “Sorry late ako, hinatid ko si Maggy diyan lang. Inantay ko sumakay ng jeep” sabi ng binata. “Mary Grace?” tanong ni Violet. “Oo, MG kaya Maggy” sabi ni Enan. “Magkaibigan pala kayo, ikaw pare ang dami mong sikreto ha” sabi ni Greg.
“Hindi, nagkasabay lang so it was just proper to wait for her to ride a jeep” sabi ng binata. “Bakit feeling ko makikita ko na siya sa tambayan?” sabi ni Clarisse. “Di no, hoy anong issue yan? I admit crush ko siya pero hanggang don lang. Ano ba kayo? Porke maganda may issue, bakit di kayo gumagawa ng issue about us? Tayo Clarisse lagi tayo magkasama, wala issue. Tayo Violet magkasama lagi lately wala naman issue”
“Bakit pag bago may issue agad? Kayo talaga. “Sorry pre, kasi nung nakita namin kayo tumatawa kayo” sabi ni Greg. “Hindi ko ba nagagawa yon sa inyong lahat? Napapatawa kita Clarisse, pati ikaw Vi, at ikaw damuho pati ikaw o bakit wala tayong issue? Ha?” sabi ni Enan.
“Nadagdagan ang mga kaibigan ko, that is it. Kahit na crush ko which is aminado ako naman pero wala. I am just happy having many friends, dati naman ilan lang kaibigan ko. Do you know what it feels kung ayaw ka kaibiganin because of the way you look?”
“Ngayon happy ako kasi madami na ako kaibigan kahit ganito ako parin. Wag niyo naman lagyan ng issue lagi. I like me today compared to the me before where I only had a few friends, yung iba pa nga don pilit na friends”
“Ngayon I can casually make friends. Maging happy naman kayo para sa akin kahit don lang sa bagay na yon. Wag agad lagyan ng issue” drama ni Enan. Biglang tumunog phone niya, “Si Grace yan” sabi ni Greg kaya inuga ng binata ulo niya.
“Enan kindly buy flour before you go home” bigkas ni Enan. “Ay si tita?” tanong ni Greg. “At aanhin naman kaya ng tatay ko ang flour?” banat ni Enan kaya laugh trip yung mga dalaga.
Binasa ni Enan yung totoong mensahe sa phone niya, “Ey MU its me MG, this is my number” sabi doon. “Welcome to the Intergalactic Bae hotline, press 1 kung ikaw ay taga hanga lamang, press 2 kung ikaw ay isa sa mga nagnanasa. Kung lalake ka pindutin mo yung pulang telepono icon at hindi ako Bozanian sword fighter” sagot ng binata.
“Hahaha kaloka ka, anyway happy meals MU. Laters” sagot ni Mary Grace. “You too pagdating mo ng bahay” sabi ni Enan sabay ngumiti at tinago na phone niya.