Chapter 16: Chance Encounters

3152 Words
Sabado ng umaga sa loob ng isang bike shop hinahaplos ni Jessica yung kaha ng isang orange na bike nang bigla siyang napasigaw ng malakas. Agad siya tumalikod, imbes na magalit nakita niya ang isang kaibigan na matagal na niyang hindi nakita. “Kat!” sigaw ng dalaga sabay yumakap kaya yung ibang customer sa shop napapailing nalang. “Jessica, oh my God” bigkas ni Katrina. “Grabe kumusta ka na? Ano ginagawa mo dito?” tanong ni Jessica. “Bibili kami ng bike ni daddy, balak namin kasi sumali sa triathlon” sabi ni Jessica. “Ows? Did I hear you right? You and your dad?” tanong ni Jessica. “Oo, grabe ang dami natin pagkekentuhan as in. Nagbago na siya sis. Oh eto eto pa, hindi na siya tatakbo ulit for re-election. Sabi niya focus nalang daw siya as lawyer and sa business nalang” kwento ni Katrina. “Wow, uy wala naman drama moments” tukso ni Jessica. “Happy family na ulit kami, si mama bumalik na rin tapos si baby ate ang cute cute sobra” sabi ni Katrina. “Ha? What do you mean bumalik na mom mo?” tanong ni Jessica. “Hay naku long story, basta get together tayo ulit para magkwentuhan tayo” sabi ni Katrina. “Uy Kat, nakita ko na ulit si Andoy ko” sabi ni Jessica. “Uuuy! Naks nasan siya? Is he with you now?” tanong ni Katrina. “No, kasama ko lolo ko pero susunod siya. Ang tagal nga niya e, pag dumating siya ipapakilala ko siya sa iyo agad” sabi ni Jessica. “Yiheee, uuy, kayo na? Ha?” landi ni Katrina. Tumawa si Jessica, nagtakip ng bibig kaya pinagkukurot siya ng kanyang kaibigan. “Di no, we just got reunited. Uy nakakatawa pano ulit kami nag meet, muntikan ko siya napatay” sabi ni Jessica. “Weh, pano naman?” tanong ni Katrina. “Tinakas ko kasi one night kotse namin, tapos ayun I feel asleep while driving. Nagising ako in time pero I almost hit him. At first di ko alam siya, nung icheck ko kung okay siya hala siya Kat! As in siya talaga” sabi ni Jessica. “Ahem brides maid ako ha” biro ni Kat kaya naghalakhakan yung dalawa. “Baliw, basta sobra akong happy reunited kami. Wait, kumusta na pala si Tibi?” tanong ni Jessica kaya muli silang nagtawanan. “Sira mag aaway nanaman kayo pag marinig ka niya. Lea is obsessed with basketball pero lately may buddy buddy siyang guy” sabi ni Katrina. “Jessica?” bigkas ng isang matanda. “Tito, hello po” bati ni Jessica. “Daddy bibili din sila ng bike” sabi ni Katrina. “Opo kasama ko po lolo ko, ayun siya o” sabi ni Jessica. “Is that..oh you didn’t tell me lolo mo siya. Excuse me girls” sabi ng ama ni Katrina. Nagulat yung mga dalaga nang magkakilala pala yung lolo ni Jessica at ama ni Katrina. “Politics as usual, so uy anong bike kukunin mo?” tanong ni Katrina. “Ewan ko nga e, wala ako idea per ang balak lang namin ni lolo yung pwede sa subdivision then yung pwede din sa road and off track” sabi ni Jessica. “Oh, tagalan sana nila mag usap para mameet ko narin yung Andoy mo” sabi ni Katrina. “Ang tagal nga niya e, anyway ikaw may boyfriend ka na ba?” tanong ni Jessica. “Ex” sabi ni Katrina. “Ala anong nangyari?” tanong ni Jessica. “Well, sad story pero saka ko na ikwento. Pero alam mo ba dahil sa sad story na yon bumait si daddy” sabi ni Katrina. “Sino yung guy na yon? Tara upakan natin” sabi ni Jessica. “Uy hindi, sobrang bait niya its just that daddy didn’t like him. Alam mo na daddy being..hay ewan pero okay na” sabi ni Katrina. “What do you mean okay na?” tanong ni Jessica. “Okay na with daddy, so if ever I see him again well maybe we could start over. Its just sad hindi siya nagpaparamdam. I know he got hurt too so nahihiya talaga ako mag reach out. Pero eventually yes I will reach out to him, I just have to make sure okay na kami ni daddy talaga para wala na problems later” sabi ni Katrina. “Sleep over kaya ulit ako sa inyo?” tanong ni Jessica. “Oo ba, tonight? When?” tanong ni Katrina. “Not tonight, wait exchange numbers tayo muna kasi di ko pa sure ano balak ni lolo. Baka gusto niya agad subukan yung mga bike bukas e” sabi ni Jessica. “Ah oo nga no, kami naman pala may swim training bukas then we jog every morning para masanay kami. Balak namin sumali sa marathon soon, start kami sa five kilometers” kwento ni Katrina. “Hala triathlon talaga? Bakit naman?” tanong ni Jessica. “Daddy said he wants to spend time with me, with all of us actually pero si ate may family narin siya. Ikakasal pala sila soon, basta I like the changes that is happening to my dad now” sabi ni Katrina. “I am happy for you sis, uy teka pili na tayo ng bikes. I really like this orange one” sabi ni Jessica. “Yeah pero halika dito may nakita akong maganda dito” sabi ni Katrina kaya pumasok sila sa isang sulok. Ilang minuto ang lumipas pumasok si Enan sa bike shop at napalingon sa paligid. “Apo halika dito” sabi ng lolo ni Jessica kaya agad lumapit yung binata. “Lolo nasan si Ikang?” tanong ni Enan. “Ay may pinuntahan sila saglit ng kaibigan niya. Yan yung napili niyang bike pala, ako di ko pa alam ano gusto ko kunin e” sabi ng matanda. “Uy maganda ito ah pero sigurado ako mahal ito” sabi ni Enan. “Kung gusto mo apo kumuha ka din, birthday gift ko sa iyo” sabi ng matanda. “Uy lolo wag na po. May pera po ako dito, late ako kasi naghanap pa ako ng ATM. Gusto ko din bumili kasi syempre pag inatake kayo ng rayuma walang kasama si Ikang, so ako nalang” banat ni Enan kaya tinignan siya ng masama ng matanda. “Apo, gusto mo ba magka rayuma ng maaga?” biro ng matanda. “Kayo talaga lolo di na kayo mabiro. Lolo wag na kayo mahiya, sabihin niyo na kasi na palagyan ng training wheels, maiintindihan naman po nila kasi matanda na kayo” hirit ni Enan. “Apo, gumagandang lalake ka, gusto mo ibalik kita sa dati?” sagot ng matanda kaya natawa si Enan. “Lolo talaga, chill. Pero lolo gumagandang lalake ba talaga ako? Anong level po? Crush material? Boyfriend material? Dream guy material o saksakan ng pinagpapantasyahan ng lahat material?” banat ni Enan. “Gusto mo gawin kitang farming material? Pataba sa lupa” bawi ng matanda. “Lolo talaga, nagtatanong lang naman ako. Para kayong may period” sabi ni Enan kaya natawa yung matanda. “Pag sinabi ko na minsan maniwala ka na” sabi ng matanda. “Lolo eto po maganda” sabi ni Enan sabay turo sa itim na bike sa display area. “Yan nga din una kong nakita e, gusto mo ba yan?” tanong ng matanda. “Hindi ko afford lolo, well kaya ko naman siya bilhin kaya lang…oo pwede kasi long term din epekto nito sa katawan” sabi ng binata. “O sige kukunin ko yan” sabi ng matanda. “Lolo ako na” sabi ng binata. “Sinabi ko ba para sa iyo? Gusto ko yan e” sabi ng matanda kaya napakamot si Enan. “Hanap ako ng iba para sa akin” sabi ni Enan. “Apo wag na, kasi bukas susubukan namin mga ito. Magkaka aksidente ako bukas” sabi ng matanda. “Ha? Lolo anong pinagsasabi mo?” tanong ng binata. “Apo, matanda na ako. Oo kaya ko pa kaya lang hindi ko naman gusto talaga ito e. Napansin ko lang si Jessica na naiinggit sa kapitbahay namin na may bike. Kaya gumawa ako ng kwento na gusto ko mag bike” “Bukas magkaka aksidente ako, wag kang mag aalala mag aacting lang ako. Kaya bukas ng hapon sa iyo na itong bibilhin ko. Syempre wala na siyang kasama mag bike, hindi na yan mag bike pag walang kasama kaya doon ka papasok. Tulad ng sabi ko birthday gift ko sa iyo ito” sabi ng matanda kaya di nakasagot si Enan. “Di ata kasya yan sa kotse ko” sabi ni Enan. “Sino ba nagsabi iuuwi mo? Maiiwan to sa bahay, may kotse ka, dalhin mo sarili mo doon tapos doon kayo magbike. Pag gusto niya sa labas, ipapahiram ko yung SUV sa iyo para madala niyo yung mga bike niyo” “Pero apo, pag may mangyari kay Ikang, ibabalik ko talaga anyo mo sa dati” banta ng matanda kaya napangiti nalang si Enan. “Siya nga pala, may nakapagsabi sa akin na kumakanta ka daw sa mga lamay. Itigil mo yan” sabi ng matanda. “Si Ikang nagsumbong” bulong ni Enan. “It does not matter sino nagsumbong pero itigil mo yan. Siya nga pala kumakanta ka din sa mga kasal kaya gusto ko ikaw yung kumanta sa kasal ng isang kaibigan ko” sabi ng matanda. “Lolo, kaibigan niyo? Ngayon palang ikakasal?” tanong ni Enan. “Ano ba tawag don? Kinasal na sila noon pero gusto nila maulit. Reconfirmation of vows ba? Di ko na alam basta gusto nila ulit makasal. Sasabihin ko ikaw yung kakanta don at babayaran ka ng malaki” sabi ng matanda. “Kung kaibigan niyo po kahit libre na basta pakainin lang ako” sabi ni Enan. “Ay hindi, iho kung ito ang balak mong karir suportahan kita. Oo kaibigan ko yon ngunit hindi ko sasabihin na kilala kita. Galit galit muna tayo” banat ng matanda kaya natawa yung binata. “Mayaman sila, wag kang mag aalala. Basta hindi ko sasabihin na kilala kita, ang sasabihin ko lang magaling na wedding singer” “Alam mo kung sino pa kasi yung mga mayayaman sila pa yung kuripot. Sila pa yung malakas ang loob humingi ng discount. Sila pa talaga yung nagpapairal ng kaibigan system para makalibre. Di ko maintindihan ang mga ganon, di naman nila madadala yaman nila sa kabilang buhay” sabi ng matanda. “Lolo yung iba dinadala nila sa kabilang bahay” landi ni Enan. “Apo ganon ka ba?” tanong ng matanda. “Hindi po, hindi po maganda yon” sabi ng binata. “Siguraduhin mo lang at may paglalagyan ka, nagsisimula ako mag alaga ng mga bonsai kaya baka idagdag kita sa kanila pag ganon ka” banta ng matanda. Paglabas nila ng shop pinasok nila yung mga bike sa likod ng SUV. “Andoy! You are so late! Di mo tuloy nakilala yung friend ko” sabi ni Jessica. “Sorry, e kasi…” sabi ni Enan. “May banggahan, di siya nakalusot sa traffic” entrada ng lolo niya. “Ay, anyway sumama ka sa bahay kasi doon ka kakain” sabi ng dalaga. “O sige, sundan ko kayo” sabi ni Enan. “Akin na susi mo, eto kunin mo susi ng SUV” sabi ng matanda. “Ah..” bigkas ni Enan. “Gusto ko din subukan yung kotse mo, eto palit tayo. Sanayin mo yan” sabi ng matanda kaya napangiti ang binata. “Come on Andoy, do not worry expert naman si lolo. Lolo ha, ingatan mo yang kotse ni Andoy, hard earned money niya yan” sabi ng dalaga. Sa loob ng SUV ingat na ingat si Enan magneho habang si Ikang dumikit sa kanya at sumandal. “Andoy, saan ka pumunta last Satuday?” lambing ng dalaga. “Ah secret” sagot ng binata. “Did you go out on a date with someone?” tanong ni Jessica. “Not really, I was with Sally” sabi ni Enan. “Sabi ko na e, you two had a date ano?” tanong ng dalaga. “Hindi, sinamahan niya lang ako sa isang photo shoot” sabi ni Enan. “Andoy, do not lie to me” sabi ni Jessica. “I am not lying to you. I was really in a photo shoot” sabi ni Enan. “Ewan ko sa iyo, so ano next time? Shooting?” tanong ni Jessica kaya natawa si Enan. “Ikang, why are you surprised? Bakit ayaw mo maniwala. Ako ang intergalactic bae friend mo” banat ng binata. “Yeah right” sabi ng dalaga sabay lumayo. “If you don’t believe me, here take my phone. Check mo sa downloaded photos, sinened yung ibang copies sa akin sa email ko e” “Pero for your eyes only, di pwede ikalat yan” sabi ni Enan. Super simangot si Jessica pero kinuha yung phone at tinignan yung photos. “Andoy! Naka borles ka dito!” sigaw ng dalaga sabay natili at natawa ng malakas. “Excuse me di lang kita yung towel, naka brief at towel ako diyan pero babang baba nga lang” paliwanag ng binata. “I cannot look at them, eeeh anong klaseng photoshoot yan? Nag aapply kang macho dancer?” tanong ng dalaga kaya nagtawanan sila. “Ikang I want you to look at them” sabi ni Enan. Tinignan ng dalaga yung mga litrato, “Oh ang ganda ng kuha…hala…uy maganda yung kuha talaga at hindi ko sinasabi na maganda na naka borles ka ha. Art ito alam ko” sabi ni Jessica sabay tumawa ng malakas. “What do you think?” tanong ni Enan. “Andoy, para saan mga ito? Please don’t tell me nagpapabugaw ka” lambing ng dalaga. “Ikang, I really wanted it to be a surprise sana if ever makuha ako. Pag hindi makuha isisikreto ko nalang sana pero ayan na” sabi ni Enan. “For what?” tanong ni Jessica. “Di ko alam kung maniniwala ka sa akin pero kindly check my email, basahin mo nalang don” sabi ni Enan. “Oh my God” sigaw ni Jessica sabay lumuhod sa upuan at pinag uuga yung binata. “Oh my God! Andoy! Oh my God! Why didn’t you tell me? Hala, oh no, nakuha ka na? Please tell me nakuha ka na. Isasama mo ako diba? Diba? Isasama mo ako diba? Andoy!” sigaw ng dalaga kaya sa mga sandaling yon biglang sumaya si Ena at tanging nagawa niya ay napangiti. “Andoy, wow grabe ang saya saya ko para sa iyo. Nakuha ka na ba?” tanong ng dalaga. “Ikang, di pa. Kasusubmit palang ng portfolio ko” sabi ng binata. Sumandal si Jessica sa pintuan, tinitigan niya yung isang litrato sabay kaibigan niya. “Andoy ang gwapo gwapo mo dito” bulong ng dalaga. “Ano? Did I hear you right?” landi ng binata. “Oo dito o, pero itong black and white sobrang ganda ng kuha. Can I have a copy of this please? Di ko ipapakita kahit kanino? I want copies for all baka sabihin mo itong borles lang gusto ko” biro ng dalaga kaya nagtawanan sila. “Sige lipat natin sa laptop mo later” sabi ng binata. “Andoy I am really happy for you. Sana talaga, sana Lord makuha siya. Grabe Andoy ibang level ka na talaga. Di na kita kaya abutin” sabi ni Jessica. “Huy, anong pinagsasabi mo?” tanong ng binata. “Wala lang, sana makuha ka talaga. Bibilhin ko yung magazine talaga, o kaya papanoorin ko yung catwalk mo kahit sa TV lang pero sana, sana lang naman isama mo ako minsan pag sikat ka na” drama ng dalaga. “Ikang, nothing is definite. Subok lang, kapal nga mukha ko e pero why not diba? Eto na yung tinuturo mo sa akin Ikang, na magtiwala din sa sarili ko” sabi ng binata. “I am really so happy for you Andoy, hay grabe naiimagine ko na yung araw na oy boyfriend ko yan..ah..ah..” bigkas ng dalaga. Pati si Enan nautal at natulala kaya napalunok sila ng sabay. “Syempre sasabihin ko yon kasi alam ko pagkakaguluhan ka nila diba? Syempre pag sinabi ko yon tatantanan ka nila para maenjoy mo parin naman yung freedom mo. Kasi pag sikat ka na feeling ng lahat pag aari ka nila e. Wala ka na freedom” “So para tulungan kita sasabihin ko yon para yung iba tumigil na. Baka mamaya mag camping na sila sa tapat ng bahay niyo e. Diba?” kabig ng dalaga. “Oo nga pero alam mo Ikang, hindi maganda yung role playing” sabi ni Enan. “Sorry, di ko naman talaga sinasadya, I was just thinking ahead, thinking of ways to help you. Kasi diba ganon nangyayari sa mga artista, nasasakal na sila so I don’t want that to happen to my Andoy. Diba? You understand right?” sabi ng dalaga. “Kahit na sikat ka na I will still look after you, kahit hindi ka sumikat ganon parin. Ikaw ang Andoy ko e” bulong ng dalaga. “Lika nga dito, lapit ka dito” sabi ni Enan kaya tumabi ang dalaga at sumandal. “Ikang malaki chance na hindi ako makuha pero alam mo ngayon feeling ko nakuha na ako dahil sa iyo. If ever makuha ako sana lagi mo tandaan na kung sino man ang makita mo bilang ako e parte ka ng tao na yon” “I would not be able to stand up straight without you. I could not even lift my head up high if not for you. You taught me a lot before, nawala ka pero hindi ako kumuba, oo aaminin ko may times na kumuba ako pero pero missing you kept reminding me of what you tried to teach me” “So eto ako, medyo nakatayo ng tuwid, ang di nakikita ng karamihan yung babaeng nasa tabi ko all through out who helped me keep standing at ikaw yon. Kaya Ikang bago pa magbago ang lahat…” sabi ni Enan. Nagulat si Jessica, napapikit nang halikan siya ng binata sa gilid ng kanyang noo. Namulat ang dalaga ngunit may kasunod pang halik ang binata na naglanding naman sa kanyang pisngi at sumagi konti sa gilid ng kanyang mga labi. “Walang Andoy o Enan pag walang Ikang” bulong ng binata kaya muling pumikit ang dalaga at napangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD