Chapter 17: Frenemies

3170 Words
Isang Biyernes ng gabi sa loob ng kotse di mapakali si Jessica kaya napakamot si Enan. “Ikang ano problema mo?” tanong ng binata. “Wala lang, excited lang ako panooring kang mag perform” sabi ng dalaga. “Tsk, wala si Mikan kaya I will be really busy. Sana naman may kasama kang iba kasi baka mabore ka mamaya” sabi ng binata. “Okay lang ano, nasan ba si Mikan?” tanong ng dalaga. “Well may engagement siya, may event na malaki bayad pero okay lang yon sa totoo. Ang masama biglang back out din yung isang band kasi namatayan yung lead vocalist nila” sabi ni Enan. “Hala so you mean to say parang solo concert mo tonight?” tanong ni Jessica. “Wow ang sarap naman pakinggan non, pero di rin. Nakausap ko na si boss, we are going to try something new tonight. Para naman di ako kakanta ng buong gabi no, basta mamaya” sabi ng binata. Sa loob ng bar nagulat si Jessica nang binati siya ng lahat ng staff. Pilyong sumaludo si Enan mala John Loyd kaya bungisngis si Jessica. “Halika itour kita sa dressing room ko, naks mafeeling porke wala si Mikan e. So this is our dressing room, dapat sa kanya lang kaya lang naawa siya sa akin kaya okay lang daw maki dressing room ako dito” sabi ni Enan. “Pero babae siya” sabi ni Jessica. “Babae nga siya, oh of course I go out when she needs to change. Pag hindi diyan lang kami nagpapahinga” sabi ng binata. “I see” bulong ni Jessica. Samantala sa labas ng bar di mapakali si Cristine. “Masyado ata tayo maaga e” sabi niya. “Tama lang para maka pwesto na tayo, pangit naman yung dadating ka ng madami nang tao baka kunin mo pa antesyon nila” sabi ni Jelly. “Should I text him? Nandyan na kotse niya so that means nandyan na siya diba?” tanong ni Cristine. “Malay mo nag away sila ng kotse niya at nauna yung kotse dito” banat ni Jelly kaya tinaasan siya ng kilay ng dalaga. “Itetext ko na siya” sabi ni Cristine. Sa loob ng dressing room tumunog phone ni Enan. “Sino?” tanong ni Jessica kaya dumikit siya sa binata. “Surprise, nandito kami sa labas ng bar ni Jelly” basa ni Enan kaya agad nagsimangot ang dalaga. “Oh wow, nandito si Tiny” sabi ni Enan. Tumalikod si Jessica at kunwari pinagmamasdan yung isang songbook. “Ikang halika, dali sunduin natin sila sa labas” sabi ng binata. “Hindi na, ikaw nalang. Dito nalang ako” sagot ng dalaga. “Ikang halika na” sabi ng binata sabay hila sa dalaga palabas ng dressing room. Super simangot na si Jessica, samatala sa labas nakita na ni Jelly yung dalawa mula sa loob. “Uh oh” bigkas niya. “Why uh oh?” tanong ni Cristine ngunit nakita na niya narin sina Enan at Jessica. “What the hell is she doing here?” bulong ng dalaga sa inis. “Tiny! Jelly!” sigaw ni Enan kaya nagtago si Jessica sa likuran ng binata. Nakipag beso si Enan kay Jelly, si Cristine naman biglang yumakap sabay tumuka sa pisngi ng binata. “Wait, Ikang, lika na, Ikang I would like to formally introduce you to Cristine and Jelly. Si Jelly ay lalake” banat ni Enan kaya doon na natawa si Jessica at pinalo sa pwet ang binata. “Tiny and Jelly, this is Jessica” pahabol ng binata kaya napangisi si Jelly ngunit nagulat siya nang inabot ni Cristine ang kamay niya. “Hello” bati niya. “Hi” sagot ni Jessica sabay nakipagkamayan naman sa artista. “Enan ilibre mo kami ha” sabi ni Jelly. “Jelly!” reklamo ni Cristine. “Sure, wag kayong mag alala baka triple pay ako tonight kasi solo ako. Ahem, consider this as my mini concert” sabi ng binata. “Talaga? Solo mo? E di kami lang ang bisita mo ganon?” banat ni Jelly. Magrereact sana si Jessica ngunit humarap si Enan kay Jelly sabay hinaplos pisngi nito. “Alam mo Jelly, akala ko nagiging close na tayo pero hindi pala. Kahit na ganyan ka parin sa akin, nais ko lamang na malaman mo na…lalake ka parin sa paningin ko” banat ng binata. “Gaaaagoooo!” hiyaw ni Jelly kaya nagulat si Jessica nang tumabi sa kanya si Cristine. “Ganyan talaga sila eversince, no need to be surprised” sabi ng artista. “Ay talaga, ay teka medyo nastarstuck ata ako. Ang ganda ganda mo sobra pala sa personal” sabi ni Jessica. “Uy di ha, ikaw nga e, naiinsecure ako bigla sa iyo. I only see you sa f*******: posts niya pero ang ganda mo din sa personal” sagot ni Cristine. “Girls shall we go?” tanong ni Enan kaya pabirong yumakap si Jelly sa braso niya. “Girls nga e! Girls! Bakla ka hindi ka bingi, iba spelling ng bingi at bakla” banat ni Enan kaya laugh trip sina Jessica at Cristine. Sa loob ng bar nagkagulo yung mga staff nang makita si Cristine kaya nagpaunlak yung artista ng picture taking at autograph signing. “Andoy, ang ganda ganda niya grabe” bulong ni Jessica. “Hoy Ikang, anong nangyayari sa iyo?” tanong ng binata. “Ewan ko pero gandang ganda ako sa kanya” sabi ng dalaga. “Sanay ka na kasi sa mukha mo e, pero pag first time mo nakita siguro mukha mo ganyan din reaksyon mo sa sarili mo” sabi ni Enan kaya napangiti ng husto si Jessica at bumangga sa binata. Ilang minuto lumipas naka pwesto na sila sa isang sulok kung saan kitang kita yung bar. “I have to prepare now, iwan ko muna kayo dito. Order anything you want, Jelly ikaw muna bahala sa kanila ha” sabi ni Enan. “Of course, sabihin mo nga bilisan nila don sa pagkain” sagot ng bading. “Oo parating na yon, Tiny, Ikang, mauna na ako ha. Ayusin ko pa yung mga ipeperform ko” sabi ng binata. “Sure, galingan mo mamaya ha” sabi ni Jessica. Nung makalayo yung binata nailang sa isa’t isa yung dalawang dalaga, “I saw your photos the other day, nag biking ata kayo” sabi ni Cristine. “Ay yeah, to get fit lang” sabi ni Jessica. “Did he tell you na I invited him to be my gym buddy?” tanong ni Cristine. “Hindi naman, teka ikaw mag gym? What for?” tanong ni Jessica. “Upcoming project, when I saw your photos parang naalala ko invites ng friends ko to go biking with them too” sabi ni Cristine. “You should, healthy siya. Sobra nga pawis namin pero at the same time maeenjoy mo din siya” sabi ni Jessica. “Maybe, I will try to contact my friends. Parang umuuso talaga siya ano?” sabi ni Cristine. “Alam mo why don’t you join us? Pero weekends lang kami mostly” alok ni Jessica kaya nagulat si Jelly. “Nakakahiya naman, alam ko you two just got reunited so di na ako eepal” sabi ni Cristine. “Hindi, join us. May bike ka ba? Pag meron join us. Sa subdivision namin walang pakialaman yung mga tao don. Safe ka, malawak pa doon so hindi boring magpaikot ikot” kwento ni Jessica. “Hmmm..may bike ako actually pero ang tagal na non, nasa province pa” sabi ni Cristine. “Ipakuha mo na then join us, kaya lang hapon kami pag Sabado kasi Andoy performs Friday nights. Saturday afternoon, then Sunday afternoon. Maganda sana umaga pero we have to adjust para naman di siya puyat” sabi ni Jessica. “Are you sure?” tanong ni Cristine. “Oo naman, pero sana may alam ka din ibang lugar later on baka mabore tayo sa lugar namin” sabi ni Jessica. “Parang bawiin ko nalang offer ko sa kanya about sa gym, what if ikaw nalang kasama ko?” tanong ni Cristine bigla. “Me? Hala, ako?” tanong ni Jessica. “Yeah, oh come on, I know you already have a nice body pero I am sure may gusto ka pang mareach. Di naman heavy work outs e, toning lang, ako nga look o may baby fats pa ako. Yeah I love to eat kasi” sabi ni Cristine. “Hmmm…may studies pa e” sabi ni Jessica. “E di we schedule it after your classes. Sige na para may kasama ako. I know we just met but you are Enan’s bestfriend so I am sure we can be best of friends too” sabi ni Cristine. “Yeah I would like that but…” sabi ni Jessica. “My treat promise” sabi ni Cristine. Dumami nang tao sa bar kaya ayos ng ayos si Cristine ng sarili para makapagtago. “Uy babae di ka na nakikita no, maganda tong spot natin” sabi ni Jelly. “Syempre I want to make sure, guest lang ako dito at ayaw ko naman mapunta antesyon sa akin. Dapat spotlight kay Enan lang” sabi ni Cristine. Dumilim sa stage kaya lahat nanahimik, “Paalala sa mga couples, pigilan niyo ang mga girlfriend o mga asawa niyo pagkat paparating na ang pinaka gwapong lalake sa buong galaxy” bigkas ni Enan sa mababang boses kaya laugh trip na agad ang mga tao. Nakita na nila yung binata sa madilim na stage, “Ladies and gentlemen, pasensya na kayo at wala si Mikan tonight pero consider yourself blessed. For the first time, the most sought after performer in the whole galaxy will serenade you, here I am, the irresistible, the undeniable, the most handsome creation of nature…the Intergalactic Bae!!!” sigaw ni Enan. Dahan dahan tumutok yung spotlight, mala oblation pose si Enan kaya naghiyawan at tawanan ang lahat ng tao. “Anyare? Kateteleport ko galing planet Wichazulo pero parang naiwan ata kagwapuhan ko don” banat ni Enan kaya laugh trip talaga ang lahat ng tao. “Don’t you worry now, susunod din kagwapuhan ko promise. Natraffic lang siguro o kaya naharang ng mga alien fans. Hirap talaga maging gwapo, eto patunay, hinarang yung pagdating ng totoong itsura ko kaya pagtyagaan niyo nalang muna itong taglay kong artistahing kagwapuhan” hirit ng binata at meron talagang mga tao na hindi na makapagil sa katatawa. “Calm down now, medyo disappointed ako sa reception, parang hindi nasasapat para sa Intergalactic bae yung mga reaksyon niyo kaya…maestro please” sabi ni Enan sabay humawak sa dibdib niya at biglang hinila polo niya hanggang matastas ang lahat ng botones. Pagka expose ng dibdib niya biglang nagtilian ang sobrang daming mga babae at doon na nagsimulang kumanta si Enan. “You don’t have to be beautiful, to turn me on” birit niya sa kanta ni Tom Jones na Kiss. Tinodo expose niya half upper body niya sabay umayuda na palandi kaya biglang napatayo si Jelly at nagsisigaw tulad ng ibang babae sa crowd. Tinuloy ni Enan kanta niya with matching sexy dance kaya umingay ng husto sa bar. Sina Cristine at Jessica parehong nagtatakip ng bibig at natitili ngunit si Jelly nagwawala talaga at nakikisayaw katulad ng iba sa crowd. Nung natapos yung kanta mala oblation pose ulit si Enan at walang tigil ang pagsisigaw ng mga babae. “That is much better, maraming salamat pero bago ako magtuloy gusto ko sana pasalamatan ang dalawang importanteng tao sa buhay ko na nandito ngayon. Hindi ko na babanggitin sino sila baka magselos yung ibang girls…and boys” banat ni Enan kaya tawanan ulit ang lahat ng tao. “By the way I will be taking in requests so you can write down your requests on a piece of paper” sabi ng binata sabay biglang nagspin, tumugtog yung minus one kaya agad nagwala yung mga tao sa isa pang kanta ni Tom Jones na s*x Bomb. Napatayo na sina Jessica at Cristine, mga staff tuwang tuwa pagkat ngayon lang nila nakita na ganitong kasaya sa kanilang bar. Lahat ng tao sumasabay sa sayaw ni Enan maski yung mga matatandang executives sumali narin. Nang matapos ang second song ni Enan lahat ng tao napaupo at hingal kaya ang binata kumuha ng face towel at nagpunas ng pawis. “Alam niyo ba the other day pinag lead ako ng Zumba class ng mga senior citizens na babae, iba nangyari. Naging marathon kasi pinaghahabol nila ako” “Flattered naman ako at naappreciate parin ng mga lola ang mga aking kagwapuhan kaya lang pag uwi ko ang dami kong nauwing mga pustiso na may love notes” banat ni Enan kaya laugh trip ulit yung mga tao. “O eto na first batch ng requests” sabi ng binata sabay kinuha yung mga papel mula sa staff. “Hi can I have your number?” basa ng binata sabay ngisi. “Ano to? Sabi ko requests, bakit panay hingi number ko? O eto naiiba, number lang nakalgay. Joke lang, sige eto, mukhang alam ko ito, Oh today is our first anniversary so can you sing our favorite song by the Beetles entitled Till there was you” “Because this is the last time, bukas hiwalay na kami kasi nakita na kita” banat ni Enan kaya sumabog ulit sa tawanan ang lahat ng tao. “Joke lang, dinagdag ko lang yung huli. Okay I think we have that here so mellow down tayo konti at happy anniversary sa inyong dalawa” “Next time wag niyo lagyan ng bilang, sabihin niyo lang anniversary niyo. Pag nilalagyan ng bilang kasi parang may hangganan, o naka isa na tayo, ano kaya pa? Anniversary lang, does it really matter kung pang ilang taon na? Kung binabalak niyo abutin yung sinasabi nilang forever aba’y baka mainip kayo sa kabibilang. I will love you until forever is also wrong, kasi nilalagyan mo ng hangganan, oo hindi natin alam ilang ba talaga yung forever pero may hangganan parin yon” “Kaya let everyday be your now and your forever para pag ngayon ang forever mo bukas bagong forever ulit yon. I am not making sense so kakanta nalang ako. I remember already singing this song before kaya alam na alam ko na ito, happy anniversary, this one is for you two” sabi ni Enan. Walang natawa, lahat nakangiti lang at pumalakpak sabay naging busy sa kanilang phones para ibroadcast sa social media posts ang nasabi ng binata. “There were bells on a hill, but I never heard them ringing. No I never heard them at all til there was you” birit ni Enan at lahat namangha sa pagkukulot ng kanyang boses. Nagbago ang mood ng crowd, madami ang teary eyed at karamihan tulala sa tinding pagmangha sa boses ng binata. “Jessica are you alright?” tanong ni Cristine. Nagpunas agad ng luha si Jessica sabay ngumiti, “I am just so happy right now, kasi iba talaga si Andoy noon. When we were kids he was this shy boy who simply followed me around” “I was bossy at the same time his protector kasi nga ang daming lumalait sa kanya. Basta pag marami nang tao nagtatago yan sa likuran ko o kaya lagi niyuyuko ulo niya pero look at him now. Ang dami nang tao, dati yung mga tao nilalait siya pero ngayon they are clapping for him, they are cheering for him…I am just so happy for him” sabi ng dalaga. “As in he was bullied that bad?” tanong ni Cristine. “Sobra, araw araw. Minsan naiiyak na ako sa awa pero I had to stand up for him. Inaaway ko talaga sila kasi pag pinakita ko mahina din ako pano na siya? Pero ngayon look at him” sabi ni Jessica. “Alam mo Jessica I should be thanking you then dapat. Kasi pag hindi mo inalagaan si Enan noon then wala sana ako makilalang katulad niya. He is such a wonderful person and siguro you deserve to be happy seeing him the way he is now” “And you know what, I noticed may pagbabago din siya from the last time we spent a lot of time together. He is more confident now, I know why because you are here. Parang ikaw yung sandalan niya, mas relaxed na siya ngayon compared to before” sabi ni Cristine. “Di naman, nagkahiwalay kami ng matagal so he did it on his own” sabi ni Jessica. “Hindi rin, basta than you ha. Pero teka lang, yung pagkanta na ganyan e ganyan din ba siya noon?” tanong ni Cristine. “Nakakatawa, nung bata kami ako lagi bida pero one time nung birthday ko bigla siya kumanta. Di ko alam kung matutuwa ako o hindi e. Nagselos ako kasi ang galing niya. I think he noticed me feeling kinda mad so after my birthday nakikinig nalang siya sa akin” “Yes we do sing a lot before pero now I realize na sadya niya ata sinisilang boses niya para di ako magalit. So akala ko naman tsamba lang yung birthday song niya para sa akin noon. Ang sama ko din ano?” sabi ni Jessica kaya natawa si Cristine. “Ang cute ng story niyo, hey we should hang out more often. Gusto ko pakinggan kwento niyo nung bata kayo” sabi ni Cristine. “Oo ba, pero nakakahiya naman ata” sabi ni Jessica. “Anong nakakahiya? Can I add you on f*******:? Then kunin ko number mo para pag may time ako labas tayo” sabi ni Cristine. “Oo ba, hala baka sabihin nila mafeeling ako at may friend akong artista” sabi ni Jessica. “Please wag ganyan, normal din naman ako e” sabi ni Cristine. “Okay, excuse me, CR lang ako” sabi ni Jessica. Pagkaalis ng dalaga dumikit si Jelly sa artista. “Ahem, ano yan keep your enemies close?” tanong niya. “No, I really like her. Parang naiintindihan ko na friendship nila. I think mali na magselos ako sa kanya” sabi ni Cristine. “Ows? Frenemies?” hirit ni Jelly. “Honestly parang oo, I don’t know yet. I want to be friends with her, gusto ko lalong maintindihan si Enan. In order for me to do that kailangan ko siya makilala from another perspective, siya yung tao na may kilala talaga kay Enan” “I want to get to know the person I am in love with completely, and if being friends with her is the way to do that then so be it”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD